Kabanata 5

1126 Words
Serene Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang ugong ng makina mula sa kaliwa ko, at ang biglang pagharurot ng sasakyan malapit sa kinatatayuan tsaka ang pagbusina nito. I cursed. Wtf—! “Gagong 'yon ah!” Salubong ang kilay na naglakad ako pabalik sa kotse ko. Nilagay mo muna sa backseat ang mga pinamili ko tsaka mabilis na sumakay sa kotse at pinaharurot ito. Kung hindi ako nagkakamali, kay Sir Adriel ang sasakyang ‘yon. Naku! Naku! Makakatikim na talaga ng holy kick si Sir pagnatagal mula sa akin. Wala sa mood na nakabalik ako sa Village. Tsk. Sinira lang ni Sir ang magandang mood ko. Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay ay napansin ko agad ang isang pamilyar na kotse. Naiiritang nagdrive ako papasok sa garahe. “Kapal naman talaga ng apog nito, at talagang pumunta pa rito sa bahay!” nanggigigil na bulong ko sa sarili. Kinuha ko na muna ang mga groceries at nagmartsa papasok sa loob ng bahay. Pagpasok sa sala ay rinig na rinig ko agad ang tawanan nila. Sumimangot naman agad ako at hindi sila tinapunan ng tingin na naglakad papunta sa kusina para ilagay ang mga pinamili ko. Pagkatapos ay mabilis na nagmartsa ako papunta sa kwarto ko. Shutta, baka kung ano pa magawa ko kay Sir pag nakita ko pa ng matagal ang pagmumukha nito. Nang nasa hagdan na ako papunta sa itaas ay bigla nalang nagsalita si kuya kaya napatingin ako sa kanya. “Oh Serene. Hindi mo man lang ba babatiin at ipaghahanda ng meryenda ang bisita natin?” Napataas naman agad ang kaliwang kilay ko dahil sa tinuran nito at sarkastikong ngumiti tsaka tinignan si Sir na prenteng nakaupo sa sofa. “Baka bwisita ‘ka mo tss,” napapairap pa ako sa ere habang sinasabi 'yon. “total ay feel na feel niya na rin naman na siya may-ari ng bahay, siya na pakilusin mo. Kompleto ang kamay niya, at malaki na siya. Kaya niya na 'yon. Hmf!” hirit ko pa at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko. * Sydrick Takang napatingin ako sa papalayong bulto ni Serene. Nyare ro'n? Dati rati’y kinikilig pa ‘yon pag nakikita ‘tong si Adriel eh. Nabaling naman agad ang tingin ko kay Adriel na nakatingin rin sa hagdag na papuntang second floor, kung saan naroon ang kwarto ng kapatid ko. I tilted my head and looked at him. Hindi naman magiging gano’n ang trato ni Serene sa kanya kung wala siyang ginawa. Hmm. “May kasalanan ka sa kapatid ko ano?” tanong ko rito dahilan para mapatingin sa siya akin. Umarko naman agad ang kilay nito kapagkuwa’y ngumisi. “Nah. Baka masama lang talaga loob niya dahil sa pagpapadala ko sa kan'ya sa detention, aside from that, wala na akong naalalang ginawang iba sa kan'ya.” prenteng saad pa nito at sumandal sa sofa. I grinned. “Talaga? Ba’t nagtutunog defensive ka ata pre? Aminin, may ginawa kang kalokohan ano? HAHA!” pang-aasar ko pa. Kumunot naman agad ang noo nito, at masama akong tinignan. “‘Wag mo akong itulad sayo Valencia. Baka nakakalimutan mo, sa ating dalawa ikaw ang loko-loko.” Napahalakhak naman agad ako. Natatawang tinaas ko pa ang mga kamay na parang sumusuko. “Chill pre, masyado ka namang mainit” Napailing nalang ito. Pero nagtataka pa rin ako eh, pagdating kasi ng ugok na‘to sa bahay eh nakangisi pa, kala mo naman nanalo sa lotto. Ilang minuto din matapos nitong dumating, dumating din si Serene. Nakakapangduda na talaga ‘tong dalawang ‘to. “What’s with the look? Nababakla ka na ba sa kgwapuhan ko?” Nabalik naman agad ako sa reyalidad dahil sa sinaad nito. Aba ang loko, ‘di parin pala nagbabago. Nagbubuhat pa rin pala ng sariling bangko! Parang ako HAHAHA “You’re such a creep kuya. Ngingisi ngisi ka r'yan, wala namang nakakatawa. No wonder wala kang girlfriend.” Napa ayos agad ako ng upo at napatingin naman kay Serene na nasa hagdan habang nakangiwing nakatingin sa akin. The look on her face is telling me something... Ano na naman bang problema nito at ako ang laging nakikita? Hanep! Sinamaan ko naman agad ito ng tingin pero inirapan lang ako nito at naglakad papuntang kusina. Naku talaga! May araw ka rin talaga sakin Serene Aleriana! Grrr! “Pfftt... Alis na ko, dumaan lang talaga ako rito. Alam ko kasing namiss mo ‘ko,” Napatingin naman agad ako kay Adriel na nakangisi sakin. Tumayo narin ito tsaka nag-umpisang maglakad paalis. Napasimangot naman agad ako. Ampota. Hindi ko na alam kung saan nito hinihugot ang kahanginan nito. “Pakyu!” nakabusangot na sigaw ko rito tsaka nagdirty finger. “Pasensya na dre, ‘di tayo talo.” Pang-aasar pa nito habang natatawa. Ilang saglit pa ay narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinto, tsaka ang ugong ng makina na nagmumula sa labas. Hayaan mo nalang Syd, gwapo ka parin. Ah hindi, mas gwapo ka parin. Napailing nalang ako at tumayo na. Tumalikod na ako at mag-uumpisa na sanang maglakad papuntang kusina, pero pota—! Agad na napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. “Wtf Serene!? Balak mo bang patayin ako sa gulat?” naiinis na baling ko sa kapatid ko. Gago? Kelan pa ‘to nakarating dito sa likuran ko? Nakatingin lang ito sa pinto na nilabasan ni Adriel. Napakunot naman agad ang noo ko. Ano na naman kaya ang arte nitong isang ‘to? Nagulat pa ako ng bumaling ito sa akin. Walang mababakas na kahit ano sa mukha nito, pero nangaakusa ang mga matang nakatingin sa akin. Iritang tinignan ko ito. “Anong tingin ‘yan ha, Serene Aleriana? ” Nakatingin lang ito sa akin, kaya tinaasan ko ito ng kilay. Sa panglalaking paraan syempre. “Sure ka ba talagang lalaki ka kuya? Baka naman tinatago mo lang samin ni mama ang totoo mong katauhan? Unti nalang kasi talaga at maniniwala na akong may relasyon kayong dalawa.” walang emosyong saad nito. Napapalatak naman agad ako. Laglag ang pangang napatingin ako sa kapatid ko, hindi makapaniwala sa sinabi nito. “What the f**k—” “‘Wag kana magmaang-maangan kuya! Aba, kaya siguro wala ka pang girlfriend hanggang ngayon kasi si Sir ang tipo mo at hindi babae! Ampt! Inaagawan mo pa ako ng crush!” inis na pagpuputol nya sa sasabihin ko sana tsaka nagmartsang naglakad pabalik sa kwarto niya. Bago pa man siha mawala sa paningin ko ay sinamaan niya pa ako ng tingin bago tuluyang naglalakad sa ikalawang palapag. Naiwan naman akong nakatanga sa sinabi nito. Tangina? Ano daw? Sa gwapo kong ‘to ginawa pa talaga akong bakla! Nakakinsulto na sa kagwapuhan ko ‘yon ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD