"Nandito na ako mahal ko..." sambit ni Zeniah nang makauwi siya. Agad na ginalaw ni Tristan ang wheelchair niya palapit kay Zeniah at saka niya ito niyakap ng mahigpit. "Sa wakas...nakauwi ka na rin mahal ko. Kanina pa ako nag- aalala sa iyo. Kung ano- ano na nga ang naiisip ko. Kumusta? Anong nangyari? Nakakulong na ba ang baliw na iyon?" sunod- sunod na tanong ni Tristan. "Nakakulong na siya, mahal ko. At sinisigurado ni daddy na hindi na makalalabas pa ang baliw na matandang iyon. Magiging tahimik na ang buhay natin, mahal ko..." nakangiting sabi ni Zeniah. Napangiti naman si Tristan. Hinawakan niya ang pisngi ni Zeniah at saka niya ito inilapit sa kaniyang mukha. Dinampian niya ng halik sa labi ng kaniyang asawa. "Mabuti naman kung ganoon. Magpahinga na tayo, mahal ko. Matulog na

