ALEXANDRIA Halos lagpas na yata sa mga daliri ko ang binitawan kong buntong-hininga. Kung nauubusan lang ng hangin ang loob ng katawan ay kanina pa ako naubusan. Alas singko palang ay gising na ako. Halos dalawang oras na rin akong nakaupo sa kama at hindi malaman ang gagawin. Hindi ko rin magawang lumabas ng kuwarto dahil hindi pa ako handang makita si Gregg. Hindi ko maintindihan ang sarili pero sobra akong naapektuhan sa narinig at nakita ko. Tumayo ako ngunit muli akong naupo. Nilagay ko sa bedside table ang kamay ko at pinagtambol-tambol ang mga daliri ko. Kahit isang libong beses yata ako mag-isip ay walang pumapasok sa utak ko. Pasado alas syete na ng umaga at gusto ko ng uminom ng kape. Tapos na rin ang extension ng off ko. May mga dapat na akong ibilin kay Gregg bago ako umal

