Chapter 2

1377 Words
"HELLO 'Be! Mukhang nakasimangot ka na naman!" Mabilis ang naging paglingon ni Maxene sa kanilang gate. She widened her eyes as if surprised with Daniel's presence, gayong ang totoo'y kanina pa niya hinihintay ang lalaki. "Be na naman? I'm not a baby anymore!" kunwa'y maktol niya. Ang akala niya'y nalimot na nitong tawagin siya sa ganoong paraan. It had been three days since he stopped calling her such name. Bilang na bilang niya. Tatlong araw na rin siyang nalulungkot at nami-miss na tawagin nito sa ganoong paraan. Kung hindi kasi matunog na Max ay Be ang tawag nito sa kanya. Baby daw kasi ang tawag sa kanya ni Yaya Metring at ng kanyang papa kaya nakikigaya lang ito. Kung minsan naman ay Kitty siya para dito. Kahit tunog pusa ay ayos lang basta ito ang tatawag ng ganoon sa kanya. "Nag-college ka lang, biglang hindi ka na baby? Bakit? May crush na ba ang baby na iyan?" He pinched her nose so she grabbed his hand. Tumawa lang ito. 'Stop laughing, you jerk...it's melting my heart...' "Wala po! Hindi uso sa akin ang crush-crush na iyan. Makapaghihintay naman ang tungkol sa mga ganyan." Inilayo niya ang tingin mula rito. He was really gorgeous. Asset nito ang mapupungay na mga matang sumasabay sa bawat pagngiti nito. "Good girl! So what are you doing here outside your house? Nag-jog ka ba?" Napayuko siya sa sarili. Obvious naman sa suot niya pero hindi siya puwedeng magsinungaling dito. He knew her very well; he knew exactly when she was telling the truth and when she was not. Sino ba ang maniniwalang nag-jog siya kahit pa sabihing naka-jogging pants, at rubber shoes siya gayong basang-basa pa ang buhok niya dahil halos katatapos lang niyang maligo. Hindi naman siya mahilig mag-jogging, sadyang gusto lang niyang makita si Daniel kaya gumagawa siya ng paraang mapalapit rito. "Be, it's already late. Kung ngayon ka pa lang lalabas, mainit na. Get inside, ipaghain mo na lang ako ng almusal." Kung bakit may bahagya siyang kilig na naramdaman sa sinabi nito ay hindi niya alam. He just called her 'Be' and she knew for a fact he meant 'baby.' Kahit pa iba ang level ng endearment na iyon para rito, still it was pleasant to her ears. Pakiwari niya ay sanlaksang paru-paro ang nagliliparan sa kanyang paligid. Ngayon naman ay nagre-request pa ito ng almusal. 'How sweet...' Humakbang na siya papasok pero halos wala sa sarili dahil ang kanyang buong sistema ay aware na aware sa braso ni Daniel na nakasampay na naman sa kanyang balikat. "Kuya, ang bigat ng braso mo, ano ba!" aniya na kunwari ay hindi maingat ang braso nito. "Sobra ka naman..." anitong tila biglang nagtampo. Napansin niya ang matiim nitong pagkakatitig. "O bakit?" naiilang niyang tanong. "Ano 'yan?" tanong nitong nakanguso sa kanya. Nahaplos niya ang sariling mukha. "Bakit?" "Ano ang nangyari diyan?" Napangiti ito nang buong kapilyuhan. "Alin ba?" Yumuko ito sa kanya at may kung ilang sandaling pinangapusan yata siya ng hininga. Titig na titig ito sa kanya habang siya naman ay hindi maiiwas ang sarili. Akala niya'y hahagkan siya nito. "For Pete's sake, may lipstick ka, Be!" Napaikot ang mga mata niya. Tiyak na bubuskahin na naman siya nito sa loob ng maghapong iyon. "Bakit? Masama bang mag-lipstick?" "No...but this early? At inakala ko pa namang sa clubhouse ka pupunta kanina." "Tama ang akala mo at tama rin ang nakikita mo. Naka-lipstick ako. So what? I'm already nineteen!" "May boyfriend ka na ba?" His voice suddenly became cold. Napailing siya sa ibig ipakahulugan niyon. He was now acting 'kuya' once again. "Wala." Muli itong umakbay sa kanya. "Be, isantabi mo muna ang mga boys, okay. Mag-aral ka muna. Makapaghihintay kami." "W-what?" "I mean, makapaghihintay kaming mga boys. Kailangang mag-aral muna kayong mga babae saka niyo na kami intindihin." Napabuntong-hininga siya. Kailan kaya nito mapapansin na hindi isang 'kuya' lang ang tingin niya rito? Kailan kaya ito magtatapon ng pansin sa kanya nang higit sa isang nakababatang kapatid? Inalis niya ang braso ni Daniel at saka kumawala rito. "I'll just prepare our breakfast. Kung anu-ano na naman ang mga sinasabi mo, Kuya Mouse." Tumawa lang si Daniel. Ilang sandali pa ay bumaba na rin ang kuya niya maging ang mga magulang at sabay-sabay na silang kumain kasama si Daniel. "Hijo, kumusta naman ang mga mama mo? Hindi kami nagkikita ni kumpare, kapwa busy sa mga negosyo," anang papa niya sa gitna ng almusal. "You're right, Tito. Busy sila ni Mama sa pag-ma-manage ng resort lalo at peak season ngayon." "That's good to hear, ha. Tingnan mo nga naman. Kailan lang ay pinaplano niyo pa lang ang pagpapatayo ng resort pero heto ngayon at stable na," saad naman ng kanyang mama. Inabot nito ang bandehado ng kanin at ibinigay sa kanya, pagkuwa'y sinenyasan siyang dulutan din ng kanin si Daniel – which she did wholeheartedly. "Thanks, Be," anitong nakangiti. Maging ang mga magulang niya ay sanay na rin sa tawag na iyon ni Daniel sa kanya. Parang balewala sa mga ito ang narinig. Napatingin siya kay Daniel nang yumukod ito upang abutin ang ulam pero sa halip na sa pinggan nito maglagay ay sa pinggan niya ito naglagay ng ulam. Iyon ay sa gitna ng pagkukuwento nito habang kumakain at ni hindi nakatingin sa kanya. Kahit busog na ay hindi niya pinigilan si Daniel. She liked what he was doing. Nakakataba ng puso. Nakakahaba ng bangs. Napangiti siya sa sarili. "Eat more, Max. Huwag kang pumaris sa mga kaedad mong sobra kung magpapayat. You're becoming thin, hindi bagay sa'yo," anitong nakangiti nang bumaling sa kanya. Napansin niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga magulang. Kasunod niyon ay ang pagtikhim ng Kuya Miguel niya. Nagbiro itong may pinagpapa-sexy-han daw siya. "Stop teasing me, Kuya! Wala akong pinagpapa-sexy-han, okay! Hindi ko na kailangan dahil sexy na ako!" "Wow-wow! That's the spirit!" Nakipag-high five pa si Daniel sa kuya niya na ikinainis niya. Talaga nga sigurong baby lang ang turing nito sa kanya. Isang batang nauuto at object ng pang-aasar. "Okay, fine! Sige na, aamin na 'ko! May crush na nga ako!" nabigla niyang sabi. Nagtagumpay naman siyang makuha ang atensiyon ng lahat dahil doon. "DALAGA na nga ang anak ko!" bulalas ng mama ni Maxene habang napapangiting napapailing naman ang papa niya. "Ma, paano naman tayo nakakasigurong sa lalaki nga nagkakagusto itong bunso natin? Paano kung sa kabaro niya pala?" sagot naman ng Kuya Miguel niya. "Kuya naman!" "Sa tingin ko ay hindi naman, Pare. Hindi naman niya kailangang mag-lipstick kung babae ang crush niya, 'di ba," sabad naman ni Daniel na yumuyugyog na ang balikat kapipigil ng tawa. "Stop teasing, you two!" asar na asar niyang sabi. "May crush na ako at lalaki siya okay! Lalaki siya, promise!" Gigil na gigil siya na halos madurog na ang mga ngipin niya sa sobrang paggigigil. Bigla ay natahimik ang lahat. Tumikhim si Daniel at saka nagsalita. "Kaklase mo ba?" Sinulyapan niya ito at nakita niyang salubong ang mga kilay ng lalaki. Gayon din ang reaction ng kuya niya while her father was cool. "Nope." "Schoolmate?" anang kuya niya. "Hindi rin." "Aba'y sino? Don't tell me you just met someone from f******k, Maxene! I'll definitely wring your neck." Bigla ay nagka-ideya siya. "Kuya Migs, what's wrong with that? f******k is f******k! Social networking site. Imposible bang doon ako makakilala ng lalaking magugustuhan ko?" "So sa sss nga?!" halos magkasabay na tanong ng dalawa. "Guys, cool down. Tinatakot ninyo ang dalaga ko." She looked at her mom with relief. Ang papa naman niya ay diretso lang sa pagkain, nakangiting pailing-iling. "Okay, fine. Hindi ko siya sa sss nakita. Magkakilala talaga kami in person. He's cute, funny and nice." "So he must be a rabbit," anang kanyang kapatid. Ngayon ay nagsisimula na itong tumawa habang si Daniel ay tila biglang nagseryoso. Ilang asaran pa ang namagitan sa kanilang magkapatid bago umawat si Daniel. "Enough, Pare. Sa tingin ko ay advantage naman ito sa part mo." He smiled and her heart sunk. Tila masaya pa ito sa ibinalita niya. "Kung in love na itong baby natin, that only means she won't guard you anymore. Malaya ka na, pare. Apir!" Tuwang-tuwa ito habang siya naman ay nagmamarakulyo sa inis. On the other hand, parang mas mabuti na nga din ang nangyari. Dahil doon ay hindi na siya mangangambang pag-isipan ng Kuya Miguel niya tungkol kay Daniel. Hindi na ito maghihinala sa kanya sa tuwing ginagabi siya ng paghihintay sa lalaki sa garden swing ng mama niya tuwing late na rin itong umuuwi. Ang problema, saan naman siya kukuha ngayon ng kanyang 'imaginary crush?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD