Serene
"Sereneee Aleriana!" rinig kong sigaw ni kuya mula sa ibaba.
I frowned. What the hell is his problem?
"Ano!?" pasigaw na tanong ko rito.
Nakakaimbyerna, inistorbo nito ang panonood ko. Nasa exciting part na ako eh!
"Bumaba ka nga muna rito saglit!"
Tsk. Siya may kailangan eh, ba't ako pa 'yong kailangang mag-adjust?! Nasaan ang hustisya ro'n?!
"Bakit ba!?" tanong ko ulit kapagkuwa'y hininto ang movie mula sa laptop ko at tamad na umalis mula sa pagkakahiga sa kama ko.
Hindi ko naman narinig pa ang sagot nito kaya naman ay nakasimangot na lumabas ako ng kwarto ko.
Two storey house ang bahay namin and obviously, my room is in the second floor. Pero guess what, kahit na nasa ikalawang palapag na ang kwarto ko ay nagagawa parin naming mag-usap at magkaintindihan ni kuya. Taray di'ba?
Pagbaba ko palang sa hagdan ay sumalubong agad sa akin ang tahimik na sala. Mas napasimangot naman agad ako.
Sa pang-isahang sofa ay kita ko agad ang pigura ni kuya na nakaupo roon habang nasa TV ang atensyon. He's probably watching basketball again.
"Hoy! 'Nu kailangan mo? Istorbo ka masyado," nakasimangot na saad ko ng makalapit sa kan'ya.
Nalipat naman agad ang atensyon nito sa akin at ngumisi.
"Mag grocery ka raw sabi ni Mama. Paubos na raw kasi ang stock natin dito sa bahay." Saad niya at muling binalik ang atensyon sa tv.
Nagsalubong naman agad ang kilay ko dahil doon, tsaka mabilis na nameywang habang masamang nakatingin sa kan'ya.
"Aba! Ba't 'di nalang ikaw 'ykng bumili? Wala ka namang ginagawa eh! " naiinis na saad ko sa kaniya. Tumingin naman agad siya sa akin at ngumiti.
"Sige na bunso. Libre kita ng pang Netflix mo for 1 week, basta gawin mo lang ang inutos ni mama."
Aba naman talaga! Nakakatempt ang offer niya pero, ayoko! Shutta, ang ganda na kaya ng pinapanuod ko! Aish!
"Susuholan mo pa ako. Nakakatempt nga ang offer mo kuya, pero 'wag na! I have my own money. Bahala ka sa buhay mo! Ikaw 'yong inutusan ni mama, kaya dapat ikaw din 'ying mag grocery!"
Dzuh! Kala niya naman masusuholan nya ako— or yes.
"Ganito nalang bunso, ako maghuhugas ng plato for the whole month-"
Agad namang nagpantig ang tainga ko.
Napatigil pa ako sa plano kong bumalik sa kwarto ko at ipagpatuloy ang pinapanood ko. Okayyy, I changed my mind.
I turn around then grinned.
"Game! Nasan na ba 'yong listahan tsaka pera? Bilisan mo kuya!" Excited na saad ko.
Yes! Hindi ako ang maghuhugas ng plato for 1 month. Omyyy! This is heavennnn!
Dito kasi sa bahay, we don't have any maids since mama wants us to learn how to do the household chores. So that, if we ever had our own family soon ay alam na namin ang mga gawaing bahay.
Mama was in charge with washing the clothes, cooking and such. While both I and Kuya Syd is in charge with cleaning the whole house. Since dalawang palapag ang bahay namin ay hati kami. He's in the first floor while, I on the other hand, is in the second floor. And since puro kwarto nalang naman ang nasa Second Floor at lagi namang malinis do'n ay madali lang akong natatapos. So Mama decided to give me another work to do inside the house. Ang maghugas ng plato.
Napatigagal naman agad si kuya habang nakatingin sa akin. Hindi rin ito makapaniwalang dahil lang doon ay magagawang magbago ng isip ko HAHAHA.
Hindi niya nga ako masusuholan, pero hindi ko naman sinabing 'di ko tatanggapin ang offer niyang siya ang maghuhugas ng plato for the whole month. Hihihi.
"N-nasa ibabaw ng ref..." lutang na saad nito. Napapalunok pa ito habang nagsasalita. Pasimple naman akong napabungisngis dahil doon.
I looked at him then smile widely. Ang kaninang maaliwalas na mukha nito ngayon ay parang pinagsakluban na ng langit at lupa dahil sa ekspresyon niya.
"Sige kuya, alis na 'ko ha? Enjoy watching! Bye!"
Paalam ko sa kaniya matapos kong makuha ang pera sa kusina, kapagkuwa'y mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Napangisi naman agad ako ng tuluyan na akong nakalabas.
Pumunta agad ako sa garahe at mabilis na lumapit sa kotse ko. Right! I have my own car, it was mama's gift to me on my 17th birthday. And since I'm now at the legal age, I already have a licensed driver.
It's a maroon Porsche. I don't usually use my car since I don't have any place to go, and I'm too busy to care of something like wandering somewhere. Besides, my school is just a walking distance. Hindi na kailangan pang gumamit ng kotse.
Anyway after getting inside the car, I started the engine and drove away.
Ilang minuto lang naman ang kakailanganin bago tuluyang makarating sa Grocery store dito sa amin. Kaya ilang minuto lang ay nakarating din ako agad.
I parked my car to the parking space I saw. Pagkatapos ay mabilis na bumaba at pumasok sa loob ng Store.
I pull one of the shopping cart sa gilid at mabilis na pumunta sa section kung saan nakalagay lahat ng mga bibilhin ko. Luls, didn't know I would enjoy buying groceries. I mean, hindi naman sa'kin bago ito since I mostly go here with Mama to help her to buy groceries. Pero kasi ngayon maganda ang mood ko hehe.
"Luls, ano pa bang kulang?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa listahan. "Ah, right. Meat."
Mabilis naman agad akong naglakad sa meat section, tulak-tulak ang cart.
While busy choosing quality meats, I heard some commotion malapit sa pwesto ko.
"It was your fault! If you just look sa daan, you wont bangga me! Look what you've done! My dress is so eww na!" boses ng isang maarteng nilalang. Ang tinis pa masyado ng boses niya, nakakairita.
"Miss,"
Napakunot naman agad ang noo ko dahil sa pamilyar na boses na iyon.
"It's not my fault. Kung nakita mo pala ako, sana ay umiwas ka. Hindi 'yong ako ang sisisihin mo. Besides, you were the one holding the coffee, so basically it was your fault. And about your dress— if that's really a dress— bibilhan na lang kita ng bago. Mas mahal at hindi kasing cheap niyang suot mo. . ." aroganteng sagot no'ng lalaki.
Napaangat naman agad ang tingin ko at napatingin sa mga tsismosa't tsismoso na nagkukumpulan na.
I tilted my head. My brows furrowed while looking at the man's back. Pamilyar talaga eh. Ang boses nito pati ang likod. Parang si— agad na nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang mga tingin namin. I gasped. Wtf? What is he doing here?
Malamang self, nag-grocery. Ano bang ginagawa sa grocery store? Ampt.
I mentally slap my head because of that. Then mabilis na tumalikod at akmang aalis na nang marinig ko ang sinabi nito.
"And Miss, I know I'm handsome. Stop drooling. My wife's over there, baka magulat ka nalang kalbo kana pag-uwi mo. Selosa pa naman 'yon." rinig kong saad ni Sir Adriel.
But wait... WHAT?! May asawa na si Sir?
Ba't 'di ko alam 'yon? Bagsak ang balikat na naglakad ako paalis. Damn! Kaya siguro galit na galit si Sir no'ng time na bumanat ako sa kaniya. May asawa na- "Oh, there you are! Kanina pa kita hinahanap."
Gulat na napatingin agad ako kay Sir matapos nyang sabihin iyon. Umakbay pa siya saakin kaya nagtatakang napatingin ako sa kan'ya. He just smirked.
Nang ilibot ko naman agad ang tingin ko'y nakatingin sa amin ang lahat. Lalo na 'yung maarteng babae kanina. She was glaring at me like I did something. Napaismid naman agad ako.
I shrug his hands off of my shoulder tsaka mabilis na tinulak ang cart sa cashier. Damn! Ang bilis ng t***k ng puso ko. I'm afraid, Sir Adriel will hear it.
Sumunod naman ito, tsaka ako tinulungan sa mga pinamili ko.
I said my thank you sa nakatuka sa Cashier kapagkuwa'y naglakad na paalis sa lugar na iyon. Napansin ko naman agad na nakasunod parin si Sir. Oh wait. I realized something. Wala talagang asawa si Sir Adriel, he just used that to get away from the comotion that girl created. Napalunok naman agad ako. Does that mean, it was me who he was referring as his wife? I mean, hindi naman sya maglalakad papunta sa direksyon ko for nothing. Kaya rin siguro ang sama ng tingin nong babae sa'kin! What the actual f**k?
"Ms. Valencia,"
Napatingin naman agad ako kay Sir na ngayon ay nakangisi sa akin.
"Don't flatter yourself too much. Napaghahalataang love mo talaga ako." saad nito sa nang-aasar na boses.
Pagkatapos ay naglakad na paalis. Leaving me speechless.
Omy! Lupa kainin mo na ako!