Halos maibato na ni Nathan ang kaniyang cellphone dahil sa sobrang inis na kaniyang nararamdaman kay Susana. Mabuti na lang at napigilan niya ang kaniyang sarili dahil nasa cellphone na iyon ang ebidensya laban kay Susana. Malinaw ang kuha niya at rinig na rinig ang bawat palitan nila ng salita kaya naman talagang napakalakas ng ebidensyang ito laban kay Susana. Kaagad siyang nag- isip ng planong kaniyang gagawin. Kailngan nang mahuli ni Susana sa lalong madaling panahon kung saan hindi na ito makakatakas pa. Kaya naman kaagad niyang tinawagan si Zeniah dahil pupunta sa doon. "Okay sige... magpunta ka dito sa bahay. Maraming koneksyon si daddy ko sa mga pulis kung saan hindi masusuhulan ng babaeng 'yan," sambit ni Zeniah mula sa kabilang linya. "Mabuti naman kung ganoon. Sige na, pupunt

