ALEXANDRIA Isang beses ko pang pinasadahan ang aking sarili sa malaking salamin. Umikot ako at hinawakan ang magkabilang gilid ng suot kong dress at parang prinsesa na yumukod na tila nagbibigay galang sa isang hari o reyna. Sa dami ng pagpipilian ay itim na may halong puti ang kulay ng dress ang napili ko. May mga beads ito sa laylayan na kumikinang kaya kitang-kita kapag natamaan ng ilaw. Tamang tama lang ang kombinasyon ng kulay dahil black and white ang motif sa party. Ito ang napili ko dahil maganda ang tela. Sumusunod kasi sa bawat galaw ko lalo na ang laylayan nito. Isang pulgada ang haba nito mula sa aking tuhod. Off shoulder ito na lantad ang balikat pati ang braso ko. Ganito ang mga gusto kong dress lalo na kapag a-attend sa party. Muling sumilay ang ngiti sa labi ko. Nagp

