“NANDITO ka lang pala,” ani Maxene nang makita si Daniel sa coffee shop ng private resort ng pamilya nito. Tinawagan niya ang mommy nito upang dito itanong ang kinaroroonan ng anak ngunit hindi raw nito alam kung nasaan ang binata. Si Trina ay hindi rin niya napilit na magsalita, gayundin ang yaya at kuya niya. They all wanted to hide him from her at ipinagtataka niya iyon. Bahagya lang siyang tinapunan ng tingin ni Daniel at saka muling itinuon ang pansin sa kaharap nitong kape at magazine. “Sino’ng nagpapunta sa’yo rito?” malamig nitong tanong. “At aawayin mo kung sakaling meron man? Huwag kang mag-alala dahil tapat silang lahat sa’yo!” aniyang may himig ng galit. “Ano’ng kailangan mo?” Naghalo ang iritasyon at sakit sa kalooban niya sa reaksiyon nito

