Serene
Nakatunga-nga sa harap ng bintana at walang ganang nakatanaw sa mga estudyanteng nag-lalakad sa gitna ng field.
Lunes na lunes at wala akong gana. Kung hindi lang sana ako hinatak ng isang kumag na nag ngangalang Sydrick, hindi sana ako bored na nakaupo rito sa classroom ngayon.
Napasimangot na lang ako habang inaalala ang mukha ni kuya Syd. Tsk!
"Kahit ang pinaka-magaling na pintor sa buong mundo, hindi kayang ipinta ang mukha mo ngayon, Serene."
Napatingin agad ako sa unggoy na nag-salita. I arched my left brow at umismid.
"Ah talaga ba, Owen?" I retorted with a deadpan look. But as expected, he just smirked at nakapamulsang naglakad papalapit sa pwesto ko, tsaka umupo sa upuan na nasa harap ko lang.
Inismiran ko lang ito at muling ibinaling ang tingin sa labas. Nakarinig naman agad ako ng mahinang tawa kaya napatingin ako ulit kay Owen. Magkasalubong ang dalawang kilay. Seriously? Baliw ba ang isang 'to?
I looked at him as if tinubuan siya ng tatlong ulo. At sa ikalawang pagkakataon ay ngumisi ito at hindi pinansin ang tinging ipinupukol ko sa kaniya.
"Want to go somewhere else? Mukhang bored na bored ka na kasi. Besides, we still have 1 hour before our next period. . ." anito. "Parang gusto ko ring kumain sa cafeteria ngayon, gusto mong sumama?" dagdag pa nito. I looked at him.
"Umalis ka mag-isa mo," maya-maya'y saad ko rito at inirapan siya. Kita ko naman agad sa peripheral vision ko ang pag-simangot nito.
"Ba't ba ang init ng dugo mo sa'kin, Serene?" tanong nito. Hindi galit ang tono nito, ngunit puno ng pagtataka.
Hindi ako tumingin sa kaniya. Pero bakit nga ba? Sa totoo lang, hindi ko alam. Siguro'y sadyang hindi ko lang talaga gusto ang pag-uugali nito. Imbis na sabihin ito ay nanahimik na lang ako.
Napabuntong hininga ito ng hindi makatanggap ng sagot sa akin kapagkuwa'y tumayo ito. Akala ko'y aalis na siya, ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko ng hilahin ako nito patayo at sapilitang kiladkad palabas ng room— este hinila.
"Woi! Where the hell are you taking me?!" kunot noong tanong ko rito habang pilit na inaagaw ang kamay kong hawak-hawak niya. Tumingin naman agad ito sa akin saglit at ngumiti ng matamis, hatakhatak pa rin ako bago sumagot.
"Sa cafeteria. And you have no choice but to come with me." saad nito.
Napasimangot naman agad ako. Ang kulit talaga ng lahi nito! Tsaka ano pa nga bang magagawa ko? I rolled my eyes in annoyance.
"Don't worry, libre kita. Kaya sumama ka na," dagdag niya pa.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na lang ako pumalag pa at hinayaan na lamang siya. Tsaka sino ba naman ako para tanggihan ang grasiya? Kahit badtrip ako —ng slight— hindi ko tatanggihan ang pagkain. Hihi.
***
"Mamumulubi ata ako dahil sa'yo, Serene," kakamot-kamot sa batok na saad ni Owen. Napangisi naman agad ako at napatingin sa mga pagkain sa mesa namin.
"It's your fault. Tsaka mayaman ka naman kaya okay lang. . ." sagot ko rito at nagpatuloy ulit sa pagkain. Napasimangot naman agad ito at nanlulumong nakatingin sa mga pagkain sa mesa. I mentally laughed.
Pagdating kasi namin dito kanina ay pina-order ko agad siya ng pagkain. At syempre, dahil nga libre, nilubos ko na. Pero dahil sa mukha niya ngayon ay nakaramdam ako ng kaonting guilt. Opo, kaonti lang hihi.
"Sa'n pala si Niesha?" Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.
"Absent ang bruha," I answered while chomping the food. Kaya rin wala ako sa mood kanina, hindi kasi pumasok ang babaita. Ewan, nag-iinarte ata. Tss.
After namin kumain ay nag desisyon kaming tumbay na muna ng ilang minuto sa cafeteria. Parang gusto kong mag-cutting ngayon, kaso ayaw ko namang idamay ang isang 'to. Kargo de konsesya ko pa pag may nangyari sa kaniya. Kaya nang mag-aya na akong bumalik sa room ay kaagad din naman itong sumang-ayon.
Sa totoo lang, maliban sa magulo talaga ang section namin at puro mga siraulo ang nando'n, hindi maipag-kakailang matatalino ang mga kaklase ko. Mga grade conscious. Kaya lang, dahil sa mga pag-uugali ng mga kaklase ko, ayon! Nabansagan ang section namin as the 'worst section'. Galing 'di 'ba?
Tahimik lang kaming naglalakad pabalik sa room. Hindi rin naman siya nag-sasalita, which is nakakapanibago. Sa room kasi, isa si Owen sa pinaka-maingay. Ka-lalaking tao, pero dinaig pa ang babae sa kaingayan.
"I know what you're thinking. . ." biglang saad niya. I acted like I was surprised with what he said, nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kaniya habang ang isang kamay ko'y nakatakip sa labi ko.
Maasar nga muna ito, hakhak.
"Omy! Nakakabasa ka na pala ng isip ngayon? Sheesh, katakot~" sabi ko pa.
Napasimangot naman agad ito dahil sa ginawa ko. I mentally laughed.
"Ha ha, so funny Serene." aniya sabay tawa ng sarkastiko. I smirked. "obvious lang kasi sa mukha mo, kung makatingin ka rin kasi kala ko lalamunin mo na 'ko ng buhay." nakasimangot na dagdag niya.
Napangiwi naman agad ako. Oops, I didn't notice. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pero kung minamalas ka nga naman. Nakasalubong namin ang taong iniiwasan ko.
Napasimangot ako. Nang magtama ang mga tingin namin ni Sir Adriel ay inirapan ko agad ito tsaka mabilis na hinila si Owen tsaka siya nilagpasan. Aba! Akala niya ba nakalimutan ko na ang ginawa niya noong nakaraang araw? Ha! Ang gagong iyon. Grr.
"Oi, chill. Sheyt, hindi ako ang kalaban mo. . ." Agad na napatingin ako kay Owen, na nakangiwi dahil sa. . . sakit? Binitawan ko naman agad ang kamay nito tsaka kagat-labing napapikit ng mariin. Nang magmulat ako ng mga mata'y hawak na nito ang namumulang braso na nakurot ko pala sa sobrang gigil.
"Sheesh! Omy, sorry. . ." saad ko tsaka mabilis na tinignan ang braso niya. Ang sensitive naman masyado ng balat nito, 'nu ba 'yan! "sorry talaga, Owen. Mukhang magkakapasa ka pa nito eh." nakokonsensyang dagdag ko.
He tapped my head, "Kaya nga. Gigil na gigil ka kasi, akala ko nga matatanggal na ang balat ko kanina, hayst!"
Napasimangot naman agad ako at pabalyang binitawan ang kamay nito. Gago, nagagawa pang mang-asar eh. Pa'no ba naman kasi, habang sinasabi niya iyon ay nakangisi siya habang may nang-aasar na tingin.
"Ewan ko sa'yo, Owen! Balakajan!" inis na saad ko sa kaniya at nagpatiuna nang maglakad. Isa pang gago iyon!
Narinig ko naman agad ang tawa nito at ang mabilis nitong yapak. "Oi, wait lang!" sigaw niya. "Bakit parang ang laki ng galit mo kay Sir? Eh parang no'ng nakaraang araw lang sinabi mo pang—"
"AH! 'wag mo nang ipaalala please lang!" ani ko. "tsaka 'wag mo nang alamin. Ka-lalaki mong tao, tsismoso ka." nakasimangot na dugtong ko.
Nakangisi lang naman ito kaya mas napasimangot ako. "Okay, sabi mo eh." saad niya at pasipol-sipol na pumasok sa loob ng classroom.
Nginang 'yan. Mukhang mali talagang sumama ako sa unggoy na 'yon kanina. Tsk, tsk, tsk.
'Di bale, nakalibre naman ako. Hmf!