bc

THE GOVERNOR'S DAUGHTER

book_age18+
1.5K
FOLLOW
9.4K
READ
family
boss
student
drama
twisted
bxg
bold
office/work place
enimies to lovers
sassy
like
intro-logo
Blurb

Maria Eara Santiago Brado ang babaeng anak ng gobernador na kinaiinisan ng lahat. Lumaki siya na walang naramdaman na pagmamahal mula sa kaniyang magulang. Her mother died when giving her birth and her father was busy being governor. Tutok sa buong bayan na halos kinuha na ang dapat na atensiyon na mapupunta sa kaniya. Lumaki siyang may pagkamataray. Unti he met this guy named Yiago, one of the son of their oldest driver. He was her personal driver. Ngunit nagdaan ang araw na hindi lang ang sasakyan ni Eara ang sinakyan nito pati siya. Ang hatid-sundo ay nauwi sa hindi inaasahang pag-iibigan. Eara was happy with him and so he with her. Sobrang saya na kay Yiago lamang nito naramdaman. But in just a snap, Yiago, her first love and first everything, left her and their baby. That time, Eara promised that she will never forgive him.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE: MARIA EARA SANTIAGO BRADO
MARIA EARA SANTIAGO "So I was saying na may paparating na event this coming monday at mukhang alam niyo na naman 'yon. And kanina lang napagdesisyunan na may contest na magaganap. At required na sa bawat section ay may isang candidate. May plus point sa akin kapag may sumali sa inyo bukod pa ro'n kapag na nanalo, wala ng exam na magaganap! Kapag nanalo lang." Ang tahimik na classroom ay biglang umingay. Ang kaninang lang na patay kung makinig sa guro habang nagle-lesson ito ay biglang nabuhayan. Duh, plus ang usapan, sino ba namang hindi gaganahan. "So, any volunteer?" "Ma'am, si Ella, ma'am!" Pangunguna ni Jana, kaibigan ni Ella. "Ay hindi, ma'am. Si Eara na lang, ma'am. Kapag si Eara pambato na'tin, sure win agad!" Ani ng isang lalaki. "Oo, ma'am, si Eara na lang. Pure beauty, pure brainy!" segunda ng kaibigan nito. "Eara! Eara! Eara!" "Ella! Ella! Ella!" I rolled my eyes. Dalawang pangalan ang sinisigaw nila. Ako at ang impaktang si Ella. Nang tignan ko ang gawi nito na nasa kabilang dulo ng row namin, nakita ko ang nakakairita nitong ngiti. Mas lalong umikot ang mga mata ko. Feeling ba niya mas maganda na siya sa'kin dahil may sumisigaw ng pangalan niya? E, iilan lang naman. Isa? Dalawa? Tatlo? Kinaganda niya na 'yan? "Santos and Brado, come forward please," ani Miss Tiara. "Go, best! Itayo ang bandera! Huwag hahayaan na madungisan ng bruhang si Ella! Go! Go! Go!" sigaw ni Jecel, isa sa kaibigan ko. Hinawakan pa ako nito sa braso at sapilitan na pinatatayo. Nginitian ko sya. "Duh! Pinagsasabi mo riyan? Pag si Eara, sure win agad! 'Di na ko duda ro'n!" Kumindat sa'kin si Rose. "Ako na, tumabi kayo." Tumayo ako at naglakad. Natigilan lamang ako at tumaas ang kilay ko nang magsalubong ang mga mata namin ng impakta. Pareho kaming kalalabas lang ng lungga namin. Nasa kabilang dulo kasi ang upuan niya at nasa opposite side naman ako pero iisa kami ng row. Umikot ang mga mata ko nang piltikin niya ang buhok at naunang naglakad sa unahan. Maarteng ginaya ko ang ginawa niya na narinig kong ikinatawa ng dalawang baliw kong kaibigan. Nang nasa pwesto na kami sa magkabilang gilid ni miss, muling naghiyawan ang mga kaklase namin. At taas noo akong tumayo dahil mas malakas at marami ang tumatawag sa pangalan ko. Well, baka Eara 'to. "Quite, class!" sabi ni miss na ikinatahimik naman ng lahat. "So, since dalawa ang narito sa harap kailangan na'ting magbotohan kung sino sa dalawang 'to ang magiging candidate ng class niyo dahil isa nga lang ang kailangan." "At ako na 'yon," pagmamalaki na sabi ni Ella. Napatingin ako kay Ella nang sabihin niya 'yon. "Oohh! Ella! Ella!" sigaw ng ilan. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi pa ko nakakapagsalita nang maghiyawan na naman ang lahat. "Eara! Eara! Eara!" "Class, quite! Paano tayo makakapili kung ganiyan kayo," suway ni miss. "So, Brado," tinignan ako ni miss saka tinginan si Ella. "Santos, goodluck sa inyo. Raise your hand if your favor to Brado!" "Eara! Eara!" Lumawak ang ngiti ko nang halos buong klase ang nagtaas ng kamay. Hindi ko alam kung may natitira bang hindi nakataas ng kamay bukod sa tatlong alalay ni Ella. "Ayos ng taas, bibilangin ko—" "Bibilangin mo pa, ma'am. Majority na nga, e—" "Tumahimik ka, Alverez! Ikaw na rito, ako nang uupan diyan." "Charot, ma'am! Sige, ma'am, bilangin mo na." Binilang ni Miss ang lahat ng nakataas. Nang tignan ko ang dalawang baliw sa likod, naka-thumb up si Jecel at si Rose naman ay naka-rock 'n roll ang mga daliri. Mga baliw. "46 ang total for Brado," ani Miss. "Okay, for Santos naman. Raise your hand. Kapag hindi ito nagtotal ng 40, uulitin na'tin 'to kaya umayos kayo." "Lah, ma'am? Ano 'to, item analysis?" angal na naman ni Joshua. "Alvarez, isa." "Charot ulit ma'am!" Nagtawanan ang lahat. "Okay raise your hand for Santos." Ang tatlong kaibigan nito ang nagtaas at si Manuel na may gusto kay Ella. Nang tignan ko si Ella, ngumiwi ang mukha nito habang nakatingin kay Manuel. Dahil nga ba kay Manuel o dahil sa resulta? "4 for Santos. So, the winner is Brado!" "Eara! Eara! Eara!" Muling nag-ingay ang klase. "Thank you." Sa buong dalawang subject namin, pulos pagbati ang ginawa ng ilan. Todo puri rin sila. Kesyo magaling naman daw talaga ako kumpara kay Ella. Ngiti at pagpapasalamat ang sinasagot ko sa kanila. Nang nagbell, lumabas si Sir Juan na siyang huling klase namin sa umaga. Nag-ayos ako ng gamit nang lumabas ito ng classroom. "Eara, congrats ulit," sabi ng nasa unahan kong si Jane. Ngumiti ako. "Thanks." "Fame na 'yarn?" natatawang ani Jecel. "Lodi pa autograph naman!" suhol ni Rose. Tumawa sila samantalang umirap naman ako. "Stop it. Nagugutom na ko, bilisan niyo." Tumayo ako at sinukbit ang nylon cloth bag sa braso ko. "Cafeteria?" Tumayo na rin si Jecel at Rose. "Oo." Lumabas kami ng room. We were talking about some stuffs while going to cafeteria. Ngunit kababa pa lang namin sa second floor ay sinalubong agad kami nina Ella at ng mga alalay niya. "Look who's here," malditang sabi nito habang nakahalukipkip. "Ang inggiterang frog na si—" "Ella!" sabay-sabay na sabi naming tatlo. Tumawa kami sa sinabi. Mga kaibigan ko nga mga 'to. "Happy?" "Not yet," ani ko saka humakbang pa palapit sa kaniya. Ngayon kaunting distanya na lang ang layo ko sa kaniya. "Alam ko kung ano ang ikasasaya ko?" "Who said I care about what makes you happy?" "Pfft! Kakatanong mo lang kung happy na ba ko tapos—Nevermind! Ayokong mag-aksya ng oras sa isang tulad mo." Lalampasan ko na sana niya ngunit hinawakan ito ang braso ko at muling binalik sa pwesto ko. "Yuck! Don't touch me!" Iwinasiwas ko ang kamay nito paalis sa braso ko. "Don't you dare turn your back on me!" madiin na sabi niya. "Oh, I'm scared," umakto akong natatakot. "Matatakot talaga ako kung ganiyang hitsura ang bubungad sa 'kin." Nagtawanan ang dalawang bruha sa likod ko. "Woah, woah. Kung makaasta ka parang sobrang ganda mo na. Ikaw lang ang napili, gandang-gandang na sa sarili mo?" insulto saad niya. "Maganda ako simula pa lang nang isilang ako. And sobrang ganda ko kumpara sa 'yo." "Ilusiyonada! Anong maganda riyan? E, puro retoke naman!" "Well," I flipped my hair. "Alam ko namag walang maganda sa paningin ng mga inggiterang katulad niyo." Nanlisik ang mga mata nito. "You b***h—" "Hep!" Pigil ko. "And as far as I know, 'yang sinasabi mong ganda," I pointed out her ugly face. "Talampakan ko pa lang." "Eara!" Sinugod ako nito pero mabilis umaksiyon sina Jecel at Rose. They protected from zombie. "Let's go. Let's don't waste our time here. It's suffocating me seeing some weird species." Nauna akong naglakad. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Ella sa pangalan ko. But I didn't bother to look back. Sino siya sa balikan pa ng tingin? Well, that's my life in San Martines Senior High School. Ako ang reyna. Hindi dahil sa yaman na meron ako, kundi dahil sa tapang na mayroon ako. Kainisan man ako ng iba, like Ella and her company, but I don't care. Becuase I am... Maria Eara Santiago Brado! The Governor's Daughter! ___ DB

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.0K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook