TATLONG ARAW ang lumipas simula nang hindi na magkita sina Tristan at Zeniah, parang mababaliw na si Tristan. Gustong- gusto na niyang makita ang dalaga kahit isang saglit. Mayakap at mahagkan. Ngunit hindi puwede. Lalo pa't nakiusap sa kaniya si Susana. Hindi nga niya alam kung makakayanan niya pang makatagal kay Susana. Pakiramdam ni Tristan ay tila ba nakakulong siya sa isang malaking kulungan. Kung saan wala siyang ibang dapat gawin kun'di ang manatili sa kulungan na iyon. Sumasama naman siya kay Susana. Lumalabas sila palagi. Binibilhan siya ni Susana ng kung ano anong mamahaling gamit. Katulad na lamang ng damit, sapatos, relo at kung ano- ano pa. Pero hindi siya masaya. Wala siyang nararamdamang saya sa mga bagay na iyon. Pero nagpapasalamat siya kay Susana dahil binibigyan siya n

