Huling Kabanata : Sekreto
*****
Ilang buwan na ang lumipas ngunit sa mga dumaan na buwan na iyon ay hindi tumigil si Aimunn sa pag hahanap sa nawawalang nanay ni Keevah, at walang lumipas na araw sa mga buwan na iyon na hindi siya bumisita sa bahay ng dalaga upang mag hatid ng pagkain at makausap si Keevah.
Hindi na siya madalas makipagtalik sa mga babae, naubos ang oras niya kay Keevah na ilang buwan na lang ay gagraduate na sa kolehiyo. At isa lang naman ang hiling niya, ang makita at makasama ang kanyang nanay na ilang taon ng nawawala.
*****
Sa pagsasaliksik napag-alaman ni Aimunn na naging ka tulong nila dati ang nanay ni Keevah, kaya araw-araw siyang pumupunta sa opisina at kwarto ng tatay niya upang maghanap ng impormasyon na magtutukoy kung nasaan ang nanay ng dalaga.
At sa kanyang paghahanap nakita ni Aimunn ang mga lukot-lukot na papel kung saan nakasulat ang tulang ginawa niya para sa tatay niya noong bata pa siya, ang mga lumang papel na iyon ay nakalagay sa isang maliit at matibay na kahon. Yun ang mga tulang sinusulat ni Aimunn tuwing Father's Day ngunit hindi niya naman naibibigay sa tatay niya dahil sa takot, kaya naman ay binibilog na niya lang ito at tinatapon mula sa bintana at kung minsan sa basurahan. Hindi niya alam na nakuha at nabasa pala ito ng kanyang ama.
Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na nakahanap siya ng isang dokumento, ngunit natigilan ang binata, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Isang death certificate na nagsasabing patay na ang kanyang hinahanap. Naging sobrang lungkot ng mukha ni Aimunn naalala niyang lahat ang mga sinabi ni Keevah tungkol sa kanyang ina...
".... Nagsusumikap lang ako kasi gusto ko pag balik ng nanay ko ay nakapag tapos na ako ng kolehiyo at successful na..."
"... Hindi pa patay ang nanay ko, nawawala lang siya. At alam ko babalik rin siya."
"Wala akong ibang hiniling sa buong buhay ko kundi ang makita siya."
Napahaplos na lang ng mukha ang binata, dahil ang paghahanap niya pala ng Ilang buwan ay magdadala ng pinakamasamang balita kay Keevah, ang balitang siguradong guguho sakanya kahit gaano pa siya kasaya.
Kahit nalaman niya na ang totoo ay hindi niya muna ito sinabi sa dalaga, ayaw niya itong maging malungkot sa araw ng graduation niya. Kaya isinekreto na niya muna ang lahat.
Gusto niyang kausapin ang kanyang ama upang malaman kung totoo ba talaga 'yon, ngunit naisip niya na hindi naman siya papansin nito.
****(Days passed by) ***
"Aimunn..." tawag ng isang di kilalang boses habang siya' y nasa loob ng kwarto nakahiga at nagpapahinga.
Paglingon ni Aimunn ay nakita niya ang kanyang ama, yun ang unang pagkakataon na tinawag siya ng daddy niya sa kanyang pangalan at yun din ang unang pagkakataon na pumasok ito sa kanyang kwarto.
Sobrang galak ang naramdaman ng puso ng binata, hindi siya makapaniwala akala niya'y panaginip lang ang lahat, kaya mula sa pagkakahiga ay umupo siya at sinampal niya ang kanyang sarili.
"ta... DAD?" Di niya rin alam kung anong itatawag sa ama niya dahil iyon palang ang unang pag-uusap nilang dalawa.
Kita ng kanyang ama ang napakaraming larawan niya na nakadisplay sa kwarto ng binata. Kaya napangiti na lang ito. Walang ibang nilagay na larawan si Aimunn sa kwarto niya kundi larawan lang ng tatay niya. Ganun niya kamahal ang kanyang ama kahit ni isang beses ay hindi siya kinausap nito....
Umupo ang kanyang tatay sa tabi niya.
"I know you already saw it."
"Who killed our maid dad?" tanong agad ni Aimunn dahil iyon ang matagal na niyang gustong malaman.
Tumingin ng deretso sa mga mata niya ang kanyang ama.
"You killed her when you were just a kid."
Si Aimunn ay parang nabasag na salamin, hindi niya lubos akalain na matagal niya na palang winasak ang pangarap ni Keevah.
"Paano, I am just a kid." you can hear Aimunn's voice echoing with incomparable sadness.
*****
Short Flashback (1994)
Sa loob ng kwarto ni Aimunn.
"Don't leave me alone. Yaya please."
Takot na takot ang bata sa dilim at dahil wala na naman siyang kasama pag-umalis ang kanyang Yaya. Wala naman kasi siyang ibang kausap at kalaro kundi ang kanyang katulong.
"No Aimunn, you're a big boy already. I have to be with my kids also. They are waiting for me. " sagot ng Yaya niya.
"No! I want you beside me!" pagalit na sigaw ng bata habang may hawak pang laruan at sumisinok dahil sa pag-iyak.
Nag lakad na papalabas ang kanilang katulong ngunit bago ito makalabas ng pinto ay tumakbo si Aimunn at itinulak ito ng buong lakas kaya naman ay natumba ang matanda at nabagok ang ulo sa matulis na parte ng isang mesa na malapit sa pinto.
Umagos ang dugo mula sa ulo ng matanda subalit si Aimunn ay tuwang-tuwang nag lalaro katabi ang bangkay ng kanyang tagapag-alaga.
Kapag ni lalayo ang bangkay kay Aimunn ay walang tigil ito sa pag-iyak. Kaya Kahit matulog ay katabi niya pa rin ang malamig na katawan ng kanyang yaya. Panatag ang loob ni Aimunn hanggat nakikita niya ang mukha ng katulong nila na kasama pa rin niya kahit binawian na ng buhay.
***End of Flashback****
"Ginawan na lang namin ng paraan upang itago ang kanyang pagkamatay. At ang bangkay niya ay nasa underground din, natatabunan na ng mga katawan ng babaeng dinadala mo rin dito at di inaasahang mapatay." his father told him seriously.
"You know all of that Dad? I thought you never give a f*****g care about me."
"Yung engineer at interior designer ay kinausap din ako tungkol sa pinagawa mo dito sa bahay. I know everything son, lahat ng mga ginagawa mo nakabantay ako." sabi ng kanyang ama at umakbay ito sa likod niya.
"Pero bakit ngayon ka lang nakipag-usap saken? More than 25 years I have been longing to just have even a minute of conversation with you. But you didn't." Aimunn asked out of curiosity, he felt something he never felt before and it was because of his father's touch.
"Sa araw-araw na nakikita kita naaalala ko ang nanay mo. Naaalala ko ang pagmamahalan naming isinumpa ng ating pamilya kaya sobrang sakit. Gusto kong makalimot, gusto kong maibsan ang sakit." pagpapaliwanag ng kanyang ama.
"Please tell me about my mom. I never heard of her since I was a child. Did I kill her too? " pakiusap ni Aimunn sa kanyang ama.
His dad take a deep prolong sigh.
"We separate ways and even now I don't heard anything from her. But I know she's still alive."
"Dad, kwento ka sakin tungkol sa kanya. I want to know something about my mother." Aimunn requested again.
" Lagi kami magkasama, lagi kami magkasabay matulog at kumain kahit nong mga bata pa lang kami. Mahilig din siyang magsulat kagaya mo. Lagi siyang masaya, malimit mo siyang makikitang malungkot. " kwento ng kanyang ama, si Aimunn ay seryosong nakikinig sa kanya, yun din ang unang pagkakataon na may nag kwento tungkol sakanyang ina.
" Tell me more, how do you met her? "
"This will be the stupidest thing you will hear in your entire life... MAG KAPATID kami ng nanay mo." tumigil ang paghinga ni Aimunn ng mga ilang segundo. "Nong malaman ng aming mga magulang ang aming relasyon ay pinalayas nila kaming dalawa. Hanggang sa lumipas ang mga taon ay nabuo ka namin dahil sa pagmamahalang pinaglaban at hindi namin ikinahiya. Pero pagkapanganak niya sayo ay umalis na lang siya at hindi ko alam ang rason ng paglisan niya."
Aimunn was really surprised hearing the story coming from his father, cause for him it's almost unbelievable.
"Aimunn, sobrang nag mana ka sa nanay mo pati talent niya nakuha mo. Pero pagdating sa libog sa akin mo ata namana yan." nakangiting pagkakasabi ng kanyang ama.
"Dad?..."
"hahahahahaha" tumawa na lang ang kanyang ama, at sumabay na rin si Aimunn sa pag tawa. Naging mas malalim at naging mas masaya pa ang pag-uusap nilang mag-ama.
Bago umalis sa kanyang kwarto ay niyakap siya ng mahigpit ng kanyang ama, that was the first time Aimunn felt that he is loved, that was the first time his heart rested, calmed and at peace. Walang mapag lagyan ang tuwa at galak na nararamdaman ng puso ni Aimunn.
Buong buhay ni Aimunn hinanap niya ang kanyang kaligayahan sa droga at mga babae.
Ngunit hindi pala babae ang magdadala sa kanya patungo sa kung anong inaasam ng kanyang puso. Hindi pala yakap ng babae ang magpapa saya sakanya kundi yakap ng isang lalaki--yakap ng isang lalaking matagal niya ng gustong makausap - - - ang pagmamahal ng kanyang ama na matagal niya ng pangarap.
********
Author's Note:
This is the last chapter pero meron po itong epilogue, alam kong medyo bitin ang chapter na 'to. Wait for 3 days I will upload the last part. Thanks po sa pagbabasa.
Vote. Comment. And Share.