ALEXANDRIA Para akong pusang hindi mapaanak dahil kanina pa ako pabalik-balik sa tapat ng pintuan ni Gregg. Na-te-tense ako na hindi ko mawari. Siguro ay dahil ito ang unang araw na babalik na siya sa kumpanya at pati ako ay kinakabahan sa pagbabalik niya. Ito rin ang araw na tapos na ako sa serbisyo ko dahil nakapagpasya na ako na magpapaalam na sa kaniya. Bumuga ako ng hangin bago muling bumalik sa harap ng kuwarto niya. Iniisip ko kung hihintayin ko na lang siyang lumabas o kakatok na ako? Ngunit kalauna'y pinili ko na lang ang huli. Kakatok na sana ako ng bumukas naman ang pinto. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako ngunit matamis lamang akong ngumiti sa harap niya. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaka-guwapo niya sa suot niyang suit. Ang kisig

