Serene
Habang nagd-discuss si Sir Adriel, ay pasimple kong kinuha ang phone ko at pasimple ring kumuha ng stolen picture niya. Napangisi naman agad ako ng makarami.
Sheytt! Ba't ba kasi ampogi mo sirrr?
"Hoy gaga!"
Agad na napatingin ako kay Niesha nang bumulong ito sa tainga ko kasabay ng pagsipa nito sa paa ko.
"Umayos ka nga! Tinitignan ka ni Sir Adriel!" dagdag pa nito.
Napaayos naman agad ako ng upo at pasimpleng tumingin sa gawi ni Sir. Napaiwas naman agad ako ng tingin ng mapansing nakatingin nga ito sa akin.
"Shuttaka Niesha! Ba't 'di mo agad sinabi!?" nanggigigil na tanong ko rito. Tumawa naman ito ng mahina.
"Wala lang. . . Gusto ko lang ma-experience mo ang matignan ng crush mo pfttt..." natatawang saad nito.
Nakurot ko naman agad ito sa kanyang gilid dahil sa hirit nito.
"Arayy—! Tang-na mo talaga Serene!" bulong nito tsaka ako sinamaan ng tingin. Sinamaan ko rin naman ito ng tingin. Kala niya siya lang?
"Ms. Valencia."
Napatingin agad ako kay Sir Adriel. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Kahit na nakakunot ang noo nito ay gwapo parin naman si Sir. Shucks! Besides, sa pagkakaalam ko ay nasa 20+ palang si Sir. Pwede pa ehe~
"Ms. Valencia! Are you even listening to me?"
Nabalik naman agad ako sa reyalidad dahil sa muling pagtawag ni Sir. Mas may kalakasan iyon kumpara kanina, kaya hindi ko maiwasang mapapiksi ng bahagya. Salubong na rin ang mga kilay nito.
Napapakamot naman agad ako sa batok ko. Isang kaugalian ko kapag kinakabahan o kaya naman ay nahihiya ako.
"S-sir?" wala sa huwisyong saad ko rito.
Napansin ko naman agad ang bahagyang pag galaw ni Niesha mula sa tabi ko at ang mahinang bungisngis nito.
"You're distracting my class, Valencia. You go to the detention office. NOW!" may diing saad nito sa bawat salitang binibigkas niya, habang nakatiim ang bagang.
Nagpipigil naman ng tawa ang mga kaklase ko lalong-lalo na ang bruha kung kaibigan na si Niesha.
Tangina. First time ko 'to ah? Sa tanang buhay ko ngayon lang ako made-detention! Isa ka talagang bwesit Sir Adriel! Nang dahil sayo, first time ko magka-crush sa teacher, nang dahil din sayo first time kong made-detention! Shutanginers!
Kahit na gusto ko ng sipain papunta sa mars si Sir ay ginawaran ko na lamang siya ng isang plastik na ngiti para pagtakpan ang kahihiyang ito.
"Sir~ kahit na gusto mo kong ipadetention, ok lang sa'kin sir. Love parin naman kita. " Saad ko rito tsaka ngumiti ng matamis bago dinampot ang bag ko at mabilis na tumakbo palabas ng room.
Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko pa ang kantyawan ng mga kaklase ko at ang sigaw ni Sir Adriel.
BWAHAHAHA! Nasakin parin ang huling halakhak!
* * *
Tatlong oras na ako dito sa pesteng detention na ito at talagang nakakaumay na. Gutom na rin ako, hindi pa kasi ako pinapalabas ng nagbabantay dito. Huhuness. Akala ko pa naman isang oras lang ako dito, pero dahil na naman sa utos ng ma-attitude na si Sir Adriel ay nadagdagan ng apat na oras ang stay ko rito.
Mukhang maling bumanat pa ako kay sir.
Maya maya pa'y bumukas ang pinto. Nanatili naman akong nakaupo habang naka-krus ang dalawang kamay at nakasimangot.
Dumungaw mula sa labas si Niesha habang nakangisi sa akin. Mas lalo naman akong napasimangot dahil doon.
"If you're just here para asarin ako, umalis ka nalang. Baka makalbo kitang bruha ka." naiiritang saad ko sa kan'ya.
Napatawa naman agad ito at binuksan ng malaki ang pinto. She tilted her head and smirked.
"Makakalabas ka na raw. Naawa raw kasi sayo si Sir HAHAHA "
Napakunot naman agad noo ko. Ngunit kaagad ding kinuha ang bag at mabilis na humabol kay Niesha.
Napatingin pa ako sa nagbabantay na si Ms. Lorie, ngumiti lang ito at nagkibit balikat, tsaka muling bumaling sa hawak n'yang libro. Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod kay Niesha.
Aba, baka magbago pa ang isip ni Sir Adriel pag 'di pa ako kumilos. Ayaw ko na bumalik doon sa loob at magstay pa ro'n ng dalawa pang oras! Dzuh!
"Kapal din pala ng mukha mo Best, ano? Akalain mo 'yon nagawa mong bumanat kay Sir sa harap ng kaklase natin. HAHAHA hanep!" nakangising baling nito sa akin ng mapansin akong nakasunod sa kan'ya. "Napaghahalataang patay na patay ka kay Sir eh HAHAHA!"
Napaismid naman agad ako.
Sa katunayan ay narealized kong nakakahiya pala talaga ang ginawa ko. Like owemji! Totoo nga talaga 'yong sinasabi nila na 'you do stupid things when you're in love'— ay mali. Hindi pala ako in love kaya nevermind!
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at hinila nalang siya papunta sa cafeteria.
"I-libre mo nalang ako dahil kanina pa ako nagugutom. Total ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ako nadetention," saad ko rito. Pumalag naman agad ito mula sa pagkakahawak ko at tumingin sa akin na nakasimangot.
"Anong ako? Aba! Sino bang nangunguha ng stolen picture ni Sir habang nagka-klase? Ako ba? Ako ba?" sarkastikong saad nito sa akin ngunit nginisihan ko lang ito.
"Ah basta! It's still your fault. Kaya dapat ilibre mo ako. And Niesha," saad ko pa at mas lalong lumapad ang ngisi. "I don't take 'No' as an answer, so no choice ka." dagdag ko pa.
It's payback timeeee!