Kabanata 15

1225 Words
Kabanata 15 Serene "HOY!" Napaigtad ako sa gulat tsaka binigyan ng nakamamatay na tingin si Niesha. Inirapan niya lang naman ako tsaka nakapameywang na tinignan ako. "Anong ginagawa mo riyan at mukha kang tanga? May pinagtataguan ka ba?" taas kilay na tanong niya. Sumimangot ako bago umayos ng pagkakatayo. Pero bago iyon ay sumilip pa ako sa kaliwa't kanan bago siya hinila sa medyo tagong parte ng locker room. I looked at her, only to find out that she's looking at me with brows furrowed. "Anong drama 'yan?" Bumuntong hininga ako tsaka siya binitawan at mabilis na sumandal sa pader. Naka-krus ang mga kamay na tinignan ako nito. "Ano ba kasing ginagawa mo? Para kang may tinatakbuhan na something," "Because I really am," pagkukumpirma ko sa naisip niya. Napamaang naman ito at nagtatanong ang mga matang tinignan ako. "I was running away from Sir Adriel." "Ha?" Gulat na tanong nito. "I mean bakit? Parang noong nakaraan lang—" "Girl, you don't understand kasi! I mean, arghh! Ang hirap i-explain!!" "Stoopid Serene, how could I understand you if you won't even tell me why you were running away from Sir Adriel?" She said sarcastically. I rolled my eyes then pull her over the garden. "HA?" Reaksyon niya matapos kong i-kuwento sa kaniya ang dahilan ba't ko tinatakbuhan si Adriel. Mayamaya pa ay bigla itong humagalpak ng tawa. May luha pang nalabas sa magkabilang mata niya habang hawak-hawak ang tiyan nito, na sa tingin ko'y sumasakit na kakatawa. Walang emosyon lang naman akong nakatingin sa kaniya. Tangina. Tuwang-tuwa ang babaita, eh 'no? Tsk. Mayamaya pa'y tumigil ito tsaka nakangising tumingin sa akin. "Hindi kaya nagde-delulu ka lang, best? AHAHAHAHAHAHA I mean no offense ha pero masyadong hindi kapani-paniwala ang kuwento mo BWAHAHAHA!" Naiinis na hinampas ko siya ng sling bag na dala niya. Natatawang sinalag naman niya ang tira ko. "Tanginamoka! Mukha bang nagbibiro ako?" iritang anas ko. "And please, I am not delulu. Kay Tana lang ang titulong 'yan, ok?" "Ok, ok. Chill. HAHAHAHAHA, lets just say it's true. Bakit ka ba umiiwas? I mean, pinapakita mo lang kay Sir Adriel na affected ka ro'n sa nangyari." Sabi niya pa. "Because I am really affected! Hindi naman siguro ako aakto ng ganito if wala lang sa'kin 'yon 'di'ba? And besides, I also think it was a good idea since I was the first one who initiates the k— arghh! Basta! It's just so nakakahiyaaaa!" Napangisi naman ito. "Sabagay. Kahit naman siguro sa akin mangyari 'yon, gano'n din ang gagawin ko. So, I get why you were doing this," tumatango siya. "but best, you know that you can't just runaway forever. Magkikita at magkikita pa rin kayong dalawa. Magtatagpo at magtatagpo pa rin ang landas niyo kahit anong klaseng pag-iwas pa ang gawin mo. And just to remind you, you guys are moving in the same place. So avoiding him has still no use." * * * "Class dismissed," Sigaw ng kasiyahan ang sumira sa kaninang tahimik na silid aralan. Napa-iling naman ang guro na nasa aming harapan dahil sa ginawa ng mga kaklase ko saka mabilis na nilisan ang room. Napasimangot naman ako dahil sa naalala kong kay Sir Adriel nga pala ang susunod naming klase. Tumayo ako kaya napatingin sa akin si Niesha. Tumikwas ang kilay nito ng makitang sinukbit ko sa aking balikat ang bag ko. "Saan ka na naman ba pupunta?" Tanong niya. I smiled, "Kung saan wala ka." Tsaka ko siya inirapan. Sumama naman bigla ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko na siya pinansin pa at naglakad na lamang sa pinto para sana lumabas. Pero saktong pagbukas ko'y bumungad sa akin si Sir Adriel na kumunot ang noo nang makita ako. "And where are you going? Magsisimula na ang klase natin," malamig ang tinig na saad nito. I refrain myself from rolling my eyes, instead I acted like I would loose my balance. Kunwaring napahawak pa ako sa ulo ko, tsaka tumingin kay Sir. "Can I go to the clinic, sir? I'm not feeling well," saad ko at umaktong nanghihina. Pinigilan ko naman agad ang sariling mapangisi ng bumadha sa mukha nito ang pag-aalala— or I was just being delusional? Because after a second, bumalik sa pagiging blangko ang mukha nito. "You may go." Biglang aniya tsaka ako nilagpasan. Palihim na napa-ngisi ako tsaka nagmamadaling umalis sa room. Hindi ko alam kung magaling lang talaga akong umarte at isa siyang uto-uto para maniwalang may sakit ako, o talagang namumutla ako dahil sa kawalan ng tulog simula ng mangyari iyon? Ay ewan! Basta ang mahalaga makalayo ako sa kaniya. Pagdating sa clinic ay agad akong humiga sa bakanteng kama. Tinignan lang naman ako ng nurse saglit bago mabilis na binalik ang atensyon sa hawak nitong cellphone. Hinayaan ko na lang siya. Mas maigi pang itulog ko na lang 'to. Wala rin naman akong gagawin dito sa clinic. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko at hayaang lamunin ako ng kadiliman ng bigla na lang bumukas ang pinto ng clinic. "Hi, is Serene Aleriana here?" Napabangon ako bigla ng marinig ko ang pamilyar na boses ni kuya Nero. Ngunit agad din namang napahigang muli sa kama ng makaramdam ng pagkahilo dahil sa biglaang pag-bangon ko. "Ampotek," mariing bulong ko saka hinilot ang sentido. "Ah, h-hello. Ando'n ata sir," rinig ko pang sagot ng nurse kasabay ng isang mahinang hagikgik. Rinig ko namang nagpasalamat si Kuya Nero bago ko narinig ang yabag niyang papalapit sa direksyon ko. Dahan-dahan akong bumangon saka tinignan ng nagtataka si Kuya Nero, na siya namang may kakaibang ngiti sa labi. "Anong ginagawa mo rito, kuya?" Takang tanong ko. Ngumisi ito, "Tell me, Serene. What's the real score between you and Adriel?" Kapagkuway tanong niya. Nawala rin ang ngiti niyang suot kani-kanina lang. I arched my brows and rolled my eyes. "Kuya Nero, what you saw before was just nothing. Periodt." Tumaas ang kilay nito tsaka ipinolde ang braso. "I'm not asking about what happened 'that' night, Serene. Ang tanong ko ay kung anong mayroon kayo ng kaibigan ko," saad niya. "besides, wala naman akong pake kung maghalikan pa kayo sa harap ko. Ang akin lang, unahin niyo muna ang label, bago laplapan." "Kuya!" Humagalpak naman ito ng tawa tsaka ako tinignan ng may pang-aasar. “Oo na. Tatahimik na,” sumusukong aniya. Napairap na lang ako. “Bakit ka nga pala nandito?” kapag kuwa’y takang tanong ko sa kaniya. “Tumawag siya. Sabi niya nasa clinic ka raw at masama pakiramdam mo. Your brother was supposed to fetch you here, but your future sister-in-law butted in and told me na ako na lang mismo sumundo sa ’yo rito. The audacity na magpakita after ng ginawa nilang gulo sa birthday si Syd,” iiling-iling na sagot niya. Napangiwi na lamang ako sa term na ginamit niya. But wait, sinong siya? “Siya?” “Who else? Of course, it’s your PROFESSOR,” sabat niya, pinagdiinan pa talaga ang salitang ‘professor’. “But seems like you’re in good shape. No sign na may sakit ka or something. Hmm. I would guess, you’re avoiding him.” dagdag niya. Napasimangot ako. “Tss.” Tanging naiusal ko saka nag-iwas ng tingin. Narinig ko pa ang mahinang tawa nito dahil sa naging reaksyon ko. Kingina kasi. Bakit kasi naging teacher ko pa siya? grrr.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD