Maingat na binuksan ni Tristan ang gate ng bahay ni Susana bago ipinasok ang sasakyan sa garahe. Palinga- linga siya sa paligid at malikot ang kaniyang mga mata. Marahan at walang ingay niyang isinara ang gate ng bahay. Tanging ingay ng naghahampasang dahon ang maririnig dahil sa lakas ng hangin. Pasimpleng napangiti si Tristan dahil sa wakas, nakasama niya kahit isang saglit si Zeniah. At nagawa niya pa itong hagkan ng matagal at puno ng pananabik. Pinunasan ni Tristan ang pawis na namumuo sa kaniyang noo at saka mabagal na naglakad paakyat ng hagdan, patungo sa kanilang kuwarto. Hindi makabasag pinggan niyang binuksan ang pinto ng sild nila ni Susana. Tila nabigla naman si Susana nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ni Tristan. Saglit lamang kasi siyang nanatili sa puwesto niya kani

