Prince Keron's Pov
Pagkatapos ng nangyare kanina ay alam kong kakausapin ako ni Ama....ang ama ng mga kaibigan kong lobo
Tinawag ako ni Ariela dahil kakausapin daw ako ni Ama.
"Maupo ka, Prince Keron", saad niya habang may hawak ng libro.
"Anong maiipaglingkod ko sa inyo, Ama?" tanong ko sa kanya.
Tumayo siya sa kanyang inuupuan at lumipat sa katapat ko. "Ayokong magpaligoy ligoy pa, Prince Keron...delikado si Prinsesa Aya sa mundo ng mga tao. Hindi magtatagal ay maamoy siyang lalo ng mga bampirang gustong kumuha sa kanya" paliwanag nito sa akin.
"Ano pong gagawin ko, Ama. Hindi pa maaring bumalik si Aya sa ating lugar sa Tyumen dahil marami pang bampira ang andoon na siyang gustong kumuha sa kanya." saad ko sa kanya.
"Dalawang araw at maaamoy na siya ng ibang bampira lalo na ang mga taga Mascow. Nakainom na siya ng dugo ng lobo, hindi ba?" tumango naman ako.
"Bakit puti ang kulay ng buhok ni Aya?" tanong ko sa kanya at buntong hininga naman ang isinagot niya sa akin.
"Isang bampirang lobo si Aya. Kagaya siya ng iyong Lola noong nabubuhay pa ito. Kagaya ng iyong lola ay madaming gustong kumuha sa kanya....Itinago siya ng kanyang asawa na lobo ngunit pinatay ang lobo dahil iniligtas niya ang kanyang asawa.", kwento ni Ama "Pagkatapos patayin ng asawa nito ay nirape siya ng bampira....ang hari ng Ruebes dahil sa kasalanan na iyon ay pinugutan ang hari ng ruebes, hindi inaasahan na may bunga ang pagkagahasa sa kanya at doon ang iyong ama." kwrntong muli nito sa akin.
"Ibabalik ko na ang kapatid ko sa Tyumen hanggang maaga pa. Ayokong maranasan ni Aya ang naranasan ang aming lola." sabi ko at tumango ito.
"Sasama na kami pabalik sa Tyumen at nag aantay na ang aming pamilya sa pagbalik." sabi niya at ngumito naman ako.
",Wag kang mabahala sa pagbalik dahil hindi nila mapapansin si Aya at sa madaming taon ay umalis si Ariela na buntis doon ngunit namatay ang kanyang nasa sinapupunan niya at ang aakalain ng iba ay si Aya ang anak nito. kaya wag kang mabahala sa kanya." nawala na ang kabang kanina pang bumabalot sa aking katawan.
"Salamat, Ama hindi ko alam kung anong gagawin kung wala kayo dito.", saad ko at humingi ng pasasalamat.
"Ibabalik lamang namin ang ginawa ang magulang mo sa amin, Prince Keron." sabi niya ng naka ngiti.
Bumababa kami ni Ama at sinabi ang balak sa kanila na babalik na kami mamayang gabi sa Tyumen. Kahit alam kong maiibalik ko si Aya sa aming lugar ay may kaba pa din akong nararamdaman dahil alam kong maraming bampira ang asa labas ng tyumen at nagbabantay sa pagbabalik ni Aya.
"Sa pangatlong b****a tayo dadaan mamayang gabi." sabi ni ama "Ariela, Prince Keron, Prinsesa Aya at ang iyong asawa ariela ang sa pangatlong b****a. Hindi nalalayo ang edad ni Aya sa iyong anak na nasa kabilang buhay na. Hindi nila mapapansin ang na siya si Aya iibahin mo ang iyong pagtawag kay Aya at ipangalan mo muna ang iyony anak sa kanya" napatingin ako kay Aya at Ariela na nagkatinginan at tumango naman si Ariela habang nakangiti.
"At kami ang sa pangalawang b****a. Sabay sabay tayong aalis dito at sabay sabay din tayong darating doon." sabi ni Ama at sumagot kaming lahat kay Ama pero si Aya mahahalata mong nanghihina na naman.
Lumapit akong mabuti kay Aya at tinignan ko ang kalagayan niya. "Gusto mong dugo ng....?" tanong ko at sinagot niya lang sa utak ko.
Dugo ng tao...hindi na kaya ng katawan dugo ng tao ang kailangan ko
"Hindi pa maari, Aya. Kailangan mo munang makarating sa Tyumen para hindi ka mapahamak." paliwanag ko pero nakita ko ang pag iiba ng kanyang katawan.
Unti unti itong naging batang lobo sa hindi inaasahan na pagkakataon.
"L-lobo ka?" sabay sabay na tanong ng mga lobo at bampirang kaibigan ko
Ako na sana ang sasagot sa kanila ng biglang may kumatok sa pinto sa sala.
Nakita kong mabilis na nagtago si Aya sa likod ni Ariela na akala mong iyon ang ina niya.
Nag uusap sila ni Aya ngunit hindi maitindihan dahil lobo sa lobo lamang ang nagkakaintindihan dahil meron silang lengwaheng sarili pag sila ay nag aanyong lobo.
Bubuksan na sana ni Ate Egre ang pinto ngunit sumenyas si Ariela na huwag lalapit sa pinto .
"Bakit, Ariela? Aya, anong nangyayare?" tanong ni Ama dahil hindi niya napansin kanina na nag uusap si Aya at Ariela.
"Huwag daw bubuksan ang pinto. Ibang bampira daw iyan at naamoy niya yunh gustong kumuha sa kanya doon sa bahay ng Inay Nelyn niya" paliwanag ni Ariela sa amin.
Tumingin ako kay Aya na ngayon ay nakahiga na sa lapag at nagpapagulong gulong na akala mong aso.
Napabalikwas ako sa upuan dahil naamoy kong may mapapalapit sa aming tao...si aya lagot.
"Ariela, dalin niyo si Aya sa itaas may taong kasama ang mga asa labas." utos ko kay Ariela at tumango naman ito.
Nag usap si Ariela at Aya habang nakahiga pa din si Aya sa lapag at si Ariela naman ay inaamo si Aya.
Hindi ko na sila napansin na papaakyat dahil alam kong malakas ang pang amoy ni Aya.
Tumigil ang katok kaya lumingon ako sa hagdan at hindi ko na nakita si Aya at Ariela.
"Ama anong gagawin natin?" tanong ko kay ama dahul siya ang mas nakakaalam.
"Kayong mga bampira ang haharap ngunit hindi ka maaring makita ng ibang bampira, Prince Keron." sabi ni Ama at tumango naman ako.
"Aminana kung ano ang gusto nila ay sabihin mo agad sa akinh isip." saad ko at tumango naman ito sa akin.
"Pumunta kayo sa yero at hindi naman kayo makikita doon o maamoy." si ama ang pinaka matalinong lobo at may kakayahan din ito sa experemento.
Pare parehas kaming pumuntang mga lobo sa yero at nakita ko si Aya na may kausap na isang bampira sa bintana.
Lalapitan ko sana ito ng makita ko si Ariela na nagtatago sa likod ng cabinet at kita ang kanyang buhok.
huwag kang lalapit. may kasama siyang isang lobo na halos kasing edad ko kaya hayaan mo kong makipag usap sa kanya.
Saad ni Aya sa aking isip kaya hinayaan ko na, ngunit nakatingin pa din ako sa kanya habang nasa yero atbsiya ay nasa pangalawang palapag ng bahay.
Wala akong naririnig sa ikaunang palapag ng bahay. Lalabas na sana ako ng nakita ko si Inay Nelyn na hawak ng isang bampira.
Aya...hawak ng ibang bampira si Inay Nelyn.
akala ko ay hindi ako makakapasok sa kanyang isip ngnuti naka pasok pa din ako kahit busy siyang makipag usap.
Alam ko. Kausap ko ang anak ni Ariela at kanyang kaibigang bampira..... hindi patay si Aeina
gulat akong lumingon doon. at kitang kita ko ang pagkakahawig ni Ariela kay Aeina.
"Buhay ang anak ni Ariela." balita ko sa mga kasamahan ko dito sa yero habang naka upo
"Kausap siya ni Aya, diba?" tanong ng isa at tumango ako
Nililinlang siya ng anak ni ariela at alam niya iyon pero hinahayaan niya lang.
"Lumabas kayo at tulungan niyo si Ama sa baba" sigaw ni Aya sa aking isip kaya napatalon ako doon.
"Bakit...may mangyayare ba?" tanong nilang muli kaya tumango na ako.
Sabay sabay kaming bumababa at nakita namin si Ama na nahihirap ng huminga habang sila Ate egre ay hawak ng ilang bampira.
"Sasama na ako sa inyo.. bitawan niyo na sila" gulat na gulat ako dahil sa nagsalita sa aking likod.
"A-aya...hindi maari" sabi ko pero tumango lamang siya sa akin.
Kakausapin ko sana siya ngunit naka sara ang kanyang isip.
"Nasa taas si Ariela at si Aya. puntahan mo sila kasama niya ang aking kaibigan. Hueag mo silang pababayaan." bulong ni Aya sa akin pero... si aya? ada itaas eh siya ang bumulong sa akin?
sino kabang talaga? pero hindi ko.mapasok ang kanyang utak kaya wala akong magawa kundi tulungan si ama na tumayo.