Chapter 43

1466 Words

TUMIGIL sa pagsabay sa hangin si Noah nang maalala ang isa sa magagandang nakaraan nila ni Michelle. Nanakit ang kaniyang lalamunan kakapigil na huwag tuluyang umiyak. Animo'y pinipiga ang kaniyang puso sa tuwing sumasagi sa isip niya ang bawat sandaling magkasama sila. He really missed her. Dati, hindi niya masiyadong pinoproblema kapag nami-miss niya ang nobya. Dahil isang tawag lang niya rito sa cellphone, at narinig ang boses nito, napapawi na ang pangungulila niya. At kapag naman gusto ni Noah na makita si Michelle, tatakas lang siya sandali sa trabaho para silipin ito sa MnM pizza, nabubuo na ulit ang araw niya. Nawawala na kaagad ang pagka-miss niya rito. Kahit ilang araw man silang hindi magkita noon kapag bakasyon, hindi pa rin gaanong iniinda ni Noah ang pagka-miss niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD