ALEXANDRIA Lulan ng sasakyan ay hindi ako mapakali. Na-te-tense ako. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba. Ngayon ang araw ng welcome party ni Gregg at pinasundo niya ako kay Basil. Heto nga at parang sinisilyaban ang pwet ko sa sobrang kaba. Makakaharap ko kasi ang mga kilalang negosyante sa loob ng bansa. Bukod sa negosyante ang mga ito ay bilyonaryo pa. Nakakailang na magtagal sa party kaya matapos lang ang speech ni Gregg ay magpapaalam na ako. "Basil, aalis ka ba kaagad?" tanong ko sa tahimik na nagmamanehong si Basil. "Hihintayin ko po kayo, ma'am," sagot nito na nanatiling nakatuon ang atensyon sa daan. "Mabuti kong gano'n. Uuwi rin kasi ako agad. Ayoko magtagal sa party. Hindi ako nabibilang lalo na at puro mayayaman ang naroon," reklamo ko rito at tumingin sa labas mula

