CHAPTER 47: HUSBAND MATERIAL "Ano okay ka na ba?" Umupo ako nang maayos. 5 PM nang dumating sila Jec at Rose sa bahay. Diretso na agad sila sa kwarto ko, wala sila dad, umalis daw sabi ni Manang nang ihatid sila Jec dito sa kwarto ko. Nakaupo si Jec sa harap ko habang nakatayo si Rose sa tabi niya. "Oo." Lumapit sa akin si Rose at hinipo ang noo ko. "Hindi ka na mainit." Aniya nang tanggalin ang kamay niya sa noo ko. "Ano ba kasing nangyari? Bakit ka biglang nagkasakit?" Tanong ni Jec. "Wala." Ayaw kong sabihin dahil aasarin lang nila 'ko. "Anong ganap kanina?" "As usual, discussion. Mabuti nalang walang exam or quiz ngayon," sabi ni Rose. "Swerte ha." Natigilan kaming tatlo nang may kumatok. Sabay-sabay kaming napalingon do'n. "Ako na magbubukas," presinta ni Rose. "S

