Chapter 3 Palasyo

1124 Words
Elizana's Pov Ngayon ang pagbabalik ni Yaya Nelyn sa aming lugar ngunit kasama ang aking kapatid. Alam kong may mali pero hinahayaan ko lang dahil ako mismo ang kikitil ng buhay niya pag may ginawa siyang iba. "Princess Elizana, andito na po ang unang panauhin" saad ng isang taga utos ng aking Ina o ng mahal na reyna. Sino naman kaya ang unang panauhin ngayong araw. "Si Mila ang una?" naguguluhang tanong ko at tumango naman sa akin ang taga utos "Oho, mahal na prinsesa" sagot nito at yumuko Hinanap ng aking mata si Ina dahil hindi maaring si Mila ang unang magsasalita dahil kamag anak namin ito. "Ina, hindi maaring si Mila ang unang magsasalita ipinagbabawal iyon sa lugar natin." saad ko kay Ina pero kahit si Ina ay halatang naguguluhan din. "Ano ang iyong ibig sabihin, Prinsesa Elizana?" nakakunot na noo ni Ina habang nagtatanong pabalik. Alam kong magkakaroon ng dayaan pag si Mila ang magsasalita ngayon dahil iyon na ang kanyang asa dugo dayaan. Siya ang makakalaban ko kaya maaring masaktan ko siya at alam kong gaganti itong babaeng to kahit wala na kami sa laban. "Isang dayaan ang mangyayari Ina pag siya ang nakalaban ko. Kilala natin si Mila, Ina hindi niya hahayaan na matalo siya." saad ko kay Ina at tumango naman ito. "Ako ang kakausap sa nakakataas para maiba ang unang panauhin, Elizana" sagot ni ina. Nagpaalam itong aalis na kaya yumuko ako habang naglalakad ito paalis. "Ate, anong nangyayari at nagkakagulo sa labas ng kaharian?" tanong ng kapatid kong si Oris. "Si Mila ang unang panauhin ngunit hindi pwede iyon at nasa batas ng ating lugar ang bawal ilaban ang magkadugo at nasa iisang lugar." paliwang ko sa kapatid at tumango naman ito. "Ate, nakita ko na si Aya." napalingon ako kaagad sa kanya dahil ang bunsong kapatid na namin ang kanyang binaggit. "P-paano mo ito nakita?" naguguluhang tanong ko pero ngumisi lamang ito sa akin. "Sekretong malupit, Ate Elizana" tumatawang sagot nito sa akin. "Prince Oris ikaw ay lumabas na naman ng Tyumen...pag nalaman ito ni Ama ay magagalit iyon" paalala ko sa kanya pero nakangisi lamang ang magaling kong kapatid. "Akong bahala, princess elizana. I got you ate!" nakahawak na ito sa kanyang tiyan habang tumatawa. Iniwan ko siya sa loob ng aking silid ng tumatawa dahil hindi ako titigilan ng bampira kong kapatid hanggang hindi ako naasar. Lumabas siya ng Tyumen noong maliit pa lamang siya at nahuli siya ni Ama dahil sa nakatagong b****a ito lumabas kung saan ko hinatid palabas ng mundo namin si Aya at ang kanyang taga alaga. Tyumen Oblast ang mundong kung saan sila Ina at Ama ang namamahala at kaming magkakapatid ay susunod na mamahahala sa mundong ito. "Princess Elizana napalitan na ho ang unang tagapagsalita" saad ng kung sino sa labas ng silid ng aking kapatid na si Aya. "Maraming salamat ho..susunod ho ako doon" magalang kong saad sa loob. Narinig kong ala ng tao sa labas kaya lumabas na din ako sa silid ng aking kapatid.. oH kapatid kong Aya. ---- Akala ko ay maayos na ang lahat pero nakita ko na lamang ang aking ay handa ng makipag laban sa ibang bampirang nakapasok sa aming tahanan. "Isara ang b****a at tawagin ang lahat" bulong ko sa isang tagapag alaga sa akin at mabilis na umalis ito. "Ina, sino sila at anong ginagawa niyo?" tanong ko pero walang sumagot sa akin. "Isa akong PRINSESA sa inyong inaapakan ngunit alang sumasagot sa akin at mga wala kayong galang" saad ko at nagpalabas ng ipo ipo sa gitna ng mga bampira habang ang aking ina ay hinahayaan kong asa pwesto nito. "Mawalang galang na ho, mahal na prinsesa elizana. Ngunit bawal niyo hong ilabas ang kapangyarihan na meron kayo dahil isa lamang po itong laban." sabi ng asa taas. "Alam ko, at mali ang mga hindi magbigay galang sa inyong mas kinakataas." sagot ko kaya mabilis na yumuko ang ilan sa kanila. Wala na ang ipo ipong pinakawalaan ko dahil hinugop lahat iyon ng magaling kong kapatid. Sinamaan ko lamang ito ng tingin sa kabilang dulo ng pinto. Pasensya ate elizana ngunit mapapahamak ka pag hindi ko ginawa iyon. tumango ako sa kanya bilang tugon ko. "Nasaan ang unang taga pagsalita ng inyong trigo?" tanong ko at tinuro nito ang isang prinsipe. "Kagalang galang na makilala ka prinsesa. Ako si Prince Veren sa mundong MASCOW" yumuko ito sa akin bilang galang. "Ikinagagala kong makilala ka Prince Veren. Ako si Princess Elizana ang panganay na anak ng Hari at Reyna." sagot ko at tumango naman ito sa akin. Tumango ako sa ilan kaya bumalik na sa lahat at binigyan kaming pansin ni Prince Veren para pumunta sa itaas kung saan ang laban na magaganap. "Hindi maaring ituloy itong labanan ninyo dahil may mangyayaring hindi maganda....." sigaw ng kung sino at nakita ko si Yaya Nelyn na hinihingal pa. Isa siyang tao na taga alaga ni Princess Aya na kapatid ko. Ano ang kanyang ibig sabihin? "Ano ang iyong ibig sabihin" tanong ni Prince Veren Yumuko si Yaya Nelyn at tumingin naman sa akin. Binabasa ko ang kanyang asa isip at pinagbuksan niya ako. Bukas ang ikaunang inom ng dugo ni Princess Aya, Princess Elizana. tinakpan ko aking bibig at tumingin sa aking ina at ama. "Itinitigil ko ang labanan na mangyayari sa araw na ito!" saad kong bigla at lumabas na ng kwala. Mabilis kong hinanap si Oris ang ngunit hindi ko siya makita kahit saan. Nag tungo ako sa silid ng aking kapatid at nakita ko siya doon ng nakayuko. "Oris, may alam ka ba sa mangyayari bukas?" mabilis kong tanong pero hindi niya ako nililingon. "Princess Elizana....hindi natin maaring pigilan ang itinakda dahil maaring magkagulo ang buhay ng iyong kapatid" nakalapit na saad ni Yaya Nelyn. Tumingin ako sa kanya ng masama dahil ala pa sa ika desiotso ang aking kapatid ngunit bakit niya ito papainumin ng dugo. "Lumabas na ang pangil ng iyong kapatid, Princess Elizana at hindi namin ito mapigilan dahil maraming nakabantay na bampira sa lugar namin. Isang araw ay muntik ng makipag laban ang iyong kapatid ngumit hindi naituloy dahil alam ng mga bampirang nakaharap niya ang mangyayare pag wala sa tamang panahon ang pag inom ng kanyang unang dugo." paliwang nito sa akin pero umiiling lamang ako sa kanya. "Oris....lumabas ka ng Tyumen at ikaw ang magbigay ng gabay sa ating kapatid" utos ko sa kanya at tumango naman ito habang may bitbit na bote na lamang dugo. "Ikaw ang bahala kila Ama at Ina dahil maaring magkagulo dito sa loob ng palasyo habang ginagabayan ko ang atint kapatid sa unang pag inom ng dugo", paalala nito sa akin. "Mag iingat ka...kayo ng ating bunsong kapatid"* tumango ito bilang sagot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD