ALEXANDRIA Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na tumatagos sa jalousie ng bintana. Bahagya kasing nakahawi ang kurtina. Tinakpan ko ang mata ng aking kamay saka bumangon. Nang sulyapan ko ang hinigaan ni Gregg ay wala na ito sa tabi ko. Marahil ay pumasok na ito sa opisina. Sumimangot naman ako dahil hindi man lang niya ako nagawang gisingin. Tumayo ako sa kama at sinipat ang oras sa aking cellphone. Alas dyes na pala ng umaga. Kaya pala medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw. Napangiti ako ng may nakita akong mensahe galing sa kanya. Nang buksan ko iyon para basahin ay nag-uumapaw sa kilig ang puso ko. "I'm sorry if I didn't wake you up. Ayoko gisingin ang mahimbing na tulog ng prinsesa ko. But I whispered something in your ear. If you want to know, call

