"Tristan..." tawag sa kan'ya ni Zeniah nang makita siya nito. "Oh, Ma'am...bakit po?" tanong naman ni Tristan. "Bumili kasi ako kahapon sa mall, nag- grocery ako. Eh dinamihan ko para ang iba ay sa family mo," nakangiting sabi ng dalaga. Namilog naman ang mata ni Tristan at saka napakamot sa kaniyang ulo. "Nakakahiya naman po, Ma'am. Nag- abala pa po kayo," sabi niya sabay yuko. Lumapit sa kaniya si Zeniah at saka hinawakan siya sa balikat. "Huwag ka ngang mahiya diyan. Mas gusto kong makapal ang mukha mo. Dapat ang sabihin mo....ma'am dapat dagdagan mo pa eh! Dapat ganoon!" natatawang sabi ni Zeniah. Ngumiti naman si Tristan. "Naku ma'am, palabiro lang ako pero hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko," nakalabing sabi ni Tristan. Tumawa si Zeniah. "Ay hindi ba makapal ang mukha mo?"

