Serene
Napadaing ako ng bigla nitong kagatin ang labi ko. The way he kissed me was just so sensual that it gives me goosebumps. Hinihingal na naghiwalay ang aming mga labi habang ako'y nakapikit pa rin at pilit na pinapasok sa utak ko ang halik na pinagsaluhan namin. It feels surreal. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang darating ang araw na matitikman ko ang matamis niyang mga labi.
Maya-maya pa'y idinantay nito ang kaniyang noo sa akin, hawak-hawak ng dalawang kamay ang pisnge't batok ko.
"Serene. . ." he groaned like a wounded animal. I can feel his minty breath to my face. Napamulat ako at napatingin sa kaniya't napakapit ng mahigpit sa mga braso niya dahil sa tindi ng emosyong nakikita ko sa mga mata niya. "What have you done to me?" dagdag niya pa tsaka muling sinakop ng marubdob na halik ang labi ko———.
* * *
Agad na napabalikwas ako ng bangon at hinihingal na napahawak sa dibdib ko. Napapikit na lamang ako ng mariin at nakagat ang pang-ibabang labi —na nalasahan ko na ang malakalawang na lasa ng dugo ng mapadiin ang kagat ko— dahil sa mga imaheng iyon.
Sheyt lang kasi! Ba't sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ay iyon pa talaga? Kinakalimutan ko na nga ang araw na 'yon, pero heto't pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang kakila-kilabot na pangyayaring iyon.
Dalawang araw na simula ng mangyari iyon at tudo iwas ako kay Sir Adriel sa school. Ni hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya kahit na ramdam ko ang tagos sa kaluluwang tingin na pinupukol nito.
No one knows about 'it' maliban na lamang kay kuya Nero na hanggang ngayon ay inaasar pa rin ako. Kuya Syd and his friends was confused about it na nga eh, good thing he keep his mouth shut. Kasi nakakahiya ng sobra ang pangyayaring iyon. Swear!
Napatingin na lang ako sa orasan na nasa side table ko. It's just 4:30 in the morning. Masyado pang maaga para sa klase ko ngayong araw.
I tried to sleep once again but I can't. Inis na lamang akong napabuntong hininga at napag-desisyonang bumaba sa kusina.
Nakita ko naman agad mula sa labas ng kusina ang bulto ng isang lalaki na walang iba kundi si kuya. Nakatayo ito malapit sa fridge at halatang malalim ang iniisip.
My forehead creased. What is he doing at this early morning?
Kahit na pumasok na ako't tumabi sa kaniya'y hindi pa rin ako nito napansin sa sobrang lalim ng iniisip niya.
Kaya naman pinitik ko ang daliri ko sa harap ng mukha niya. Mukha naman siyang nabalik sa huwisyo niya't napatingin sa akin na may gulat na ekspresyon.
"Ikaw pala sis. Kanina ka pa r'yan?" kapagkuwa'y tanong niya. Napairap na lang ako at kumuha ng baso para uminom ng tubig.
"Ok ka lang kuya?" tanong ko rito.
"Ha? Ah oo, ok lang ako," sabi niya tapos ay umiwas ng tingin. Napakunot naman agad ang noo ko sa inasta niya.
"Sure ka na ok ka lang kuya?" paniniguro ko at akmang sasalatin ang noo niya ng tinabig niya ang kamay ko at iniwan ako sa kusina.
Nagtataka na lamang akong napasunod ng tingin sa kaniya.
"Problema no'n?"
Napailing na lang ako at mabilis na bumalik sa kwarto. Itutulog ko na lang ulit siguro ito.
Nagising ako dahil sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napakunot naman ang noo ko ng maalalang nakasarado naman ang kurtina ng bintana ko.
Napabangon ako bigla tsaka napatingin doon. Only to find kuya opening the curtains.
"What are you doing here kuya?" takang tanong ko tsaka kinusot ang mga mata ko't bumaba ng kama.
Napatingin naman ito sa akin tsaka napabuntong hininga. "Sorry 'bout earlier. May iniisip lang talaga ako," bigla ay sabi niya.
Napapantastiskuhang napatingin ako kay kuya, "Ok?"
"Oh siya, maligo ka na. Hahatid kita mamaya sa school mo. Kailangan ko ring makausap si Adriel," sabi niya at tumalikod na.
Napasimangot na lang ako ng mabanggit niya ang pangalan ng taong 'yon. Pagka-narinig ko kasi pangalan niya nag-iinit mukha ko.
Inayos ko na lamang ang higaan ko bago dumiretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos gawin ang morning rituals ko'y bumaba na ako. Pagdating sa kusina'y nadatnan ko nang naka-upo sa usual seat niya si kuya habang si mama naman ay may kung anong ginagawa sa counter island.
Hinila ko na lang ang isang upuan tsaka umupo't nagsandok ng pagkain.
Habang nakain ay hindi ko mapigilang sulyapan si Kuya. Mukha kasi siyang tanga habang nakatingin sa harap tapos tinutusok-tusok ang hotdog na nasa plato niya.
"Ma," pagtawag pansin ko kay mama. Napatigil naman agad ito sa ginagawa tsaka bumaling sa'kin habang nakataas ang kilay.
Ininguso ko naman si kuya na gano'n pa rin. Napatingin naman si mama kay kuya. "Nyare d'yan ma?"
Imbis na sagutin ang tanong ko'y bumuntong hininga si mama tsaka tinapik si kuya.
"Sydrick, anak. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya rito. Mukha namang nabalik sa huwisyo itong si kuya at napatingin sa amin ni mama tsaka umiwas din agad ng tingin.
"Wala," tipid na sagot niya tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Nanahimik na lang kami ni mama at kumain na rin lang.
Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto't nagsipilyo. Pagbalik ko sa kusina ay agad na nagbigay si mama sa akin ng tupperware na may lamang cheese sandwich.
Nagpasalamat ako tsaka mabilis na tinungo ang garahe kung saan naghihintay si kuya.
Tahimik lang ang naging byahe hanggang sa makarating sa school. Sabay pa kaming pumasok ni kuya na nakakuha ng atensyon ng lahat.
"Shucks! Ang gwapo!"
"Kuya ni Serene 'yan 'di ba? 'Yong STEM student?"
"Oo, sa pagkakaalam ko Sydrick ang pangalan ng kuya niya hihihi!"
"He's so hot! Gosh!"
"s**t. Pakitignan nga ang panty ko bes, baka nalaglag!"
Napairap na lang ako ng makarinig ng impit na tili at nakakairitang bulungan. "Annoying creatures," bulong ko.
Napatingin naman sa akin si kuya pero inirapan ko lang siya.
"SERENE! BES!" agad na napatingin ako kay Niesha na tumatakbo papalapit sa direksyon ko. Malawak itong nakangiti sa akin at nang makalapit ay agad itong kumapit sa braso ko.
"Ehem!" biglang tikhim ni kuya kaya napatingin kami sa kaniya ni Niesha.
"Oh, hi kuya Syd!" bati ni Niesha kay kuya ng mapansin ito tsaka ako kinurot sa braso. Napakagat ako ng madiin sa pang-ibabang labi dahil sa sakit ng pagkakakurot niya. Tinampal ko naman agad ang kamay niya tsaka siya sinamaan ng tingin.
"Putchang kuko 'yan Niesha, tatanggalin ata balat ko. Bwisit ka!" mariing bulong ko sa kaniya habang hinihimas ang brasong kinurot niya.
Nag-peace sign lang naman ang bruha tsaka muling bumaling kay Kuya. "Ano palang ginagawa mo rito kuya? May bibisitahin ka ba? Hihi," tanong niya pa. Napa-irap na lang ako.
"Wow ha, hindi ka pa nadala sa pananampal sa 'yo nang bruhang 'yon dahil sa kakausap mo riyan kay kuya?" bulong ko ulit sa kaniya upang hindi marinig ng huklubang kasama namin.
Sumama naman agad ang mukha niya tsaka itinirik ang mga mata. "Manahimik ka nga riyan, Serene. Psh! Sinisira mo diskarte ko sa kuya mo eh!" naiinis na giit niya.
Napasimangot na lang ako, "Bahala ka nga riyan." nasabi ko na lang tsaka siya iniwan kasama si kuya.
Habang naglalakad sa hallway papuntang room, hindi inaasahang nakasalubong ko si Sir Adriel. Nakatiim ang bagang nito habang mariing nakatingin sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin. Kung magpapatuloy ba ako na parang 'di ko siya nakita? o tatakbo papalayo sa kaniya.
"Serene Aleriana Valencia. Are you f*****g avoiding me?" mula sa pwesto ko'y rinig kong sabi niya.
Kaya naman ginawa ko ang nag-iisang paraan na alam ko para makaiwas.
Tumakbo ako sa kabilang direksyon, pero nakaisip ako ng panibagong kalokohan na alam kong ikaiinis niya. I waved while smirking then runaway from him.
Pasensiyahan muna tayo Sir. Hindi pa ako handang makausap ka. Haha.