NAKANGITING ibinaba ni Maxene ang hawak na cellphone. Awtomatiko siyang napatingin sa kanyang tagapag-alagang si Yaya Metring. “Mukhang masaya ang alaga ko, ah,” anitong malapad rin ang pagkakangiti. “Sobra, Yaya. Wala na akong mahihiling pa.” Lumakad siya patungo sa paanan ng kanyang kama at saka nagpatibuwal nang patalikod roon. Pagbagsak sa ibabaw ng kama ay agad niyang kinuha ang isang unan at saka itinakip sa kanyang mukha sabay tili ng ‘I love you, Daniel!’ Gayunman ay hindi pa rin nabawasan man lang ang kilig na nadarama niya. They’ve been on for almost two weeks already. Humingi si Daniel ng isang buwan sa kanya para ipaalam ang relasyon nila sa kanyang pamilya at pinagbigyan naman niya ito. Naiintindihan naman niyang hindi madaling gawin iyo

