Chapter 5 Dugo ni Aya

1606 Words
Lakad takbo ang ginagawa namin ni Prince habang patungong kanluran at kami ay galing sa timog. Tingin lang ako ng tingin kay Prince dahil bakit takot sa kanya kanina sila Uriela na tinawag ni Inay. At bakit ibang panig si Inay? Ilang panig ba ang meron sa mundo ng bampira? Sa pangatlong ilog na aming napuntahan ay huminto na din kami dahil hinang hina na ako at uhaw na uhaw kung saan. "Inumin mo ito." sabay abot sa akin ng panibagong na naglalaman ng dugo. "Ikaunang inom mo ito nh dugo kaya nanghihina ka pa din. Kakaiba ang dugong meron ka, Aya hindi biro pag nakuha ka nila sa amin" dugtong ni Prince Nakatingin lang ako sa ilog habang malakas ang alon nito. "Sino ka ba talaga, Prince?" nagulat din ako sa nilabas ng aking bibig. "Si Prince Keron isang katiwala ng Amang hari sa Tyumen" sagot niya pero hindi ako naniniwala kaya tumingin lang ako sa kanya at tinanguan. "Alam kong hindi ka naniniwala...lakas talaga pang amoy mo!" nakangising saad njyang muli "Sino ka nga?" tanong kong muli at umlinh siya sa akin. "Hindi pa ito ang tamang oras para makilala mo ako, Aya. May tamang oras para makilala mo ako" sabi niya sa akin "Sabi mo, pag balik mong muli dito ay idadala mo na ako sa palasyo, anong nangyare bakit hindi pa tayo tumuloy sa Palasyo niyo?" tanong ko at doon nawala ang kanyang ngisi. "Pinabalik ako dito ng Prinsesa para tulungan ka. Hindi pa dapat ako babalik dito ngayon dahil may padiriwang pang nangyayare sa Palasyo....ngunit ipinatigil iyon ni Inay Nelyn dahil ito ang ikaunang pag inom mo ng dugo. Marahil merong namatay noong uminom ka ng dugo at meron ding hindi. Prinsesa ang nag pasya na babantayan kita dito hanggang sa maging maayos na ang lahat pero... parang iba ang mangyayari dahil nalaman na nang lahat na nakainom kana ng dugo at buhay ka" paliwang niya sa akin pero ayaw pumasok sa utak ko lahat ng sinasabi niya. "ge" sagot ko lamang kaya hinawakan niyang bigla ang ulo ko. "Sa susunod na araw ay ang iyong pag inom ng dugo ng tao....pero nakakapagtaka na puti ang kulay ng buhok na siyang para lamang sa mga lobo" eka ni Prince sa akin habang naka tingin sa malayo. "Baka lobo ako at bampira?" biro kong saad pero muntik na siyang madulas sa bato na kanyang inuupan. "H-hindi ka pa nakakakita ng lobo?" tanong niya sakin na halos mautal na kaya umiling lamang ako. "Sa libro lang ako nakakakita ng lobo dahil mahilig akong magbasa ng tungkol sa bampira at lobo" paliwanag ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Babalik ako ng palasyo ngunit maiiwan kita dito. Kailangan malaman ni In--- ...mahal na reyna ang tungkol sayo." sabi niya pero mabilis akong tumayo sa aking kinauupan. "Sasama na ako" nagmamakaawa kong sabi pero mabilis lamang siyang umiling sa akin. "Hindi maaari..magulo pa ang mundo natin sigurado akong hahanapin ka nila doon sa palasyo....Sa pagbalik kong muli ay isasama na kita pabalik ng palasyo!" saad niya pero umiling lamang ako sa kanya. "Gusto ko ng sumama, gusto ko ng makita ang magulang ko." sabi ko at ng may naramdam akong luha sa mga pisnge ko ay kusa niya iyon pinunasan ng kanyang mga kamay. "Gustong gusto ka na namin makasama sa palasyo, pero kaligtasan mo at ng lahat ang iniisip namin" tuloy pa din ang pagpatak ng mga luha ko habang siya naman ay pinupunasan iyon. "Ayokong may mangyari sayo, Aya hindi namin kakayanin at lalong lalo na ang iyong panganay na kapatid. Baka lahat ng may gustong kumuha sayo ay mapatay niya dahil sa galit." paliwanag nito at inakap na ako. "Ipangako mo sa akin na babalikan mo ako dito." tumango naman siya bilang tugon at hinalikan ako nito sa nuo. "Iiwan kita sa isang kaibigan ko at doon din kita babalikan bukas ng hapon." sabi niya at tumango naman ako. Si Prince ay parang kuya ko na din kaya wala akong kinakabahala sa kanya na ano man ang gagawin sa akin na masama. "Tara na at malayo pa ang bahay ng kaibigan ko...Isa din siyang bampira at alam niya din ang tungkol sa iyo kaya wala kang dapat ikabahala sa kanya" paliwanag niya habang papasok kami sa isang bah--- hindi ito bahay isa tong mansyon. "Wala bang lobo dito sa mansyon na to, Prince?" tanong ko at bigla naman siyang napahinto habang naglalakad kami. "Meron mga puti din ang buhok nila bilang patunay na isa silang lobo!" sabi niya kaya napatango tango ako. ---- "Akala ko ay hindi muna kami dadalawin dito, Prince Keron" saad ng isang babaeng puti ang buhok. Hindi ako lumalabas habang hindi ako tinatawag ni Prince. "Oh ayan naman pala ang boss natin." nakangiting saad ng lalaki at bampira naman ito. "anong pakay mo dito boss?" tinapik naman ni Prince ang balikat ng isa at nakipag apir sa iba. Ang dami pala nila? hati hati. "May kasama ko ang gulo niyo." natatawang saad ni Prince at tinawag na niya ako. "Halika dito, Aya." pinalapit niya ako doon. Naramdaman kong napahinto ang ilan ng banggitin niya ang pangalan ko. "A-aya...ang princesa?" tanong ng lobo "Ang bunsong anak ng hari at reyna ng Tyumen?" tanong ng isa pang babaeng lobo. "Ingay niyo...tara dito, aya at ipapakilala kita sa kanila" sabi niya at tuluyan na akong lumapit sa kanila. "Ahhhhhhhh" sigaw ko ng makalapit sa akin ang isang lobo dahil ramdam ko ang sakit "Anong nangyayari sa kanya, Prince Keron."* tanong ng isang bampira ay lumapit pa sakin para pigilan ang pagwawala ng katawan ko. "Ariela, lumayo kayong mga lobo kay Aya." sigaw ni Prince at sabay sabay na lumayo ang mga lobo. Kitang kita sa katawan ko ang pagbabago ng lumayo ang mga lobo sa akin. "D-dugo....d-dugo ni ariela ang k-kailangan ko", saad ko at nakita kong hinawakan ni Ariela ang kamay ng kung sinong lobo. "I-isa sa k-kanila ang kailangan ko...M-maawa k-kayo sa akin"* saad ko habang nakaluhod na at hindi na kinakaya ang sakit na ramdam ng katawan. "Maari niyo bang tulungan si Aya?" tsnong nk Prince at nakita kong tumango ang isang lobo. Nagkatinginan pa ang mga lobo habang lumalapit sa akin ang isang lobong kauri nila. "Isa siyang bampira ngunit bakit dugo ng lobo ang gusto niya?" rinig kong tanong ng isang bampira sa hindi kalayuan. "Nagtataka din ako dahil puti ang kanyang buhok ngunit may pangil siya at amoy ko ang masarap niyang dugo"* sabi ni Ariela habang nakatingin sa akin. Nakalapit sa akin ang isang lobo at hindi nagdalawang isip na kagatin ang kanyang leeg na parang uhaw na uhaw sa dugo ng lobo. "Nag iiba ang kulay ng mata niya, Prince Keron" sasd ng isang bampira. "Hayaan niyo muna siya. Kakausapin natin sila mamaya" sabi ng isang matandang kulay puti ang buhok lobo din Lumipas ang isang oras ay maayos na ang kalagayan ko at hindi na ito kagaya ng kanina na pag may lumapiy sa aking lobo ay handa ko na silang patayin. Ang lalaking tinulungan ako kanina ay akala ko mamatay din ngunit hindi dahil maayos din ang kalagayan niya katulad ko. -- "Prince Keron, tinatawag ka ni ama" eka ng isang lobo na si Ariela tumango lamang siya at sumunod na. "Maayos na ba talaga ang lagay mo, Prinsesa Aya?" tumango naman ako. "Ako pala si Aminana, ang iyong katabi ay si kuya obro ang isa ay ang asawa niyang si ate Egre." papakilala niya sa mga kasamahan niya. "Maayos na ako. Salamat sa inyo" pagpapasalamat ko at ngumiti lamang sila sa akin. "Maarami mong hindi sagutin ang tanong ko pero kung gusto mo naman sagutin ay mas mabuti iyon.....Isa kang bampira diba?" tumango naman ako kay Aminana "At isa ka din bang lobo?" umiling naman akp sa kanya " pero bakit puti ang buhok mo kagaya ng mga lobo?" nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Unang inom ko ng dugo noong isang araw, dugo ng hayop ang ininom ko pero habang paubos ang iniinom kong dugo ay iyon din ang pagbabago ng kulay ng buhok ko na naging puti" paliwanag ko sa kanila na halaya mong nagugulahan. "Si Prince ang makakasagot sa inyo baka pag siya ang nagpaliwang sa inyo ay makuha niyo ng matino" dugtong ni Ariela . "Wag ang dugo ko, Aya. Nararamdam kong gusto mong inumin ito" biro niya ngunit nag iba ang ihip sa akin Ang itim kong mata ay bigla itong naging pula at ang aking pangil ay handa ng kuhanin si Ariela at patayin. "Ito naman hindi mabiro....hehehe" rinig ko at doon lamang naramdaman na nagbago ng paunti unti ang kulay ng mata ko at nagtatago na muli ang mga pangil na lumabas kanina. Inilapit ni Ariela ang kanyang sarili sa akin at bigla ko na lamang inamoy ang kanyang dugo sa bandang leeg at hindi nag alinlangan na kagatin iyon. "Ayaa. tama na yan" biglaang saad ni Prince na sa gitna pa lamang ng hagdan. Sinamaan ko siya ng tingin at gumanti naman ito sa akin. dahil talo ay ay inirapan ko na lang ito. "Hindi na kita iiwan dito, Aya. Kailangan na kitang ibalik sa palasyo para sa mas kaligtasan mo....." napangiti ako dahil doon."Uuwi na ako sa amin....uuwi na tayo sa atin", baling naman nito sa mga kasama namin sa loob ng mansyon. "Uuwi na din kami. Ala na kaming gagawin dito sa mundo ng tao at nasa iyo na din naman si Aya" nakangiting saad ni Ariela. "Uuwi na tayo kung saan dapat tayo asan, Aya." sabi ni Prince sa akin at inakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ako sa aking noo at hinimas ang aking puting buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD