Aya's Pov
Umaga na at ramdam ko na ang pagiging mahina ng katawan ko. Hindi ko mapigilan ang pag amoy ng dugo ng tao, sinabi sa akin ni Prince na magkita kami mamayang hapon para mainom niya ako ng dugo ngunit kahit pag-tayo ay tumutumba ako.
"I-inay" tawag ko pero alam kong wala pa si Inay. Nagpaalam siya sa akin kahapon aalis siya at baka mamaya pa lang siya makauwi.
Hindi ko na kaya ang pagiging mahina ko kaya mabilis akong umalis ng bahay at tumakbo pagubat para makahanap ng kahit anong klase ng hayop na siyang iyon ang ang maiinom.
Asan ka, Princess Aya?.
tanong ng kung sinong pumasok sa isip ko
huwag kang iinom ng dugo ng tao dahil iba ang mangyayari sa iyo....hayop hayop ang hanapin mo at susundan kita
saad niyang muli kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa gubat at naghanap ng maigi.
hindi nagtagal ay may nakita akong Usa sa hindi kalayuan. Hindi ako nagdalawang isip tumakbo doon at hinuli.
Uhaw na uhaw ako sa dugo at ramdam ko ang pagkasabik ko dito.Naninibago ako sa katawan ko dahil ramdam ko ang mas dobleng lakas ko ngayong nakainom ako ng dugo.
"Aya? Aya, anong dugo ang iyong ininom?" tanong ng asa likod na ramdam kong kararating lang.
"Usa?" patanong kong saad sa kanya.
May kinuha siya sa loob ng bag niya at inaabot sa akin ang bote na may lamang dugo...naamoy ko
"Nag iiba na ang iyong kulay ng buhok...nagiging puti na ito" sabi niya kaya napatingin ako sa buhok ko habang umiinom sa bote na may lamang dugo ng hayop.
Nakita ko ang unti unti nitong pag iiba ng kulay ngunit hinahayaan ko lang dahil ang mas nag aagaw ng pansin ko ay ang pag iiba ng kulay ni Prince.
"Nanghihina ka ba?" tanong ko kaya ibinigay ko sa kanya ang bote na may laman pang dugo pero inayawan niya iyon.
"G-ganto ang m-nmngyari sa amin pag i-ika u-unang inom mo ng d-dugo!" utal utal niyang paliwanag sa akin kaya dinaluhan ko na siya.
Ang nasa isip ko ay kung ano ang mangyayari nasa ibang lugar na bampira dahil maga pa lang.
Hindi ko kontrolado ang mangyayari sa kanila ngunit mapipigilan ko ito pero paano?
Gusto kong umalis pero paano si Prince? Hindi ko kayang hindi siya tulungan, siya lamang ang nag iisang kong kaibigan.
"Maari mo ba akong tulungan, Aya?" tanong ni Prince kaya mabilis akong lumapit sa kanya na walang pagdadalawang isip.
"Gusto ko ng makita ang totoong magulang ko, Prince. Tulungan mo ako!" saad ko habang nakakapit sa kanyang braso
Komportabel ako sa kanya kaya kahit anong gawin at sabihin ko ay walang alinlangan.
"Delikado pa para tulungan kitang mahanap sila.... Sa susunod na pagbabalik ko dito ay iuuwi na kita sa magulang mo!" sabi niya at yinakap niya naman ako.
"Pag nahanap mo na sila ay bumalik ka na dito agad. Kuhanin mo na ako." sabi ko at tumango naman siya habang hinihimas ang aking kulay puting buhok.
"Kailangan ko ng umalis at hahanapin na ako sa amin. Padadalan kita lagi dito ng dugo ng hayop, iiwan ko iyon sa bintana ng iyonh kwarto.. mag iingay ka dito sa mundo ng mga tao." sabi niya kaya tumango naman ako at yinakap siya ng mahigpit.
Iniwan na niya ako dito sa gitna ng gubat. Mas matanda sa akin ng ilang taon si Prince, 10 na ako next month at si Prince naman ay 15 na.
----
Isang buwan ang nakalipas at sariwa pa din sa akin ang aalala na babalikan ako ni Prince pero kahit isang pagbubukas ng isip niya ay hindi ko mabasa. Wala siyang bakas na babalik pa ba ito, kahit ang dugo na kayang sinasabi ay hindi niya na naiidala dahil si nanay mismo ang nagbibigay sa akin ng dugo at kung minsan ay nanghuhuli ako sa gubat ng kahit anong hayop.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay wala pa ding Prince ang nagpapakita sa akin. Naghihirap na ako at kailangan ko na silang makita, kailangan ko na dugo, dugo ng bampirang normal na iniinom at hindi dugo ng hayop.
Sa taon na lumipas ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil ramdam ko ang pagtubo ng mga balahibo sa katawan ko at kulay puti ang mga ito.
Hindi ko na sinasabi kay nanay nelyn ang nangyayari dahil sa taon na lumipas ay may binabalak na ito sa akin. Nababasa ko ang kanyang asa utak at kahit sinong asa bahay namin minsan ay nababada ko din kahit malayo ako.
"Andito ang alaga ko. Hindi kayo maaring pumasok!" galit na bungad ni Inay sa tatlong babae at dalawang lalaki na kararating lang. Mga bagong mukha na naman ang nakikita ko
"Alam mo kung anong mangyayari sa mga anak mo at asawa pag hindi mo siya ibinigaya sa amin." sagot ng bampira habang may hinahanap sa loob ng bahay
"Alam ko kaya nga bigyan niyo ko ng tamang panahon at ako mismo ang magdadala kay Aya sa lugar niyo." sagot ni Inay
Ako ang kailangan nila pero nandadamay sila ng mga taong mga walang alam.
Bakit may anak na si Inay? Mga? Asawa? ang dami kong tanong pero alam kong hindi walang makakasagot sa akin kahit isa kundi ang sarili ko lang.
"Kailangan na ni Prince Pier ang dugo ng babaeng iyan para hindi siya mamatay" nanggagalaiting sabi ng isang bampirang lalaki pero parang wala lang kau inay iyon dahil kalmado lamang ang kanyang mukha at sarado din ang isip nito.
"Hindi pa nakakainom ng dugo ng tao si Aya, Uriela, kaya wag mong pangunahan at baka mamatay lang kaagad si Prince Pier pag kinuha niyo sa akin si Aya." sagot ni Inay na tawag niya ay Uriela.
Tumingin si Uriela sa mga kasamahan niya sabay tango. "Pasukin niyo at hanapin ang babaeng may tinataglay na kagalingan sa kanyang dugo" rinig kong utos ni Uriela sa mga kasamahan nito at tinabanan si Inay nelyn sa leeg.
"Uriela, wala dito ang babae." sabi ng lalaki habang nakalabas na ang pangil at red na ang mga mata nito.
"Hindi maaari iyon, Jole tayo ang papatayin ng panganay na anak ng hari pag hindi natin siya nakuha ngayon at naibigay sa kanila!" anak ng hari na panganay?
Si Jole ay bumalik sa loob ng bahay at rinig ko ang bawat pagbagsak ng gamit sa loob habang si Inay ay hirap ng huminga.
Lalabas na sana ako ng biglang dumating si Prince na galit na galit.
"Sinong nag utos sa inyo na pwede kayong pumasok sa lungga ko?" inis na tanong ni Prince kaya nabitawan ni Uriela si Inay habang sila Jole ay lumabas ng bahay na walang anumang oras ay susugod na kay Prince.
Prince sino sila, bakit andito sila at gusto akong kunin sa inyo. tanong ko at buti na lang bukas ang kanyang isip.
hindi ko sila kilala pero alam kong tauhan sila ng kabilang panig, tauhan ito ni Prince Nikolai . huwag kang lalabas habang andito sila sagot niya sa akin.
"Iyon siya, Uriela" sigaw bila ni Jole habang nakaturo sa akin.
Hindi nagdalawang isip si Inay na kuhanin ang kutsilyo at isinaksak iyon sa dalawang lalaki at si Prince naman ay itinusok kay Uriela ang hawak na kahoy habang ang dalawa ay tatakas na sana pero hindi sila hinayaan na makatakas at hindi nagdalawang isip na patayin ni Prince ang dalawang natitira.
"Itago mo siya, alam kong parating na ang tauhan ni King Irog at Prince Nikolai" saad ni inay kay Prince.
"Bakit may koneksyon ka sa kanila? Kailan pa?" tanong ni Prince.
"Hawak niya ang mga anak at asawa ko, matagal ng panahon kaya tulungan mong makatakas si Aya sa mga kamay nila" paliwanag ni Inay habang tumutulo na ang luha. "Kukuhanin nila si Aya para makuha ang dugo nito at mapainom sa bunsong anak ng Hari ng Mascow" tuloy pa nito sa akin.
"Ipapakuha ko ang anak at asawa mo sa kanila pero huwag mong sasabihin kahit kanino na ako ang tutulong sa iy---" hindi na natapos ni Prince ang sasabihin dahil pinutol ni Inay iyon.
"Malapit na sila...umalis na kayong dalawa" halos isigaw na ni Inay iyon kay Prince.
"Aya, tara na...mag iingat ka dito inay" bilin pa ni Prince. Umalis na kaming dalawa habang hawak niya ako sa kamay.