Mabagal ang ginawang hakbang ni Zeniah patungo sa silid kung nasaan ngayon si Tristan. At habang papalapit siya sa silid na iyon ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya na para bang ayaw niyang makita kung ano ang itsura ni Tristan ngayon. Ngunit gusto niyang malaman kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Marahan niyang pinihit ang door knob at saka binuksan ang pinto. Halos madurog ang puso ni Zeniah nang makita ang itsura ni Tristan. Marami itong sugat sa mukha na para bang natusok ito na ang bubog o kung anong matulis na bagay at may kung anu- anong nakatusok din sa braso nito at kamay. Rumagasa ang masaganang luha ni Zeniah. Hinawakan niya sa kamay si Tristan at saka hinalikan iyon. Awang- awa siya sa itsura ng lalaking mahal niya. Hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon na na

