Habang nasa byahe sina Zeniah at Nathan patungo sa lugar kung saan naroon si Susana, hindi maiwasang kabahan ni Zeniah. "Basta...ako ang bahala sa iyo, Zeniah. Galingan mo na lang sa pag- arte. Kapag alam kong nababaliw na 'yang si tita, papapuntahin ko na kaagad sila..." sambit ni Nathan habang nagmamaneho. "Oo sige. Salamat ng marami, Nathan. Sana matapos na talaga ang lahat ng ito para manahimik na rin 'yang tiyahin mo..." wika naman ni Zeniah. Huminto sila sa isang lumang gusali. Naroon naghihintay si Susana. Nagkunwaring itinali ni Nathan ang mga kamay ni Zeniah ngunit hindi naman ito mahigpit. Madali lang iyon matatanggal ni Zeniah. "Sige na, Zeniah... magkunwari kang wala kang malay..." sambit ni Nathan. "Oo sige," sabi naman ni Zeniah at saka pumikit na kaya naman binuhat na s

