Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Zeniah dahil tuloy na tuloy na ang kasal nilang dalawa ni Tristan. Pumasok na siya sa loob ng silid kung saan nakahimlay si Tristan. Napangiti ito nang makita siya. Isang simpleng putting dress ang kaniyang suot ngunit napakaganda niya roon. Nakangiti silang magkatitigan ni Tristan. Habang ang kanilang mga magulang ay nakangiti rin dahil masaya ang mga ito para sa kanila. "Halika na, hija...magsisimula na tayo," sambit ng judge na naroon. Humingang malalim si Zeniah at saka naglakad palapit kay Tristan. Hinawakan niya ang kamat ni Tristan nang makalapit siya sa tabi nito. At saka nagsimula ng magsalita ang judge para sa kanilang simpleng kasal ngunit puno naman ng pagmamahal. Humigpit ang hawak nilang dalawa sa kamay dahil sa wakas, matutuloy na ang kasa

