Lumakas ang bulungan sa loob ng simbahan. Halos isang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring Tristan ang nagpapakita doon. Gusto nang maiyak ni Zeniah. Nilapitan siya ng kaniyang ina na si Selena at saka siya niyakap. "Anak...kalma ka lang...baka may inasikaso lang si Tristan..." mahinanong sambit ni Selena sabay haplos sa likod ng kaniyang anak. Nangingilid ang luha ni Zeniah at tila ba hindi na kayang pigilan pang maiyak. Mabigat ang kan'yang dibdib. Nawalang bigla ang saya at pananabik na kaniyang nararamdaman dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Tristan. "Mommy...nasaan na po kaya siya? Bakit wala pa rin siya? Kinakabahan po ako mommy. Baka may kung anong nangyari na sa kaniya o baka umatras siya sa kasal namin..." lumuluhang sabi ni Zeniah dahil hindi na niya napigilan pa ang k

