ALEXANDRIA Dahan-dahan akong kumilos sa malambot na higaan. Kapag-kuwa'y kinapa ko ang katabi ko ngunit wala akong makapa. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Wala nga siya sa higaan. Bumangon ako ngunit napangiwi ako dahil ngayon ko yata naramdaman ang pananakit ng aking buong katawan. "Gregg?" tawag ko rito. Ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay wala pa rin akong narinig na sumagot kaya umalis na ako sa higaan. Binalot ko sa aking katawan ang kumot saka lumabas ng kuwarto. Napangiti ako ng makita siyang nakapamulsang nakatayo. Dahil nakatalikod siya ay dahan-dahan akong lumapit. Masyadong malalim yata ang iniisip niya kaya hindi napansin ang presensya ko. Pinulupot ko ang braso at pinaikot sa katawan niya. Niyakap ko siya mula sa likuran. Nakangiting inamoy-amoy ko pa

