"Nanayyy" sigaw ko dahil kanina ko pa talaga hinahanap si nanay
"Ano ba iyan, Aya kanina kapa sumisigaw" dinig kong saad ni Nanay Nelyn sa akin.
Bata pa lang ako ay sinabi na sa akin ni nanay nelyn na hindi niya ako totoong anak at naintindihan ko naman iyon, buti nga at may nag alaga sa akin eh kaysa sa wala.
Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya dahil kinupkop niya ako at ibinigay sa akin ang kanyang apelyido.
"Nay, may sasabihin po ako...kanina po habang nagbibihis ako nakita ko po yung eyes ko nag color red" sabi ko at bigla na lang naihulog ni nanay ang kanyanh hawak na palanggana.
"P-paano....bukod sa akin anak, may pinagsabihan kapa bang iba tungkol dito?" tanong ni nanay sa akin at umiling naman ako.
"Wala po. Ayoko pong ipaalam baka po kasi husgahan nila ako pag nalaman nila" malungkot kong saad at yinakap naman ako ni Nanay.
Tahimik lang kami ni Nanay habang nakayakap ito sa akin. Madalas ala si nanay lalo na pag birthday ko kaya ang nangyayare ay kinabukasan lagi namin sineselebrate ang handaan.
Hindi kami mayaman ni Nanay Nelyn pero naiibigay niya naman lahat ng gusto ko, hindi ako humihingi sa kanya ng kung ano ano dahil alam ko ang hirap ng buhay dito sa lugar namin sa Tolyatti. Ito ang pinaka poorest buong lugar namin pero kahit papaano ay may mga panghabuyan naman kaami ni Nanay Nelyn.
'Aya.. kamusta kana kapatid ko?" napakahawak ako sa ulo ko dahil sa pagsasalita na naman sa kanyang isip.
"Anak, anong nangyayare sayo?" tarantang saad ni Nanay Nelyn.
"May naririnig po ako at pumapasok sa utak ko" paliwanag ko kay nanay at napahawak naman ito sa kanyang bibig
"Nagsisimula na." bulong lang ni nanay iyon pero narinig ko pa din. hindi bulong iyon dahil nababasa ko ang nasa isip niya.
Bakit ngayon pa. Wala pa akong balak sabihin kung ano ka talaga, Aya. Ayokong iwan mo ko ngayon hindi pa ako handa.
tinignan ko lang siya sa kanyanh mata at iyon agad ang narinig ng utak ko sa kanyang utak.
"Nay, ano pong ibig mong sabihin na hindi ka pa handa?...Tao po ba ako, Nay?" tanong ko at iling lang siya ng iling
"T-tao ka!" sagot ni nanay pero umiling lang ako sa dahil sa nabasa ko sa kanyang utak.
isa kang bampira...bampirang itinago sa mundo ng tao
"Bakit ka po nagsinungaling sa akin?" tanong ko sa kanya pero iyak lang ang sinagot niya sa akin na siyang dahilan para mag iba ulit ang ng mata ko.
red to black
"Pwede mo po bang ipaliwanag sa akin ng mabuti, Nay?" tanong ko pero naiiyak na din ako dahil hindi tumitigil ang kanyang luha na galing sa mata.
"Maraming gustong kumuha sayo sa mundo niyo na siyang naging dahil at napilitan ipaalaga ka sa akin ng mga magulang mo na sila King Qin at Queen Erin. Nalaman namin iyon dahil sa kumalat na maaring maging tao ang bampira sa mundo ng mga tao kahit tirik ang araw." bumuntong hininga si nanay habang iniisip ko pa din ang dugong dumadaloy sa aking katawan.
"Kahit sino ay gusto kang makuha, ayaw ng kapatid mong ilayo ka sa kanila dahil kakapanganak pa lang noon ng Reyna. Madaming itinakda sayo na ayaw ng magulang at ng dalawa mong kapatid. Isa kang hamak na prinsesa mundo ng mga bampira pero dahil sa tanging taglay na meron ka ay hindi mo sila makakasama" iyak nitong muli at yinakap ako ng mahigpit.
"Bakit hindi mo po agad sinabi sa akin. Sana po may alam ako" saad ko kay Inay.
"Natatakot ako na baka iwan mo ko at matunton tayo ng mga kalahi mo pag sinabi ko sa iyo!" paliwang pa nito sa akin.
"Sinabi mo po ay meron akong mga kapatid, ano pony mga pangalan nila babae po ba parehas?" umiling si nanay bilang sagot.
"Si Princess Elizana ang panganay siya din ang naghatid sa atin sa b****a kung saan ka namin itinakas. At si Prince Oris na siyang uupo bilang prinsepe pag dating ng panahon" paliwanag nito habang naka ngiti.
"Ikaw ay ang bunso. Sana ay wag kang magalit sa akin at sa totoong magulang mo dahil ang iyong kabutihan lamang ang gusto nila para sayo" dugtong pa nito.
"Kailan ko po sila makikita?" tanong ko pero nailing lamang siya
"Hindi ko alam dahil hanggang ngayon ay marami pa din naghahanap sayo. Marami na ding bampira ang meron sa mundo ng mga tao.", kinakabahang saad ni Inay.
---
Mula noong araw na iyon isang buwan ang nakalipas ay hindi na namin napag usapan pa ni Nanay ang tungkol sa kung ano ako dahil alam kong nasasaktan siya.
"Andito ka lang pala, Aya!" dinig kong saad ng asa likod ko.
"Bakit may problema ka ba sa inyo, Prince?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya. "eh anong ginagawa mo dito sa gawi namin?" napaatras naman siya
"Akala ko ba magkaibigan tayo... bakit parang ayaw mo naman akong makasama" nagtatampong saad ni Prince Keron
Keron ay ang kanyang apelyido at pangalan niya ay Prince.
"Parang sir-..." pinutol niya ang dapat sabihin at hindi ko na naituloy ang sasabihin ito.
"Yung m-mata mo...n-nag k-kukulay r-red at d-dilaw" putol putol na saad ni Prince sa akin kaya bigla ko itong tinakpan parehas
Tumakbo ako papasok sa bahay at dumeretso sa salamin at tinignan ang sarili.
"Aya...labas ka na dyan" sigaw ng sigaw si Prince sa labas habang nakasilip sa pinto.
Hindi siya pumapasok sa aming bahay kung hindi namin sinasabi. Kilala siya ni nanay dahil kaibigan ko at nag iisang kaibigan ko dito sa lugar namin.
Walong taon na akong nabubuhay dito sa mundo ng tao pero kahit isa ay wala talaga akong kaibigan hanggang sa dumating na si Prince sa buhay namin.
"Jino-joke mo ba ako, Prince Keron ha?" sigaw ko habang papalabas ng kwarto kung asan ang salamin .
"Anong ibig mong sabihin,Aya." tanong niya ng nakalapit ako sa kanya.
"Na nagiging dilaw at red ang kulay ng mata ko." halos bulong na iyon para alang makarinig sa amin.
"Hindi...kanina dilaw ang mata mo pero hindi ko pinansin dahil baka nasisikatan lang ng sunset pero habang nagtatagal na kausap kita ay nagiging red naman ang kabila kaya nag react na ako." paliwanag niya at tumango naman ako.
"Alam kong ramdam mo din na hindi ako normal kaya sana....sana wag mong ilabas itong nakita mo ngayon sa aking mga mata" sabi ko sa kanya at tumango naman ang lokong si prince keron sa sinabi ko.
"Alam kong may mali ka din sa katawan kagaya ng akin kaya sana..sana wag mong din sabihin ang sikreto ko" sabi niya at napatango naman ako
"Isa akong anak ng bampira, Aya. " naluluhang amin sa akin ni Prince kaya napahawak ako sa bibig ko.
Noong hindi ako naniwala ay biglang lumabas ang kanyang pangil kasabay ng paglabas ng akin pangil din at handa ng lumapang.
"Jusmiyoo marimar. Aya, Prince" sigaw ni Nanay Nelyn kaya kumalma ang mga pangil ko pero si Prince ay hirap na hirap itago ang pangil sa amin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay para mapahinahon ito at hindi naman ako nagkamali dahil nawala na ulit ang kanyang pangil at bumalik na sa dati ang kanyang itim na mata.
"B-bampira ka din?" tanong nito at tumango naman ako.