Chapter 48

1570 Words

PAGKATAPOS na maligo ni Hedvig sa maliit na sapa at nagpalit ng damit, lumabas na siya ng kuweba para mag-training. Apat na taon siya noon nang isabak siya ni Agwena sa pagsasanay bilang isang Souron Warrior. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit araw-araw siyang na-e-excite na gumising. Gusto niyang maging mabuti at magiting na Souron Warrior balang araw, katulad ng kaniyang ina-inahan. Bagaman at kakaiba siya sa lahat kapag nagkataon. Dahil bukod sa walang Souron Warrior na lalaki, hindi rin siya espiritu na katulad ng mga ito. "Hedvig, halika! May ituturo ako sa'yo na bago," tawag sa kaniya ni Malena. Malapit na kaibigan at nagsisilbing kanang-kamay ni Agwena. Sabagay, lahat ng mga Souron Warriors ay magkakaibigan. Ni minsan ay hindi pa nakita o narinig ni Hedvig na nag-away ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD