Chapter 2 Kalahi

1311 Words
Ito kami ni Prince ngayon sa labas habang nakatingin sa bukid malapit lang sa amin. Hindi kami nag uusap ni Prince simula kanina at si Nanay Nelyn naman ay umalis na dahil may tiwala naman siya sa amin na hindi kami gagawa ng ikakasakit namin. Binabasa ko ang asa utak ni Prince pero wala akong mabasa dahil sarado ito o baka ala lang talagang iniisip sa ngayon. Bampira ako at bampira si Prince kalahi ko siya pero bakit hindi niya alam noong una pa lang? Marami akong nababasa tungkol sa mga bampira at hindi taliwas ang mga nangyayare sa akin at sa librong nabasa ko noon. Ang pinagkakataka ko lang ay bakit dilaw ang isang mata ko at minsan ay pula. "May lahi ba kayong bampira o kinagat ka lang?" tanong ko sa kanya pero siya ay nakatingin pa rin sa malayo. "Isa akong bampira na isinilang dito sa mundo ng tao." malamig niyang saad "Ikaw?...Tao si Manang Nelyn kaya paano kang naging bampira?" tanont niya pero nagkibit balikat lang ako. "Tara na umuwi at baka pagalitan na ako ng magulang ko madilim na din, kailangan ko ng uminom ng dugo" deretso niyang saad. "D-dugo?" tanong ko at tumango naman siya "Hindi pa ako nakakatikim ng dugo" dugtong ko at napatingin naman siya sa akon "Huh? Paanong nangayare yun? Isa kang literal na bampira at isinilang na bampira, Aya, kaya paanong hindi ka umiinom ng dugo? buti at nakakayanan mo." sabi niya sa akin "Mula bata ako hindi ako umiinom, kung ano ang kinakain ng tao at iniimom ay ganoon din ako." sabi ko at napatango naman siya sa akin. "Hapon tayo ulit magkita dito o susunduin kita sa labas ng bahay niyo." tumango ako bilang sagot. Ang Prince Keron na kilala ko ay naging isang malamig ang pakikitungo sa akin. Si Prince Keron na kaibigan ko ay isa din pa lang bampira na kagaya ko. Si Prince Keron na kilala ko ay umiinom ng dugo pero ako ay inumin ng tao. Dumating si Nanay pasado alas otso na nang gabi. Masyado ng ginabi si nanay buti na lang ay kahit 9 yeara old pa lang ako marunong na akong magluto dahil tinuruan ako ni Nanay. "Hindi lahat ng nasa paligid mo Aya ay makakapagkatiwalaan mo." biglang sabi ni nanay kaya napatingin ako sa kanya pero siya ay nakatingin lamang sa labas ng pinto na parang may inaaninag. "Nay, ayos ka lang po ba?" tanony ko pero nakatingin pa din siya doon. "Nasundan nila ko." saad ni nanay na ikinabahala ng katawan ko. Matalino ako at hindi ako bobo para hindi maintidihan ang tinutukoy niya. "Ilan po sila?" tanong ko dahil hindi ko sila maamoy. "Hindi ko alam. Madami sila pero hindi sila makakapasok dito sa bahay dahil wala silang karapatan." galit na saad ni nanay habang nakatingin na sa pinggan. Hindi nagtagal ay may kumatok sa aming pintuan habang kami ay malapit ng matapos. "Aya, Ate Nelyn ako po ito" mapanlinlang. ayan ang nabasa ko sa utak ni nanay nelyn. "Ako ho ang magbubukas ng pinto, huwag ho kayoing lalabas", kahit sa liit at edad ko na ito ay kaya ko pa din siyang linlangin. "Bakit ho? Hindi ko KAYO pwedeng pumasok." sabi ko at narinig ko ang lahat ng kaliskis sa gilid ng aming bahay Nakita kong nag iiba ang kulay ng kanyang mata ngunit hindi pinansin at kinalma ang sarili. "Bakit ho KAYO andito?" diin tanong kong muli pero hindi niya ako matignan ng maigi kaya binabaan ko ang aking pagkakayuko at tumingin sa mga mata niya. "Wag mo siyang tignan sa mata,Aya!" dinig konh saad ni Nanay sa likod ko. Si Nanay na ang lumapit sa kanya at sa labas sila nag usap para hindi sila makapasok dito sa loob ng bahay. 'Aya, ayaa. tulungan moko', hingi ng tulong ng pumasok sa utak ko 'ayaa ang iyong kaibigan ito.. si prince tulungan mo ako', ng merong ulit pumasok sa isip ko ay mabilis akong nagbihis at nagtungo sa bahay nila Prince sa kabilang dulo. Hindi.ako tanga para hindi ko malamang may sumunod sa akin habang naglalakbay ako papunta kila Prince. huwag niyo akong lalapitan. lahat ng asa paligid ko ay pinasukan ko sa isip nila huwag kang tutuloy, aya. makinig ka sa akin saad ng isa ngunit hindi ko pinakinggan. --- Nakarating ako sa bahay nila Prince pero binalot lang ako ng kaba habang papasok sa kanilang bakuran. Pag pasok ko sa kanilang bakuran ay may nakita akong tao...madaming tao hindi sila tao dahil mga bampira sila. madaming bampira kahit sa paligid ay meroon din. "Andito na ang mahal na prinsesa" biglang saad ng naka itim sa unang pinto. "Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa bahay nila Prince?" tanong ko pero walang sumasagot sa kanila Hinanap ng mata ko si prince at hindi ko makita. Hindi nagtagal ay may kumalabog sa bandang loob ng kwarto at doon nabaling ang aking pansin. "Anong ginawa niyo sa kaibigan ko!" galit kong tanong pero tumawa lang ang nagsalita kanina. Walang sumagot sa ilang minuto kong pag aantay kaya't hindi na ako nagpakahirap na puntahan ang loob ng kwarto at itatakas sana si Prince ngunit nakita ko kung gaanong muntik na nilang patayin ang mga magulang ni prince sa labas ng bahay nito. "Ano bang kai--." hindi ko na ituloy dahil ipinutol ng babaeng puti ang buhok ang sasabihin ko. "Bakit napaka tapang mo atang tao ka?" lumingon ako sa kanya "Sino ka ba? Alam mo bang kaya kitang pat--." lumapit ako sa kanya "Kaya? Pero bakit alang makalapit sa akin kahit isa sa inyo? Alam niyo bang kaya ko din kayong patayin!" hindi ako nagtatanong dahil sinabi ko mismo sa harap ng babae iyon. "Umalis kana bago ka namin idamay ay ang nanay mo dito!" tumawa ako dahil sa sinabi niya pero naging pula lamang ang kanyang mata na kanina ay itim. "Sino ka para utusan ako na umalis dito?" ngumisi ako sa kanya "Wag mong isipin na bata ako dahil kaya kitang patayin ng isang iglap pag dinamay mo ang magulang ko dito." nakangiti kong saad. Isa isa silang umalis at ang nahuli ay si kulay puting buhok na tumingin muna sa akin bago tuluyang lumayas. Mabilis akong pumasok sa loob at nakita ko ang galit na galit na mata ni Prince. Hahawakan ko sana siya ng bigla niyang inamoy ang leeg ng magulang nito. Humihingi siya ng tawad sa kanyang magulang pero kahit anong gawin niya ay hindi na siya maririnig nito. "Prince, tara na!" aya ko dito pero umiling lamang siya. "Hindi kita pwedeng iwan dito at maari ka nilang balikan" galit kong saad "Papatayin ko silang lahat" bigla niyang saad habang nakapikit. "AYA. BAKIT KA ANDITO AT ALAS DOSE NA NANG HATING GABI" narinig kong sigaw ni Nanay sa labas ng bahay nila Prince. "Hindi lahat ng nasa paligid mo, Aya ay totoo sayo!", saad ni prince habang naka tayo sa aking gilid. "Maraming kasama ang Nanay mo...naamoy ko sila may balak gawing hindi maganda ang mga kasama ng nanay mo, Aya." palapit na ako kay nanay ng nagulantang ang katawan ko sa huli niyang sinabi. Anong ibig mong sabihin, Prince. tanong ko sa kanya pero sarado na ulit ang kanyang utak. "Uminom kana ng dugo ng hayop at wag dugo ng tao para hindi ka manghina pagdating ng araw." saad nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya at nagpaalam na nang aalis. "Kinausap ko lamang si Prince, Nay" sabi ko kay Inay pagkalapit ko dito. "Tara na at masyado ng gabi." aya niya sakin ay tumango naman ako. Hindi lahat ng nasa paligid mo, Aya ay makakapgkatiwalaan mo. biglang nag ulit ang sinabi nila sa akin ni Inay at Prince pero kahit isa sa kanila ay hindi ko makuha ang gusto nilang tukuyin. "Ang lalim ata ng iniisip mo, Aya...pwede mo bang sabihin sa akin?" tanong nj inay pero nailing lamang ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD