Three months later..... Sinalubong ng malakas na pakpakan at hiyawan ang bagong kasal na sina Tristan at Zeniah pagkarating nila sa reception. Engrande ang kasal nila kung saan maraming mga tao ang imbitado. Kulang na nga lang ay maiyak sa tuwa ang bagong kasal dahil sa dami ng pagsubok nila sa buhay, nalampasan nila ito. "Mabuhay ang bagong kasal!" malakas na sigaw ng isang bisita. "Mabuhay! Mabuhay!" sigaw ng mga tao doon. Binalot ng matinding ingay ang loob ng reception. At ang lahat ng mga tao doon ay masayang- masaya para sa kanila lalo pa't nalaman nila kung ano ang pinagdaanan ng mag- asawa bago sila ikinasal ngayon. Naging maayos na ulit ang lakad ni Tristan dahil tuluyan nang gumaling ang kaniyang mga binti. Kaya naman talagang napatalon siya sa tuwa sabay buhat sa kaniyang as

