ALEXANDRIA Marahan akong kumilos at unti-unting minulat ang mata ko. Kumurap-kurap pa ako dahil nanlalabo ang paningin ko at naramdaman ko pa ang pagkahilo ko. Nang luminaw ang paningin ko ay saka sinuyod ng paningin ko ang kinaroroonan ko. Hanggang sa nahagip ng mata ko si Rois na abala sa pakikipag-usap sa babaeng doctor. Ibig sabihin ay dinala ako ni Rois sa ospital. Pero sigurado ako na hindi ito ang ospital na pinapasukan ko. "R-Rois…" namamaos ang boses na tawag ko rito. Nanghihina pa ako kaya kahit boses ko ay para ko lang binulong. Nilingon ako ni Rois at ng doctor saka malalaki ang hakbang na nilapitan nila ako. "Hey, don't move, Andria," pigil niya sa akin ng akma akong babangon. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya. "N-nahihilo pa rin ako," sagot ko saka muling nahi

