Hindi alam ni Zeniah kung bakit gustong makipagkita sa kaniya ni Nathan. Wala kasi itong sinabi sa kaniya. Basta magkita lang daw sila. Bigla tuloy kinabahan si Zeniah sa isiping kung ano ang mahalagang bagay na sasabihin sa kaniya ni Nathan. Habang nasa byahe siya ay binabalot siya ng kaba. Rinig na rinig na nga niya ang t***k ng kaniyang puso dahil sa lakas nito. Nang makarating siya sa kaniyang pupuntahan, agad siyang bumaba ng sasakyan. Natanaw na niya si Nathan na nakaupo sa isang kainan na pagkikitaan nila. Humingang malalim si Zeniah at saka naglakad na patungo roon. "Nathan..." tawag ni Zeniah sa binata. Isang matipid na ngiti ang pinakawalan ni Nathah. Hindi niya alam ngunit nanginginig ang mga kalamnan niya. Naisip niya kasi kung ano ang magiging reaksyon ng tita Susana niya

