“HI.” Mula sa binabasang libro ay dahan-dahang lumingon si Maxene sa pinto ng kanyang silid. She was right. Hindi pa siya binigo minsan man ng pandinig—it was Daniel, devilishly handsome, leaning on the door and smiling sheepishly like a boy. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kama at saka lumapit rito. Sinikap niyang ngumiti nang natural. “Can I come in?” tanong nito. Awtomatiko lumagay ang isang kamay sa kanyang dibdib, animo kakanta ng national anthem. “I don’t think so,” alanganin niyang sabi. “I hope you don’t mind…” “Yeah, yeah, of course not. Dinala ko lang naman ito para sa’yo.” Inilabas nito mula sa likuran ang tatlong mahahabang tangkay ng puting rosas. Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa paghanga sa mga iyon. Lon

