GREGG Parang binabaon sa hukay ang puso ko habang tinitingnan ko siya palayo. Nagkamali ako. Nasasaktan na siya pero nagbitaw pa rin ako ng salita na makakasakit sa damdamin niya. Pero masisisi ba niya ako? Gusto ko lang iparating sa kanya kung ano ang mararamdaman ko kapag binitawan niya ako. I know she's not selfish, ginagawa lang niya kung ano ang tama kahit alam niyang sa bandang huli, siya ang masasaktan. Mas lalo ko pa siyang minahal dahil kahit nasasaktan na siya ay nagagawa pa niyang payuhan ako. Kung kaya ko lang ibalik ang ginawa ko, hindi ko sana hinayaan ang sarili na malasing para hindi nakapasok si Cecil sa kwarto ko. Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na. May bata na sa sinapupunan ni Cecil. Kung ako lang ang masusunod, kung dati pa rin ang ugali ko, hindi ko pan

