Hindi agad makatulog si Zeniah dahil naiisip niya ang halik ni Tristan sa kaniya. Pakiramdam niya nga ay hinahalikan pa rin siya ni Tristan hanggang ngayon. Kaya naman napahawak siya sa kan'yang labi sabay ngiti. Kanina pa siya papalit- palit ng posisyon ng pagkakahiga sa kaniyang kama pero hindi pa rin siya makatulog. Ginugulo ni Tristan ang kan'yang isipan. "Hay naku! Nakakainis talaga 'tong si Tristan! Hindi ako makatulog..." nakangiting bulong ni Zeniah sa kan'yang sarili. Habang sa kabilang banda naman, ganoon din ang nangyayari kay Tristan. Hindi rin siya makatulog dahil naiisip niya ang mainit na halik nilang dalawa ni Zeniah. Nakangiti siya habang nakahawak sa kan'yang labi at iniisip na hinahalikan pa rin niya si Zeniah. Pagalaw- galaw pa nga ang kanyang paa dahil talagang kinik

