ALEXANDRIA Bahagya akong gumalaw sa higaan saka nagmulat ng mata. Ngunit napangiwi ako na kahit marahan lang ang pagkilos ko ay sumigid ang kirot sa pagitan ng aking hita. "Hmm…" dinig kong ungol malapit sa akin. Nang mag-angat ako ng mukha ay ang guwapong mukha ni Gregg ang tumambad sa aking harapan. Napangiti ako ng bumalik sa isipan ko ang nangyari. Para lang makasiguro na hindi lamang iyon panaginip ay marahan kong pinisil ang ilong niya dahilan para magusot ang mukha niya. "Don't do that, baby…" namamaos ang boses na sabi niya na nanatiling nakapikit. "Baka kasi nanaginip lang ang ako," sambit ko saka sumiksik sa dibdib niya. "If that was a dream, it means na kahit sa panaginip ay pinapantasya mo ako," pilyong sambit nito saka niyakap ako. Himagikgik ako at mas lalo pang s

