SERENE
Maingay. Magulo. At animo'y mga baliw na nakawala sa mental institution.
The only thing that I can say the moment we entered the room. Mula sa kaliwa ay makikita ang grupo mga babaeng may kanya-kanyang ginagawa, isa na doon ang makipag-tsismisan. Habang sa kanan naman ay makikita ang grupo ng mga lalaking nagtatawanan at may kaklaseng pinagt-tripan.
Naiiritang napangisi ako. Shutta? Wala na ba talagang ikagaganda ang school year nato? Halos sa loob ng dalawang buwan na pagpasok ko kasi sa eskwelahan na‘to ay ganito lagi ang maabutan ko.
Napailing naman agad sa tabi ko si Niesha na nakatingin din sa mga kaklase namin.
“Mabait naman tayo, pero ba’t tayo napunta sa worst section? ” nanlulumong tanong ni Niesha na nasa tabi ko habang nakatingin sa mga kaklase namin.
Napaismid nalang ako at naglakad na sa dulong bahagi ng silid, kung saan nakapwesto ang upuan namin. Dahil doon ay naagaw nito ang atensyon nila.
“Oi! Good morning Serene!” nakangising bati ni Owen at nakapamulsang naglakad papunta sa direksyon ko.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya, tsaka ngumiti ng peke.
“Walang good sa morning kung ikaw lang din naman ang makikita ko.” Inirapan ko pa ito at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Napatawa naman agad ang mga kasama nito kasama na ang ibang babae sa loob ng room dahil sa isinaad ko.
“'Yong hindi ka naman inihaw pero nasunog ka, HAHAHA!”
“Aguyy~ peyn, pighati, kalungkutan.”
“Masakit pre? HAHAHA.”
“Ok lang ‘yan, bawi ka na lang next life HAHA!”
Nang mapatingin sa direksyon nila’y napailing nalang ako't pabagsak na naupo sa upuan ko. Ang kaninang malawak na ngisi ni Owen ng makita ako, ngayon ay napalitan na ng simangot dahil sa pang-aasar nila. Mga gago.
Sa totoo lang ay gwapo naman si Owen, matangkad at may magandang pangangatawan. ‘Yon lang ay hindi ko siya type.
“Haha grabe, maldita ka talagang babaita ka. Manang-mana ka talaga kay tita— may pagkademonyeta HAHAHAHA!”
Napalingon naman agad ako kay Niesha na nakangising nakatingin sa akin. Umupo narin ito sa katabing upuan ko.
Umismid naman agad ako dahil doon. Dzuh! Kanino pa ba magmamana? Edi kay mama. Nung time kasi siguro na pinagbubuntis palang ako ng nanay ko ay nagpapalaganap na ito ng kamalditahan at, idagdag mo pa na pinaglilihian daw ni mama si Tita Nikka— ang mommy ni Niesha— na isa ring demonyeta. Oh diba? Hindi na talaga nakakapagtaka.
Tumahimik nalang ako at kinuha ang selpon ko sa aking mahiwagang bulsa. Wowerz. Doraemon lang? Anyway, since wala pa naman ang teacher namin, magpapakabusy nalang muna ako.
Habang nag-s-scroll sa aking epbi, ay bigla ko nalang nakita ang account ng pogi naming teacher na si Sir Adriel. Napangisi naman agad ako. Shucks! Kahit sa picture ay pogi pa rin si Sir Adriel. Sana all.
“Hoy!”
Dahil doon ay muntik ng mabitawan ang selpon ko. Naiinis ko namang tinignan si Niesha dahil doon. Tumikwas naman agad ang kilay nito.
“Aba! Aba! Pati ba naman sa f*******: ay pinagnanasaan mo pa rin si Sir Adriel? Maghunos-dili ka nga! ‘Di ka type no’n, gisinggg!” saad nito pagkatapos ay inirapan pa ako.
Napakunot naman agad ang noo ko dahil doon at inis na sinipa ang upuan nito dahilan upang umalog ito.
“Ampt! Shatap ka na nga lang! Panira ka talaga.”
Umismid naman agad ito at binalik nalang ang tingin sa selpon nito ngunit bago 'yon ay may pahabol pa ang bruha. “Ginigising lang kita sa katotohanan my dear friend,” aniya. Napairap naman agad ako dahil doon.
Eh sa ang pogi talaga ni sir Adriel eh, anong magagawa ko? Shutta, mahirap talaga pag may teacher kang gwapo. Tsk.
**
Time flies fast, and it's already lunch time. Kasama ko ngayon ang bruhilda kong kaibigan dito sa cafeteria, na habang kumakain ay ngumingiti at parang tangang kinikilig sa harap ng selpon niya.
Naiiritang sinipa ko ang paa nito sa ilalim ng mesa, dahilan upang sumimangot ito at tignan ako ng masama.
Sinamaan ko rin ito ng tingin . Kala niya ah?
“Umayos ka nga! Ipapakain ko na 'yang selpon mo sayo pag ‘di ka tumigil d'yang bruha ka!” naiiritang saad ko rito. Umismid naman agad ito at tinutok sa’kin ang hawak na tinidor.
“Heh! Inggit ka lang eh, ‘di ka kasi pinapansin ni sir Adriel kaya ka bitter!” saad nito.
Aba’t—?!
“Sa una lang ‘yan masaya Niesha, sinasabi ko sayo...” naiiling na saad ko pa, mas sumimangot naman agad ito. “Tsaka dzuh! Wala akong pake kung ‘di nya ako papansinin. Bakit? Ikamamatay ko ba ang pang-i-ignore niya sakin?” dagdag ko pa sinabayan pa ng pagpapaikot ng aking mga mata.
Like hello!? Kung ‘di ko lang talaga crush si Sir baka jinumbag ko na ‘yon. Pero kahit na! Sayang din ang pogi at makinis na mukha ni sir pag nagkataon WAHAHA!
“Hmf! Ewan ko sayo. Kumain ka na nga lang d'yan.”
Tumahimik na lang ako at nag-umpisa muling kumain. Walang kwenta kausap ‘tong isang ‘to eh. Tsk!
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay bigla nalang nagvibrate ang selpon ko na nakalagay sa mesa. Kunot ang nuong kinuha ko ito.
Kuya Sydrick calling...
Kunot ang nuong sinagot ko ito.
“Anong masamang hangin ang nalanghap mo’t napatawag ka? ” taas kilay na tanong ko rito.
Rinig ko naman agad ang mahinang tawa nito.
[“Wow ah? Gandang bungad nyan ah?”] saad nito. Naiiritang napabuntong hininga na lamang ako.
“Aba! Pasalamat ka nga sinagot ko pa tawag mo eh! Tss, ” napahalakhak naman agad ang gago dahil doon. “Ano ba talagang kelangan mong ugok ka? Panira ka talaga ng araw ke’t kelan.”
[“Wala naman haha, gusto ko lang kamustahin si Adriel. Balita ko dyan na sya nagtuturo sa school nyo, ”] aniya mula sa kabilang linya.
Napasimangot naman agad ako. ‘Di ko pa ba nasasabing matalik na magkaibigan si kuya Syd at Sir Adriel? Well ngayon alam niyo na.
“Gago ba you? Ba’t sa'kin ka tumawag? Ako ba siya? naneto. ”
[“sus, if I know tuwang-tuwa ka ng malaman mong dyan na magtuturo ang crush mo. Kunyari ka pa, oii alam ko sekreto mo HAHAHA”]
Shuttek? Pati ba naman ‘yon alam nya? Apaka tsismoso talaga!
“Manahimik ka na nga lang, bwesit ka talaga Sydrick Yhun!”
Pinatay ko agad ang tawa ng ‘di ko na marinig pa ang nakakairita nitong tawa. Nakakasira talaga ng araw si Kuya, hay naku!
Bagay talaga silang maging barakada ni Sir, parehong gwapo pero may mga sira sa ulo! hmmf!
Dahil sa sobrang inis ay nakalimutan ko ng may kasama nga pala ako. Pero hayaan na, may sariling mundo naman sya kaya bahala sya.