CHAPTER 48: Anong Ginawa Niyo NAPATINGIN AKO sa cellphone kong nasa ibabaw mesa na katabi ng plato ko. Napatingin pa sa akin si dad pero hindi ito nagsalaita. Binuksan ko ang screen at nang mabasa ang name ni Yiago ay i-open ko ang phone. ‘Yiago reply to your story.’ Basa ko sa notification. Binuksan ko ang messenger ko at pinindot ang account ni Yiago. Mahal: Ganda naman nito. Mukhang mamahalin hirap abutin. Napangiti ako pero nawala rin nang marinig ko ang pag-ubo ni dad. Pinatay ko ang cellphone at pinatong ulit sa mesa. “Sino ‘yon?” tanong ni dad sa ‘kin. “Classmate ko po,” sagot ko. Pero hindi pa rin naalis ang pagkakunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. “Kaklase mo lang?” Tumango ako. “Opo, dad.” “Classmate that make you smile like that?” “Dad, classmate lang po ta

