Chapter 6

2316 Words
ALEXANDRIA Nakahalukipkip na nakatayo ako sa hardin habang tinitingnan si Jestoni sa ginagawa niya ngunit lumilipad naman ang utak ko. Pilit kasing sumisiksik sa isip ko ang nakita ko kanina. Natural na lang sa akin ang mga gano'ng eksena dahil may mga kasama ako sa trabaho na madalas manuod sa porn site. Pinapasilip nila sa akin ang pinapanuod nila na hindi ko naman akalain na gano'n pala ang ginagawa. Ako naman itong curious dahil tuwang-tuwa sila ay sumisilip ako at nataon naman na gano'ng eksena ang nakita ko. Ngunit, iba pa rin pala kapag nakita ng dalawa mong mata ang actual scene. Ipinilig ko ang aking ulo para maitaboy kahit paano ang nakita. Kapag-kuwa'y lumapit kay Jestoni na abala sa pagbungkal ng lupa. Nakangiti itong tumingin sa akin ng mapansin ang presensya ko at muling binalik ang atensyon sa ginagawa. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko at nag-squat ng upo. Pinagdikit ko ang dalawang hita at pinatong ang isang braso sa tuhod at parang bata na pinatong naman ang baba sa braso. "Magtatanim po ako ng halaman," magalang na sagot nito. "Ilang taon ka na ba, Jestoni?" "Twenty six po." Umikot ang mata ko sa sinabi nito. Isang taon lang naman pala ang tanda nito sa akin pero kung makaasta ito ay parang matanda na ang kausap nito. "Twenty five lang ako, Jestoni. Pinapatanda mo ako ng kaka-po mo sa 'kin," natatawang sabi ko rito. "Pasensya na. Pwede bang, Alexa na lang ang itawag ko sa 'yo?" nahihiyang tanong nito na hindi makatingin sa akin. "Oo naman," nakangiti kong sagot. "Wala ka ibang trabaho maliban sa ganito?" curious kong tanong. Parati ko kasi itong nakikita sa bahay. Sa itsura nito ay hindi dapat niya inaaksaya ang panahon sa pagbubungkal lang ng lupa. "Hinihintay ko lang ang passport ko saka ako aalis ng bansa." "Wow! Talaga? Saang bansa?" "Taiwan. May kaibigan kasi akong nagtatrabaho sa isang factory doon. Sinabi niya sa akin na hiring ang company na pinapasukan niya kaya hindi ko na pinalampas. Kukuha lang ako ng experience saka ako lilipat ng Japan," paliwanag nito saka kinuha ang pasô sa tabi nito at nilagyan ng lupa. "Matagal ko na rin gustong pumunta sa Japan. Malay mo, magkita tayo doon," puno ng excitement na sabi ko. Alanganin naman itong tumingin sa akin at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Napapangiti na lamang ako sa pagiging mahiyain nito. Tumayo ito at kinuha ang pasô na nilagyan nito ng lupa at dinala sa gilid na mataas na pader. "Tapos ka na?" tanong ko ng binuksan nito ang switch ng gripo. "Oo," tipid nitong sagot. Kinuha ko sa kanya ang hose at tinapat sa kamay niya. Nahihiya naman itong naghugas ng kamay. "Ako lang naman ito, Jestoni. Hindi mo kailangang mahiya sa 'kin," natatawang sabi ko rito na ikinatigil nito. Tumayo ito ng diretso at seryosong tumingin sa akin. Naasiwa naman ako sa paraan ng titig nito kaya nag-iwas na ako ng tingin ngunit isang madilim na mukha ang aking nakita hindi kalayuan sa amin. "Is that your new job, Ms. Gomez?" malamig na tanong niya. Muli kong sinulyapan si Jestoni nang kinuha nito mula sa akin ang hose at saka pinatay ang switch ng gripo at nagmamadaling tinalikuran ako. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga at lumapit sa kanya. "Pwede na ba tayo magsimula?" walang ganang tanong ko. "Dapat kanina pa," sarkastiko nitong sagot. "Eh, 'di ba nga, busy ka?" Hinintay ko itong sumagot ngunit nanatili lamang itong tahimik. Pumuwesto na ako sa likuran nito para itulak ang wheelchair nito. Tinungo na namin ang pintuan na nakasarado kung saan ay naroon ang elevator na para rito. Para lang itong kuwarto pero ang loob nito ay puro kagamitan sa gym. Kuwarto niya ang tapat ng mini gym na ito at ang elevator niya na hindi ko kaagad napansin ay nasa closet lang pala niya, sa bandang gilid nakatago kaya hindi ko kaagad nakita. "What did you see?" Napaawang naman ang bibig ko sa tanong niya. Tinatanong ba niya ang nakita ko kanina sa kuwarto? Kailangan pa ba talaga niyang itanong kung ano ang nakita ko? Obvious naman na may kasama siyang babae at may ginagawa silang milagrong dalawa sa loob ng kuwarto niya. Tinaas ko ang kamay at kinuyom ang aking kamao at saka inambahan ko siya. Malakas ang loob ko na gawin iyon dahil nasa likuran niya ako at hindi niya nakikita ang ginagawa ko ngayon lang. "I saw you, Lexa," mahinahon ngunit may diin na sabi niya. Saka ko lang napagtanto na nakikita pala niya ang repleksyon ko sa pader ng elevator kung saan siya nakaharap dahil sa kintab niyon. Nag-peace sign na lang ako saka alanganing ngumiti. "Bakit kailangan mo pa itanong? Alam mo kung ano ang nakita ko," nakasimangot kong sagot. "Don't mind it. Kailangan ko rin iyon gawin." "Ang alin? Ang paligayahin ka ng mga babae kahit lumpo ka?" napasinghap naman ako sa huli kong sinabi at natutop ang aking bibig. Huli na para bawiin ko pa iyon. "Oh, sorry for the word." Sinadya ko talagang sabihin iyon. Hindi ko na iniisip na pasyente ko siya. Mas mainam na rin na sinasabi ko kung ano ang gusto kong sabihin. "Watch your mouth, Lexa. I don't want to hear that from you," maawtoridad na sabi niya. "Okay." Nang marating namin ang kuwarto niya ay inalalayan ko siyang maupo sa kama. Sa bigat at laki niyang tao ay kailangan ko pa rin talaga ng katulong para alalayan siya. "Nag-almusal ka na?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang unan sa likuran niya para malambot ang sandalan niya sa likod. "Not yet." Natigilan ako at salubong ang kilay na sinulyapan siya. "Nauna kang nagising kanina, hindi ba?" tanong ko at naupo na sa paanan niya saka bahagyang umusod palapit sa kanya. Tulad ng ginawa ko ng nagdaang gabi ay pinatong ko sa hita ko ang binti niya at hinilot. "Yeah, pero hindi ibig sabihin no'n ay kumain na ako. Ako lang ang kinain," anito. Hindi naman nakaligtas sa tainga ko ang mahinang tawa niya. Nang matukoy ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay diniinan ko ang binti niya na ikinadaing niya sa sakit. "Galit ka ba?" "Of course not!" mariing sambit ko at diniinan pa ang binti niya. "Lexa, masakit!" Napalakas ang daing niya sa ginawa ko kaya naman ay tumigil na ako. Baka ireklamo pa ako dahil sa pagiging sadista kong therapist. Nang tapos ko ng hilutin ang isang binti niya ay ipinalit ko naman ang isa. "Masakit ba? Eh, bakit hindi mo ito naramdaman kanina habang may ginagawa kayo?" "How would I feel if I enjoyed what she was doing?" Nanginig ako sa sinabi niya at nagtaasan yata ang balahibo ko. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Narinig ko naman ang tawa niya na tila tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko. "Kadiri ka!" hindi ko napigilang sabihin. Lalo lang lumakas ang tawa niya sa akin. "I won't be surprised if you're still a virgin," anito na ikinatigil ko. "Nasaan na pala siya?" pag-iiba ko sa usapan. "Tapos na siya sa trabaho niya kaya pinalayas ko na," mabilis na sagot nito. Napapailing na lamang ako sa sinabi niya. Mula sa binti niya ay awtomatiko na nag-angat ako ng mukha at tiningnan siya. A smile posted on his lips na hindi ko nakita no'ng mga nakaraang araw. At least, nakatulong yata ang mga sinabi ko sa kanya ng nagdaang araw. Hindi ko tuloy napigilan ang magpakawala ng isang ngiti sa harap niya. Ngunit nawala naman ang ngiti sa labi niya sa ginawa ko. "You're not my type, Lexa," anito dahilan para mawala ang ngiti ko sa labi. "Ang kapal! Hindi rin naman siya ang tipo ko!" protesta ng bahagi ng utak ko. "Well, at least, alam ko na kung ano ang tipo mo," makahulugan kong wika. Tinanggal ko na ang binti niya sa hita ko saka tumayo. "Where are you going?" "Kukuha ako ng pagkain mo. Kumain ka na kasi baka naubos ang energy mo kanina. Nagugutom na rin ako. Hindi pa ako nag-almusal," paliwanag ko rito saka ito tinalikuran. "Dito ka na mag-almusal," sabi nito na ikinatigil ko ng akma akong hahakbang. "Sa baba na lang," giit ko. "I insist. May pag-uusapan din tayo about sa condition ko at sa mga gagawin ko after my check up with Dr. Ladesma," tukoy nito sa doctor nito. Tumango na lamang ako bilang tugon. Tatalikuran ko na sana siya ng may pumasok sa isip ko. Matutuwa si manang kapag nakumbinsi ko siya na sa baba na lang kumain. "Gusto mo sa baba na lang ta-" "No. Ayoko sa baba," putol nito sa sinasabi ko. Kahit nagtataka man ay kumuha na lang ako ng pagkain namin sa baba. Gusto ko na lang isipin na hindi pa siya handa na makisalamuha sa mga kasama namin sa bahay. Masaya naman na hinanda ni Manang Trining at Ate Rhea ang pagkain naming dalawa. Tila tuwang-tuwa pa ang dalawa na may makakasabay kumain ang amo ng mga ito. Dahil sa dami ng pagkain na ipinadala sa akin ni manang ay tinulungan ako ni Ate Rhea. Bago kami umakyat dala ang pagkain na nasa tray ay nahagip ng mata ko ang kakaibang tingin na ipinukol sa akin ni Cecil. Iniisip siguro nito na inaagaw ko ang atensyon sa kanya ni Gregg. Kakausapin ko na lang siguro siya kapag may pagkakataon. Hindi ko rin kasi siya matyempuhan dahil minsan ay nawawala siya sa bahay. Ang sabi naman ni manang ay may binibisita itong kapatid sa ospital kaya madalas ay wala ito sa bahay. "Good morning, Sir Gregg. Magpakabusog po kayo," masiglang bati ni Ate Rhea kay Gregg na tahimik lamang na nakaupo sa kama. Seryoso lamang itong tumango saka binalingan ang pagkain na nasa tray. Nilagay ni Ate Rhea ang pagkain ko sa glass table sa gitna bago lumabas ng kuwarto. "Saan mo gusto kumain?" baling ko rito. "Dito na lang. Mainit na sa balcony." "Okay." Nilagay ko sa tapat niya ang foldable bed tray at nilipat doon ang dala kong pagkain para sa kanya. Nang mailagay ko na lahat ay tinalikuran ko na siya. "Saan ka pupunta?" tanong nito na ikinatigil ko sa paghakbang. "Doon ako kakain," sagot ko at nginuso ang gitna kung saan nakalagay ang pagkain ko sa glass table. "Stay," maikli lang na salita ngunit naroon ang maawtoridad na utos. Nagpakawala na lamang ako ng buntong-hininga bilang pagsang-ayon. Baka kasi humaba pa ang usapan kapag makipagmatigasan ako sa kanya. "Kukunin ko muna 'yong pagkain," sabi ko at tinungo ang tray sa glass table saka kinuha at muling bumalik sa kama. Tinanggal ko ang slider na suot ko. Nasa loob na kasi ako ng bahay kaya hindi na ako nagsusuot ng sapatos. Hindi rin ako komportable na kumain na hindi nakataas ang tuhod. Pero dahil hindi ko iyon pwede gawin lalo na at kaharap ko siya ay pinatong ko na lang ang dalawa kong paa sa kama at nag-indian sit. Dahil gutom na ako ay nagsimula na akong kumain. Napangiti naman ako dahil may kape rin na hinanda sa akin si manang. Kinuha ko ang kape at uminom. Awtomatiko naman akong napatingin sa kaharap ko. Muntik na akong masamid dahil salubong ang kilay at seryoso siyang nakatingin sa akin. "Pasensya na, nagugutom na kasi talaga ako," sabi ko at alanganing ngumiti. Muli akong uminom ng kape at pagkatapos ay muling tinuon ang atensyon sa pag-kain. "How old are you, Lexa?" "Twenty five," sagot ko na puno pa ng pagkain ang bibig. "Do you have a boyfriend?" Natawa ako sa tanong niya. "Focus ako sa trabaho. Wala sa isip ko ang mag-boyfriend," saad ko. "No boyfriend since birth?" muling tanong nito na ikinatigil ko sa pag-nguya. Salubong ang kilay na umayos ako ng upo at tinitigan siya. Gusto ko sana alamin sa mga mata niya kung hinuhuli lang ba niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi ngunit wala akong makitang hindi siya seryoso. "Kasama ba sa trabaho ko ang tanungin n'yo ako ng personal? Akala ko ba ang pag-uusapan natin ay 'yong mga gagawin n'yo after check up?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. "I'm just asking. Curious lang ako dahil ang sabi mo, wala sa isip mo ang mag-boyfriend. And you're still a virgin. So, I think..." "Ano'ng problema kung virgin pa ako? Issue ba sa Pilipinas na sa edad na bente singko ay virgin pa?" sabi ko na hindi na ito pinatapos magsalita. "Okay, let's eat," anito na animo'y wala lang rito ang pagkairita ko. Sinulyapan ko ang pagkain ko ngunit napangiwi ako dahil naubos ko na pala iyon. Kapag gutom kasi ako ay tuloy-tuloy ang kain ko. Uminom na lamang ako ng tubig at pinagmasdan siya habang kumakain. "Day off pala ako bukas," sabi ko rito na ikinatigil nito sa pag-kain. Kalauna'y muling nagpatuloy kumain. Nang wala na akong marinig na salita mula sa kanya ay pinasya kong umalis na sa kama at ilipat ang tray sa glass table at saka na lamang siya hihintayin na matapos. Tinukod ko ang kamay ko sa kama ngunit tila may nakapa akong basa. Wala namang natapon na tubig kaya imposibleng galing sa inumin namin iyon. Isa pa, parang hindi ito tubig dahil malapot. Nagsalubong ang kilay ko ng tingnan ko ang kamay ko. "Ano 'to?" inosente kong tanong at akmang aamuyin ko sana ang nakapa ko. "s**t!" usal nito at agad na hinila ang kamay ko para punasan ng kumot na nasa tabi niya. "Ano 'yon?" tanong kong muli. "Huwag mo ng alamin. Tawagin mo na lang si manang para palitan itong bedsheet at kumot ko," utos nito saka binitawan ang kamay ko. "Tapos ka na ba?" nagtatakang tanong ko. "Yes." Kahit nagtataka sa ikinilos niya ay kinuha ko na ang tray sa harap niya saka siya tinalikuran. "You are too innocent," mahinang turan nito na hindi nakaligtas sa tainga ko. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at bumaba na ako para sabihin na rin kay manang ang utos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD