BASIL Halos isang oras na kami nagpa-ikot-ikot dito sa ospital. Ilang beses na rin namin tinanong ang doktor na kanina lang ay tumingin kay Ma'am Lexa pero ilang beses din kaming nabibigo. Heto nga at kahit hingal kabayo na kami pareho ni Batista ay hindi pa rin kami tumitigil sa paghahanap. Bukod pa roon ay kabado na ako dahil oras na tumawag si boss ay wala akong ibabalita rito. Hindi ko maaaring sabihin na nawawala si Ma'am Lexa dahil tiyak na alam ko na ang magiging reaksyon nito. Nakikinita ko na kung paano mamula ang mukha nito sa galit kapag sinabi kong tinakasan kami ng binabantayan namin. "Tangina!" mariing sambit ko. Kailangan ko na yata tawagin ang lahat ng Santo para iligtas kami kay kamatayan. Kilala ko si Boss Gregg, wala itong sinasanto kahit matagal nang nagtatrabaho s

