Chapter 3

1777 Words
KINABUKASAN ay bigo si Maxene na makita si Daniel. Maaga pa naman siyang gumising para abangan ang paglabas nito ng gate pero hindi niya ito nakita. Kanina pa siya pasimpleng sumusulyap-sulyap sa katapat na bahay pero walang palatandaang naroon ang lalaki. Naupo siya sa harap ng kanilang gate habang nakatanaw sa katapat na bahay. It was not usual. Palagi nang nag-mo-morning exercise sa clubhouse si Daniel. Kung hindi bola ay aso nito ang dala ng lalaki para ipasyal sa kabuuan ng subdivision. Maya-maya ay lumabas si Trina, ang kasambahay ng mga Fulgencio para maglabas ng basura. Tinawag niya ito at kinawayan. Saglit pa ay nasa harap na siya nito. "Good morning, Ma'am Maxene." "Hello! Bakit tahimik yata ang bahay? Wala si...wala ba sila?" "Nasa resort na po sina Ma'am at Sir, maaga na pong umaalis ang mga iyon mula nang pumasok ang buwan ng Enero." "I see." 'Si Sir Daniel mo, nasaan?' "Sige po, Ma'am, papasok na po ako—" "Saglit lang, Trina! Ah...nasaan si Kuya Dan?" tanong na niya nang hindi makatiis. "Ah, si Sir po? Hindi siya umuwi kagabi. Lumabas kasama noong Carmie at tumawag lang para magbilin sa parents niya." Bigla'y nginatngat ng selos ang puso niya. Kung ganoon ay tama pala ang hinala niyang hindi nga umuwi si Daniel nang nagdaang gabi. Her bed was actually positioned right beside the window where she could see Daniel's room. Doon ay nalalaman niya kung dumating na ito ng bahay o hindi. Kagabi ay nakatulog siyang yakap ang teddy bear na ibinigay nito nang nagdaan niyang birthday kaya nang maalimpungatan siya nang bandang madaling araw ay naisip niyang nalusutan lang siya nito. "So she was with Carmie the whole night," wala sa loob niyang sabi. "Yes, Ma'am. May kailangan pa po kayo? Tara muna sa loob, Ma'am. Mainit po dito." "Ah, hindi na." Tila siya natauhan. Ano ba itong pinaggagagawa niya? Baka makahalata pa si Trina sa pag-uusisa niya. "Sige, uuwi na ako. Salamat na lang." Buong maghapon niyang hinintay si Daniel pero hindi ito umuwi. Bukas ay araw na ng Lunes, tiyak na papasok na naman ito ng school at nangangahulugan iyon na mas malabo silang magkita. Magkalayo ang building nila kaya't madalang pa sa patak ng ulan na matiyambahan niyang makasalubong man lang ito sa campus. Dahil sa isiping iyon ay naging matamlay siya. Hindi niya nagawang kumain ng tanghalian at sa halip na i-enjoy ang araw na iyon ay nagkulong na lamang siya sa silid. Dagdag lungkot din sa kanya ang isiping kasama ni Daniel buong araw ang bago nitong girlfriend na si Carmie. Nang maisip si Carmie ay lalo na siyang na-depress. May pattern ang mga nagiging nobya ni Daniel – mestiza, sexy at moderna. Tila suntok sa buwan ang pangangarap niyang mapansin ng lalaki. Isang mahabang buntong-hininga ang pinawalan niya. Noon biglang bumukas ang pinto. Sumungaw doon si Daniel at kasabay niyon ay ang tila pagbayo ng kung ano sa dibdib niya. Bigla ang pagbaha ng tuwa sa dibdib niya. Masayang-masaya siyang makita ito. "Ano'ng ginagawa mo rito? Wala rito si Kuya," kunwa'y sabi niya sabay talikod. Nagkunwari siyang walang pakialam sa presence nito. Kung alam lang nitong kulang na lang ay dambahin niya ito sa sobrang tuwa. Maghapon niya itong na-miss pero dahil sumagi na naman sa isip niya si Carmie, nadaig ng hinanakit at panibugho ang tuwang nararamdaman niya. "Alam kong wala ang kuya mo. Magkasama kami nang puntahan siya ni Cindy at yayaing lumabas kanina." "Cindy again..." aniyang hindi pa rin humaharap dito. Naramdaman ni Maxene ang pagsasara ni Daniel ng pinto at maya-maya pa ay ang paglundo ng kama niyang hinihigaan. Napapikit siya. Gayunman ay hindi pa rin niya ito nililingon. "Pabayaan mo na ang kapatid mo, Be. Let him live his own life." Bigla siyang nanibago sa timbre ng boses nito. Hindi niya napigilan ang curiousity, bumangon siya at naupo sa tabi nito. Nakasandal naman ito sa headboard ng kanyang kama. Once again, she wanted to savour the moment of seeing him laying his back on her bed. Mamaya ay tiyak na yayakapin niya sa magdamag ang unan na sinasandalan nito. "May problema ba?" "Wala naman. I'm just bored." He closed his eyes and she was mesmerized. Kung puwede lang niyang abutin ang mukha nito, haplusin iyon nang buong pagmamahal. But could she do that without making her feelings obvious? Imposible. Bigla ay may ideyang biglang pumasok sa isip niya. "Bored. Ibig bang sabihin niyon ay nakipag-break na sa'yo si Carmie?" Nagdilat ito ng mga mata at saka tumingin sa kanya. "What?" "Di ba totoo naman? You just get bored everytime a woman dumps you." Napailing si Daniel pero may ngiti sa mga labi. "You seem to be very observant, Be. Puwede ka talagang guwardiya sibil." He winked at her and she blushed. Para maitago ang reaksiyong iyon ay mabilis niyang kinuha ang isang unan at saka inihampas dito. "Sobra ka talaga!" Inulit niya ang ginagawa at doon kumilos si Daniel para pigilan siya. Maagap nitong inilagay ang isang braso at iniyakap sa kanya. Inabot nito ang mga braso niya mula sa likuran. Sa ganoong paraan ay totoong nakayakap na rin ito sa kanya. "Bakit ka napipikon? Totoo naman, 'di ba? Teka nga, bakit pala nagkukulong ka dito? Sabi ni Yaya Metring ay hindi ka raw bumaba kanina para kumain. Ikaw ang may problema, 'no?" 'Tama ka. At ikaw ang problema ko...' "Wala. Ayoko lang talagang kumain. Wala akong gana eh." "Kung alam ko lang na hindi mo kakainin 'yung pinauwi kong kare-kare, hindi na sana ako nag-effort na bumili noon kanina. Tsk, sayang lang ang gas ng kotse ko." Nandilat ang mga mata niya sa narinig. "Nag-uwi ka ng kare-kare para sa akin?" "Oo. 'Di ba favorite mo iyon? Alam kong hindi masarap magluto noon si Yaya kaya ibinili kita nang makita kong may kare-kare sa menu ng school canteen kanina. Tapos, hindi mo naman pala—" "Yaya! Yaya!" sigaw niya. Napatayo pa siya sa kama sa pagkabigla sa narinig. "Hey, what are you doing?" "Hindi sinabi ni Yaya na nagpadala ka ng food, Kuya!" maktol niya. "Kung alam ko lang na may kare-kare, e 'di kumain ako!" Hinayang na hinayang siya. Natampal niya ang sariling noo nang maalalang naka-earphones siya kaninang kumakatok si Yaya Metring. Kaya pala parang marami itong sinasabi kanina. "Pabayaan mo na. Next time, uuwian ulit kita." Hinatak nito ang kamay niya kaya muli siyang napaupo pasandal na naman sa katawan nito. Aayusin sana niya ang pagkakaupo pero naramdaman niya ang pag-akbay ni Daniel. "Sa susunod kasi, never skip your meals, okay." Parang batang tumango naman siya. Hindi niya ito magawang tingnan kaya itinutok na lang niya ang paningin sa unan na nasa kanyang kandungan. Narinig niya ang paghugot ng marahas na paghinga ni Daniel kaya napatingin siya rito. "Asthma?" "Nah, I don't have that. Ikaw ang meron, remember." Pinindot nito ang tungki ng kanyang ilong habang ang isang braso ay nakaakbay pa rin sa kanya. "Ano ba talaga ang problema? Bakit ang weird mo ngayon?" Sinikap niya itong lingunin at noon niya nalanghap ang alcohol sa katawan nito. "Nakainom ka pala?" "Kaunti lang. Ni hindi mo nga napansin, 'di ba..." 'Ang bango mo kasi...' "Ha?" "Anong ha?" "You just said mabango ako." "Hello!" Kinatok niya ito nang marahan sa ulo. "Lasing ka na nga yata. Ano'ng mabango sa amoy ng alcohol, 'no!" Natahimik ito at siya naman ay napahugot ng malalim na paghinga. Muntik na siya doon. "Ano ba kasi'ng problema bukod sa pagiging bored mo?" "Napapagod na ako, Be. I'd like to finally meet someone...someone who would completely change my life...after Celine." Bigla mang kinabahan ay sinikap niya iyong paglabanan. Sa dami ng mga ganitong situwasyon sa pagitan nila ni Daniel, marahil ay nagawa na niyang makasanayan ang mga iyon. Ang magmaang-maangan, ang magkunwaring hindi nasasaktan. Mahirap pero kinakaya niya. "So siya pa rin pala...after all these years." Pakiwari ni Maxene ay nananakit ang lalamunan niya sa pagbigkas ng tanong na iyon. May ideya kaya ito kung gaano siya nasasaktan ngayon? Celine was Daniel's first girlfriend. Magkaklase mula high school ang dalawa pero pakatapos ng kolehiyo ay ipinadala ito ng mga magulang sa Canada para doon pag-aralin. Mula noon ay hindi na niya nakitang nagseryoso sa panliligaw si Daniel. Ang sabi ng Kuya Miguel niya ay talagang minahal ni Daniel ang babae at nasaktan ito nang sobra sa walang paalam nitong pag-alis. Ang sabi pa ng kuya niya, hindi iilang beses na nagtangkang makipag-usap ang babae kay Daniel pero hindi ito pinagbigyan ng binata. Siguro ay ganoon ito labis na nasaktan. "You're not listening, Kitty. Ang sabi ko, gusto ko nang makakita ng babaeng mamahalin after her. I loved her, all right. Past tense." Kahit paano'y napangiti na rin siya sa naging sagot nito. Nakasilip siya ng bahagyang pag-asa. "Open your heart. Maraming mga babae diyan sa tabi-tabi. I mean, pumili ka naman ng matino." "Marami nga pero...ewan ko ba, naguguluhan ako. There's Mae, she's pretty and a very loving person. There's also Kate...and Carmie." "Carmie...you were with her the whole night, right? Don't tell me..." Hindi natapos ni Maxene ang sasabihin nang biglang mapahugot ng malalim na paghinga si Daniel. "So siya ang problema mo?" "Sabi niya, samahan ko siya dahil may sakit siya so I decided to sleep over to take care of her pero dumating ang parents niya and—" "Nahuli kayo?" gulat na gulat niyang tanong. Nakompirma niya ang sagot ni Daniel nang saluhin nito ang ulo na tila may nagawang napakalaking pagkakamali. "So what happened? Don't tell me ipakakasal kayo ng parents ni Carmie tulad ng mga napapanood sa TV?" Nagkibit ito ng balikat. "Are you serious? Kanina lang ay naghahanap ka ng babaeng pakakasalan pero ngayon...ano ba talaga ang nangyayari?" Humugot itong muli ng malalim na paghinga bago nagawang sumagot. "Naisip ko lang, hindi ako darating sa ganitong situwasyon kung natuto akong magmahal nang totoo. I was so stupid to have taken advantage of her." "Ano ka ba? Hindi ba siya pa nga ang sumundo sa'yo sa bahay ninyo? Anong ikagi-guilty mo? Gusto niya rin ang nangyari and who knows baka pinlano pa niya! So what now? Are you planning to marry her?" He looked at her straight to the eyes. Pakiramdam niya'y may bombang nakahandang sumabog sa harap niya anumang sandali. "I don't have any plans to get married, Max...not in the near future, at least." "And so? What did you do?" "I lied to them. I told them I'm already engaged to someone else." "What? Lalo mong pinalala ang problema! At sino naman ang sinabi mong fiancée mo, si Kate?" "No." "Si Mae?" "No." "Then who?" "Si Max." "Si Ma—what? Ako ba 'yun?" "I'm sorry, Be. Wala akong maiturong iba na alam kong makakatulong sa akin except you. Kung si Mae at Kate, baka mas lumaki ang problema ko at baka tuluyan na nga akong makapag-asawa." Hindi niya agad magawang magsalita. Pakiwari niya ay nalulon niya ang dila sa ibinalitang iyon ni Daniel. "Be, are you all right?" tanong nito sabay untag sa braso niya. "Be..." "Why me?" tulala pa rin niyang tanong. "I'm sure you're gonna help me. You love me, don't you?" Lalo na siyang hindi nakaimik sa tanong na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD