Chapter 1

1684 Words
ALEXANDRIA Napahilot ako sa aking sintido ng matapos akong kausapin ng head namin. Gusto kong mag-back out pero dahil naka-commit na ako, no choice ako kung 'di ang ituloy. "Ano'ng balita, bestie?" tanong kaagad sa akin ng kaibigan kong si Misty ng maupo sa tabi ko. "Mag-aalaga ako ng isang ex-convict," walang ganang sagot ko. Pagkatapos ko iyon sabihin ay napasinghap ito saka impit na tumili dahilan para sulyapan ko ito. "Ang sabi nila, magaling daw ang mga ex-convict pagdating sa-" "Misty!" putol ko sa sasabihin nito. "Ang bastos na naman ng bunganga mo. Tumigil ka, ha. Hindi nakakatulong ang kamanyakan mo," sermon ko rito. Tumawa lamang ito saka niyakap ako at pinatong ang baba sa balikat ko. "Eh, ano'ng problema kung galing sa bilangguan ang pasyente mo? Teka, lalaki ba? May babae rin kasi na nakukulong, 'di ba?" pagkumpirma nito. "Lalaki, syempre," pagtataray ko rito. "Ano nga ang problema?" "Ang problema ko, walang nakakatagal sa kan'ya. Ang sabi ni Ma'am Cynthia ay baka ako lang daw ang magtagal dahil kaya kong tapatan ang ugali niya. Mukha ba akong amasona sa paningin nila dahil sa akin binigay ang ex-convict na 'yon?" reklamo ko sa kaibigan. "Ah, eh, oo," nangigiting sagot nito. Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan. "Isa ka pa." "Tanggapin mo na lang. Malay mo naman magbago na ang ugali dahil ikaw ang therapist niya. Saka, balitaan mo ako, ha," pilya ang ngiti na sabi nito. "Balitaan saan?" salubong ang kilay na tanong ko rito. "Kung magaling nga ba talaga siya." "Ikaw talaga!" sabi ko na akma kong hihilahin ang buhok nito ngunit mabilis itong nakaalis sa tabi ko. "Bye, bestie. Goodluck kay Mister Ex-convict," pang-aasar pa nito sa akin saka tuluya ng umalis. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng mawala na ito sa paningin ko. Muli kong hinilot ang sintido dahil kumikirot ito. Sumakit ang ulo ko dahil sa trabahong binigay sa akin. Sana lang ay makatagal nga ako sa ugali ng ex-convict na iyon. Nagpasya ako na umuwi na sa aking tinutuluyan at nagsimula na akong mag-ayos ng mga damit na dadalhin ko sa bahay na papasukan ko. First time ko ang mag-stay in kaya naman ay hindi ko alam kung ano ang mga dadalhin. Minabuti ko na lang na dagdagan ng pantulog. Scrab suit pa rin naman ang isusuot ko lalo na at mas komportable akong isuot iyon kapag may pasyente akong inaalagaan. Pagkatapos kong magsalansan ng mga damit sa duffle bag ay humiga ako. Iniisip ko pa kung tutuloy ako o hindi. Pwede naman akong umatras. Hindi bale ng malaki ang sasahurin ko, huwag lang mag-alaga ng galing sa bilangguan lalo na at masama ang ugali. Hindi naman ako galit sa mga galing ng bilangguan. Sadyang iwas lang ako sa kanila dahil sa nangyari sa nakatatanda kong kapatid na nakulong at namatay sa loob ng selda dahil sa pambubugbog ng mga kapwa inmate. Isa pa, negative kasi agad ang natanggap kong balita kaya parang gusto kong umatras. Sabihin na nating kaya kong tapatan ang ugali ng lalaking iyon, pero pakiramdam ko ay sa kan'ya lang ako hindi tatagal. Bumangon ako sa aking higaan ng marinig ko na may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Tinungo ko ang pintuan at isang may edad na lalaki ang bumungad sa harap ko. "Ikaw ba si Miss Alexandria Gomez?" tanong nito sa akin dahilan para magsalubong ang kilay ko. "Opo, ako nga po," sagot ko. "Pinapa-sundo na po kayo ni Sir Gibson, ma'am." Lalong nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko nga siya kilala dahil basta na lang siya sumulpot dito sa apartment ko at ngayon naman ay may binanggit na naman itong pangalan na ngayon ko lang narinig. "Teka lang po. Hindi ko po kayo kilala at ang tinutukoy n'yo na nagpapasundo sa 'kin," gagad ko rito. "Si Sir Gibson po ang ama ni Sir Gregg, ang pasyente n'yo po," sagot nito dahilan para umawang ang labi ko. Ngayon agad? Nagdadalawang-isip pa nga ako kung itutuloy ko. Paano pala nalaman nito ang address ko? Binigay ba iyon ng head namin? Mas lalo yata sumakit ang ulo ko sa nangyayari. Wala na rin akong nagawa kung 'di ang sumama. Mahigit tatlong oras din ang ginugol namin sa byahe dahil sa usad pagong na mga sasakyan. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Hindi naman nakakaligtas sa akin ang panaka-nakang tingin na ipinupukol sa akin ng matandang lalaki sa rear-view mirror. Alas singko na ng hapon nang marating namin ang lugar. Napanganga ako ng makita ko ang malaking bahay na bumungad sa harap ko. Parang gusto ko na bawiin ang sinabi ko na ayaw ko mag-alaga ng ex-convict. Wala akong ideya na mayaman pala ang pasyente ko. Sabagay, malaki ang offer sa akin kaya hindi na ako magtataka kung mayaman ito. Pumasok kami sa loob ng bahay ngunit pinapasadahan ko pa lang ng tingin ang loob ay may narinig na akong sigaw at tila nabasag na nagmumula sa ikalawang palapag ng bahay. May lumapit na may edad na babae sa akin at nakangiting kinuha ang dala kong bag. "Ikaw ba ang bagong therapist ng alaga ko?" Nakangiting tanong nito sa akin. "Opo," sagot ko. "Ang ganda mo naman. Ano'ng pangalan mo?" "Alexandria po, tawagin n'yo na lang po akong Andria o kaya Alexa. Kayo na po ang bahala kung ano po ang gusto n'yo sa dalawa," natatawa kong wika. "Andria na lang. Nasa kuwarto si Gregg. Hindi lang maganda ang mood niya ngayon pero ipakikilala pa rin kita. Mas mabuti na iyong makilala ka niya. Hindi pa kasi niya alam na may bago na siyang therapist," paliwanag nito at binigay ang bag ko sa isang babae na katabi nito. Ka-edaran ko lang siguro ito. "Cecil, ilagay mo itong gamit sa magiging kuwarto ni Andria," utos nito sa babae. "Sige po, manang," tugon naman ng tinawag na Cecil. Pinasadahan muna ako nito ng tingin bago kami nito tinalikuran. "Halika, hija, umakyat na tayo at ng maipakilala na kita," yaya sa akin ni manang. "Ano po pala ang pangalan n'yo?" "Ako si Trining. Sa akin pinagkatiwala si Gregg ni Sir Gibson," sagot nito. "Nasaan po si Sir Gibson?" tanong ko habang umaakyat at nakasunod rito. "Nasa kulungan," walang abog na tugon nito na nagpaawang ng bibig ko. Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nito. Paanong si Sir Gibson ang nagpasundo sa akin sa tinutuluyan ko kung nasa kulungan pala ito? Ibig sabihin ba nito, lahi sila ng mga ex-convict? Magtatanong pa sana ako ng may isang babae na humahangos pababa ng hagdan. "O, Rhea, marami na naman ba ang basag?" natatawang tanong ni Manang Trining. Animo'y sanay na ito sa nangyayari. "Ano pa ba, manang? Tatanda ako ng maaga kay Sir Gregg. Hindi ko maintindihan ang ugali. Hindi ko na nga kailangang maglinis ng tainga. Sigaw pa lang niya, naglalabasan na ang mga tutuli ko," reklamo nito. Kalauna'y sinulyapan ako nito ng mapansin ang presensya ko. "Ikaw na ba ang bagong therapist, ganda?" tanong nito sa akin na nawala na ang pagkagusot ng mukha. Ngumiti lamang ako rito saka tumango bilang tugon. "O, s'ya, bababa na ako at mag-luluto. Goodluck, ganda. Sana tumagal ka sa kan'ya," pagbibigay babala nito sa akin bago bumaba na ng hagdan. Natatawang binalingan ako ni Manang Trining at nagpatuloy sa pag-akyat. "Huwag mo ng pansinin ang sinabi ni Rhea. Mabait naman si Gregg. Naging masungit lang no'ng naaksidente. Masasanay ka rin sa ugali niya," paliwanag nito. Narating na nga namin ang ikalawang palapag. Wala na akong naririnig na nagbabasag at sigaw. Marahil ay kalmado na ang pasyente ko. "Gregg, ako ito. Maaari bang pumasok?" paalam ni Manang Trining ng kumatok sa nakasarang pintuan. "Come in, manang," anang baritonong boses. Muntik na akong mapasipol sa boses na narinig ko. Kalmado, mahinahon at tila malakas ang dating ng nagmamay-ari ng boses. Malayo sa sigaw na parang galit na narinig ko ng dumating ako. Binuksan ni Manang Trining ang pintuan. Laglag naman ang aking panga ng bumungad sa amin ni manang ang mga nag-kalat na gamit sa loob ng silid. May mga basag na salamin na hindi ko alam kong saan nanggaling. Narinig ko ang pinakawalang buntong-hininga ni Manang Trining. Marahil nanlumo ito sa nakita dahil dagdag gawain na naman ito. "What is it, manang?" malamig na tanong ng nakatalikod na nakaupo sa wheelchair at nakaharap sa balkonahe. "Gregg, kasama ko ang magiging bago mong therapist. Sana naman makisama ka na sa kan'ya. Si Sir Gibson ang nahihirapan sa ginagawa mo. Huwag mo naman sana siya bigyan ng sakit sa ulo," pakiusap ni manang rito. "I told him not to hire a therapist. I don't need him, manang. Paalisin mo na s'ya," anito na ikinangiwi ko. Parang gusto kong sabihin rito na babae ako ngunit nanatili na lamang akong tahimik. "Puro kasi lalaki ang naging therapist niya," bulong sa akin ni Manang Trining. "Kaya naman pala," anang bahagi ng utak ko. "Gregg, babae na ang therapist mo ngayon. Hindi na kumuha si Sir Gibson ng lalaki dahil baka bumalik ka ulit sa kulungan dahil sa pambubogbog mo," walang preno ang bibig na sabi ni Manang Trining. Tila balewala na lang rito ang mood ng amo nito. "What the hell, manang? Ano'ng pumasok sa isip ni papa at babae pa ang kinuha? Paalisin mo s'ya kung ayaw mong ikaw ang umalis sa bahay ko!" puno ng awtoridad na sabi nito. Ang kalmado nitong boses kanina ngayon ay bahagya ng tumaas. Tumaas ang kilay ko sa tinuran nito. Pati matanda ay pinagsasabihan nito ng hindi maganda kung hindi ba naman talaga masama ang ugali ng lalaking ito. "Mawalang galang na ho, sir. Ama n'yo po ang nag-hire sa 'kin at kan'ya lang po ako susunod. Hanggat wala po s'ya sinasabi na itigil ko na ang trabaho ko, hindi ho ako aalis," matapang kong singit sa usapan nilang dalawa. "I said get out!" sigaw nito saka awtomatikong pinaharap ang wheelchair sa amin. Muntik ng umawang ang bibig ko sa tumambad sa harap ko kung totoo man ang nakikita ko. "Okay, patawarin n'yo po ako Lord sa mga sinabi ko kanina. Binabawi ko na po lahat. Wala na po akong issue sa Ex-convict," tahimik kong dasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD