UNKNOWN Nakangisi ko lang na tinititigan ang mukha ni Anton. Napapangiwi ito sa bawat pagdampi ng gamot ng nurse sa sugat nito. Pinatawag ko pa ang family nurse namin para gamutin lang siya. Pagkatapos itong gamutin ay lumabas na sa study room ko ang nurse. "Bwisit na Gregg 'yon, muntik na akong mapatay. Hayop talaga. Hayop!" nanggigigil na reklamo nito. "Pasalamat ka at 'yan lang ang ginawa niya sa 'yo. Kung wala doon ang kapatid mo, malamang, nasa morgue ka na ngayon," nakangising sambit ko. Inisang lagok ko ang alak sa baso kasabay nito ang isang matagaumpay na ngiti ang sumilay sa labi ko. "Kumusta naman ang kapatid mo ng sinabi mo ang tungkol kay Gregg?" tanong ko kay Anton na abala na sa pagsipat ng mukha nito sa salamin. "Ayon, ayaw pa nga maniwala. Pero sa tingin ko no'n

