ALEXANDRIA Pagkatapos ko kumain ay naging abala na kaming lahat sa loob ng bahay. Panay naman ang silip ko sa oras ng cellphone ko dahil baka makalimutan kong sabihan si Gregg na nasa bahay ako nito. Um-order din ako ng cake sa online. Sana naman ay dumating na dahil malapit ng mag-alas singko ng hapon at palabas na si Gregg sa opisina. "Magpalit ka muna ng damit mo, Andria. Nalagyan na ng sauce ang damit mo," sabi ni manang habang inaayos ang mga pagkain sa ibabaw ng dining table. "Wala po akong dalang extra na damit, manang, eh," tugon ko at pinasadahan ng tingin ang suot ko. Napangiwi ako ng makita ko na puro mantsa nga ito. Hindi na ako nagdala ng damit dahil wala sa isip ko na tutulong pala ako magluto kina manang at Ate Rhea. "Cecil, pahiramin mo muna ng damit si Andria. M

